1

3.9K 47 4
                                    

"Alexandra!"

Nag-angat ako ng tingin ng tawagin ako ng kaibigan ko, si Nash. 10 years old na siya at 8 pa lang ako. 2 years ang gap namin. Magkaibigan ang pamilya namin kaya naging magkaibigan din kami.

"Oh, kuya?" Tanong ko. Tumayo ako at nagpagpag ng kamay at lumapit sakanya.

May dala siyang isang kaha ng posporo. Para saan niya naman kaya gagamitin 'yan? Maglalaro na naman ba siya ng apoy? Isusumbong ko siya kay tita.

"Tignan mo,"

Napatingin ako sa kaha. Dahan-dahan niyang binuksan iyon at nagulat ako ng may lumabas na dalawang gagamba mula sa kahon.

"Ah!" Sigaw ko.

Hindi ko napigilan ang sarili kong tumakbo palayo sakanya habang umiiyak. Baliw talaga siya. Takot ako doon e!

Mula sa kinatatayuan ko ay rinig na rinig ko ang tawa niya. Nakahiga pa siya sa damo habang hawak ang tsyan at nagpapagulong-gulong dahil sa sobrang pagkatawa.

"There's nothing to laugh about, Nash Lionel!" I shouted him. "Jerk!"

"Ay, bad words! Lagot ka kay tita!" Sigaw niya habang tinatakot pa ako.

"Ikaw nauna!"

Tatalikod sana ako ng may mabangga akong isang batang babae.

"Ouch! What the hell?" She said.

"Azheaya! You're so stupid and clumsy!" Another girl came and helped her sister.

Oh, a twins!

"It's not my fault, Amiella."

"It is! I can't blame her." I heard ger whispered.

Is she talking about me.

"You should blame yourself. You pushed me." Then she walked away.

"Hey! I'll tell mom about this!"

I watched them disappear from my sight and blinked a lot of times. Ano 'yun?

"Ang ganda nila no?" Bulong ni Nash sa likuran ko kaya nagulat ako.

"Crush mo na? Bata ka pa, ah?" Sabi ko.

"Luh? Nagandahan lang ako e." Sabi niya at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng short niya.

Kahit na bata pa si Nash ay matangkad na siya. Manang-mana kay tito. Hindi ko rin maipagkakaila na pogi siya. Mana kay tito at tita. Maputi at makinis siya. Malinis rin siya sa katawan niya kaya siguro maraming nagkakagusto sakanya na mga schoolmates namin at mga kaklase ko at mga kaklase niya.

Palagi akong nasasabihan ng mga kaklase ko na gustong-gusto daw ng mga magulang nila na mapalapit sila kay Nash dahil sa pera nito at dahil maimpluwensya ang pamilya nila at gusto rin silang ipagkasundo dito.

Bata pa si Nash. Hindi pa pwede. Minsan ay iniisip ko kung bakit maraming nagkakagusto sakanya bukod sa mga dahilan na 'yun. Masama naman ugali niya. Para sa'kin, pangit siya.

Wala naman sinasabi saakin ang mga magulang ko na may gusto silang ipagkasundo sa'kin. Hindi ko rin naman itatanggi na maimpluwensya rin ang pamilya namin kagaya ng pamilya ni Nash. We're both living in the same world.

Naglalakad na kami pauwi ni Nash. Sabi niya maglakad na lang daw kami para healthy-living na kami.

May nakita akong magkakaibigan na nagtatawanan. They're teenagers na. It's amazing. They can do anything they want.

"Gusto ko na maging matanda." Sabi ko sakanya. "Ano kaya feeling?" Tanong ko sakanya.

"Ako rin." Nakangiting sabi niya. "Pwede na ako mag girlfriend sabi ni Daddy kapag 18 na ako. 8 years na lang."

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now