31

1.1K 24 0
                                    

Lumabas na ako ng silid at nag lakad na patungo sa room nila Azheaya. Napabuntong hininga ako ng malakas. Do I really don't need him? Well, maybe.. I can.

I guess?

Napahinto ako sa paglalakad ng biglang lumitaw si Cherica sa harapan ko. Matalim ang tingin niya saakin. Nanatiling walang emosyon ang mukha ko.

"Just say what you have to say, wala akong oras makipagtitigan sayo." Inis na sambit ko. Ngumisi siya.

"Leave Nash." Sabi niya na ikinataas ng kilay ko. "I like him."

"I didn't ask." Pambabara ko na mas ikinagalit niya. Ngumisi din ito at nag paikot ikot saakin.

"Attorney..." tawag niya saakin at bahagya pang hinawakan ang buhok ko. "7 years, I was with him. Ako yung nandyan nung mga panahon na nawala sa si DL. Ako yung nandyan nung panahon na nangungulila siya sayo. We kissed.. and I think he is already inlove with me..." napangisi ako sa lahat ng sinabi niya. Pero meron din kirot sa puso ko. Maaari nga...

They kissed. Sapat ba yon para makumpirma mong gusto ka din ng isang tao? Paano kung hindi naman talaga sila ng halikan?

"Kung nag halikan kayo, wala akong pake." Deretsong sabi ko. "Kung wala ka ng ibang sasabihin aalis na ako." Iyon lang at iniwan ko na siya doon. Amp. Lumitaw bigla para sabihin na gusto niya si Nash at nag halikan sila? Ulol din 'e.

Napapansin kong hindi pa tumatawag si Samuel saakin. Tulog pa kaya siya?

Dumiretso na ako sa room ni Azheaya at kumatok muna bago pumasok. Handa na din sila umalis. Agad na hinanap ko si Francis.

"Asaan siya?" Tanong ko kay Azheaya.

"Ah, nasa banyo." Sabi niya habang inaayos ang boots niya. Tumayo siya at sinuot ang sunglasses bago tumingin sakin. "Oh, ano hinihintay mo? Pasko? Pumasok ka."

"Bakit parang badtrip ka naman yata?" Tanong ko sakanya.

"Anong parang? Badtrip talaga ako! Walang ginawa yung Kai na yon kung hindi istressin ako. Hindi Vacation tawag dito kung hindi Stresscation!" Nag cross arm siya at bumuntong hininga. Lumabas na si Francis sa banyo at ngumiti sakin kaya ngumiti din ako pabalik.

Naupo siya sa kama at nag cellphone. "Tita, can you call them all here? Like, now?" Tanong ni Francis kay Azheaya.

"Sure." Sabi nito. Kinuha niya ang phone niya. "Gael, papuntahin mo ang Greek at Phantom dito sa room ko ngayon na." At agad niya itong binaba. "What for?"

"I just have to tell 'em something." Sabi niya.

"Manang mana ka sa papa mo alam mo ba?" Sabi ni Azheaya at hinubad ang sunglasses. "Ganyan din siya nung bata kami! 'Gotta tell 'em something.' 'Stop asking, Azheaya. It's annoying-' blah blah blah."

"Because it's really annoying." Nakangising ani ni Francis.

"Whatever." Umirap siya. Sakto naman na bumukas ang pintuan. Pumasok ang Greek kasama ang Phantom at si Gael. Grabe parang may fashion show kami dito. Agad na hinanap ng mga mata ko si Nash, pero wala siya. He's really mad huh?

"Asaan si Engineer?" Tanong ni Azheaya.

"You mean, me?" Tanong ni Zy.

"Not you. The other one."

"Oh, si Nash!" Si Kai. "We can't contact him. Nakabukas room nila ng pumunta kami."

"Alex?" Humarap siya saakin. Nag kibit balikat ako.

"Nag away kami at iniwan ko siya doon. Nakasalubong ko naman si Cherica at nagkasagutan din kami bago ako dumiretso dito." Sabi ko.

"Shit." Napalingon kaming lahat kay Francia ng magmura siya. "I forgot..."

"What is it?" Tanong ni Azheaya.

"My Dad recruit Cherica to join his group-"

"So in that case, Cherica is also part of it. Right?" Pagputol ko sa sinasabi niya. He nodded.

"She just joined recently-"

"And you didn't bother to tell us?" Halos pasigaw ko ng tanong.

"I didn't know na bibigyan agad siya ng ganoon mission." Sabi niya. Mission?! Tangina. Lumabas ako agad sa kuwarto at tumakbo papunta sa room namin.

Hindi ko na pinansin ang mga taong nababanga ko, wala naman sila sa responsibilidad ko ngayon. Gusto ko mahanap si Nash. Nasa tapat na ako ng pintuan ng room namin at binuksan ko ang pintuan. Nakita kong basag basag ang mga gamit doon... at walang Nash.

Napatingin ako sa sahig at andoon ang phone niya. Kinuha ko ito. Shit, paano ko siya ma t-track?! Nasabunutan ko ang sarili ko. Dumating sila at agad naman na lumapit saakin si Azheaya.

"Anong nangyari? Asaan siya?" Tanong niya saakin at umiling ako.

"Hindi ko alam, shit, dapat hindi ko siya iniwan dito!" Sigaw ko. Pilit akong pinapakalma ni Azheaya pero hindi ako mapakali!

"Tita..." lumapit si Francis kay Azheaya at may binigay na sticky note. Kinuha ko ito, may nakasulat pero hindi ko maintindihan.

'Vieni e multami, se puoi.'

"What's this?" Sabi ko at binigay kay Azheaya ang papel. Kinuha niya ito at binasa.

"Phantom, check all the cctv's in the area." Utos ni Azheaya.

"Got it." Sabay sabay na sagot ng Phantom.

"Greek, you know what to do.."

"Sure."

"Alex, sumama ka saakin." Hinila niya ako at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Pumasok kami sa isang kuwarto ay nanlaki ang mata ko ng makita ko si Samuel na nakaupo sa upuan, naka tali ang kamay at paa habang may telang nakalagay sa labi niya.

Puro sugat ang kanyang mukha at punit punit ang damit na suot niya. Nalilito ako sa nakikita ko. Narinig ko ang pagsara ng pinto pero hindi ko ito nilingon. Deretso lang akong nakatingin kay Samuel.

"W-What's the meaning of this?" Utal at takang tanong ko. Tinanggal ni Azheaya ang tela upang makapag salita siya.

"Ha, hindi ka pala nadakip..." sabi niya at dahan dahan na ngumisi. "Demeter."

Pakiramdam ko ay tumigil ang paghinga ko ng sabihin niya iyon. Saan niya yon nalaman?

"Paano?" Liningon ko si Azheaya at bumuntong hininga siya.

"His name is not Samuel Polansya, he's Ej Lertory II... kanang kamay ni Ace. His mission is to keep an eye on you and tame you to be his friend.." sabi niya at hindi ako makapaniwala. Tinapik niya ang balikat ko saka lumabas ng kuwarto.

Nanatili ang mata ko sakanya. Nakagat ko ang labi ko at yumuko, pinipigilan ko ang sarili kong luha.

"Bakit-"

"Nung una, hindi ko maisip na mapapalapit ang loob ko sayo. Na magiging kaibigan kita. Nung una, sabi ko pa na 'isa lang siyang misyon na dapat tapusin, bantayan.' Pero... bakit higit pa doon ang nangyari?" Kwento niya at nakikita kong nagsisimula na din tumulo ang luha niya.

"Samuel..."

"Bakit parang, lumihis plano ko? O baka, ako ang sariling lumihis sa sarili kong plano? Kasi tangina, hindi dapat ganito." Aniya. "Hindi, hindi, dapat ako napalapit ng sobra sayo, hindi dapat ako nag aalala sayo, hindi dapat kita iniisip-kung okay ka lang ba, kumain kana ba, tangina."

Umiling ako at kinuyom ang kamao ko. "Tama na."

"Hindi..." naririnig ko na siyang humikbi. "Hindi dapat kita minahal ng ganito."

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now