26

1.1K 19 3
                                    

"Nash?" Tanong ko. Humiwalay siya at tinignan ako. Basang basa na kami sa ulan!

"Pasok muna tayo sa loob, ayoko mag ka lagnat." Sabi niya at agad kong binuksan ang gate at pumasok kami sa loob. Binigyan ko siya ng towel para patuyuin sarili niya.

Naligo muna ako sandali bago bumaba at ipagtimpla siya ng kape. Umupo ako sa sofa at binigay ang kape sakanya. I was about to ask him.

"Ace... nakita ko si Ace. He's back." Sabi niya na ikinagulat ko. Ilang taon din nanahimik si Ace. Wala na akong natatanggap na death threats sakanya. Hindi ko na siya nakikita. Bakit bumalik pa siya?

Siya din ba nag utos sa mga taong sumunod sakin kanina? Kung ganoon, bakit? Ano nanaman ang kailangan niya? Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Azheaya kapag nalaman niya 'to.

"Sigurado kabang hindi ka namamalik-mata?" Tanong ko sakanya. Umiling siya.

"Hindi." Sabi niya. Inubos niya muna ang kape at tumayo na. "Mauuna na ako, mag iingat ka." Tumango ako at binigay ko ang payong ko sakanya. Kinuha naman niya yon bago umalis.

Kinabukasan ay pinuntahan ko si Azheaya at naabutan ko siyang nag lalaro ng cod. Napairap ako, hindi naman siya mahilig sa ganyan dati.

"Azheaya, Si Ace-"

"Alam ko." Sabi niya habang nag lalaro. Nagulat ako, she knew and she didn't bother to tell me?! "Look, for the past years wala akong ginawa kundi bantayan lahat ng kilos ng baliw kong kapatid. Why I didn't bother to tell you? What for? Besides, the tables had finally turned."

"That's the reason why he showed up again?" I asked her.

"Yes, hawak ko anak niya." My jaw dropped. What the freaking fuck?! May anak na si Ace?!

"M-May ano?" Tanong ko, gusto ko linawin sinabi niya.

"Bingi, may anak na." Ulit niya at napaupo ako sa sofa. Grabe, naunahan pa niya ako?!

"Hindi mo naman sasaktan ang bata diba?" Tanong ko. Tumingin siya sakin at ngumisi.

"Walang atraso yung bata sakin kaya naman bakit ko sasaktan? Pinain ko lang ang anak niya para mapalabas sa lungga niya 'no." Sabi niya at tumango tango ako. Buti naman. "Atsaka, hindi ako ganoon kasama para manakit ng bata, grabe ka!"

"Oo na, oo na." Tumayo ako at nag paalam na aalis ulit. Tumawag si Nash kaya sinagot ko at niloud speak ko. "Bakit?"

[Gusto ko lang ipaalam sayo na sisimulan na ang pag rerenovate sa bahay.] Sabi niya.

"Ah sige." Sabi ko. "Hala, saan ako mag iistay?!"

[Kay Azheaya...?]

"Ayoko don." Sabi ko. Maingay don, eh. "Doon na lang ako sa condo, kunin mo gamit ko dyan, bye!" At binaba ko na. I know it's syupid but akin din naman yon! I have rights to live in there also.

Dumiretso na ako sa trabaho ko at nag trabaho na. Pagkatapos ng trabaho ay nag aya ng lunch si Samuel kaya pumayag na din ako. Libre daw niya, 'eh.

Sumakay ako sa kotse niya at pinaandar na niya yon. Sa isang sikat na restaurant kami kumain at kami lang dalawa ang tao maliban sa mga workers.

"Ano sayo?" Tanong ko habang nakatingin sa menu.

"Kung ano yung iyo." Sabi niya at tinaasan ko siya ng kilay. Natawa tuloy siya. "Pumili ka ng iyo at yun din akin."

"Papakainin kita ng sili, tamo." Masungit na sabi ko sabay irap. Kinuha na nila ang order ko at ganoon din kay Samuel.

May napansin akong kakaiba sa babaeng waiter. She looks scared. Lumapit siya saamin at binigay ang order namin. Napansin ko ang papel sa ilalim ng plato ko at taka ko siyang tinignan. Tumango lang ito ng konti saka umalis.

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora