9

1.2K 20 2
                                    

"Ano?" Kunot-noong tanong ko. Seryoso ba siya?

"Ikaw kako, may inaantay ka ba? Sino?" Tanong niya, pagkaklaro rather. Nakahinga naman ako ng maluwag don. Akala ko pa naman ay ako ang inaantay niya.

"Wala naman..." sabi ko. Tumango siya at may binulong pa. Hindi ko narinig. Napatingin ako sa orasan ko. 9 PM na. Ilang oras na lang ay susunduin na ako ni Gael papunta sa Sacred Mansion.

"Ito na ang lomi ninyo." Nakangiting sabi ni Nanay saamin.

"Salamat, Nay!" Nakangiting sabi ko at tumango siya. Wala na atang makakapantay sa lomi ni Nanay. Ang sarap, 'e! Pag nag ka-anak ko, dito ko siya dadalhin, hehe.

Sabay kaming umuwi ni Nash matapos namin kumain. Habang nag lalakad ay hindi kami umiimik.

"Kamusta yung misyon niyo kanina?" Tanong niya.

"Ayos lang, masyadong madali." Sabi ko.

"Baka naman binuhat ka lang nila Gian." Pang-aasar niya. Sinuntok ko siya. "Napaka sadista mo!"

"Ikaw kasi, 'e!" Sigaw ko sakanya. Umirap ako. Nakakainis. Palagi niya na lang akong inaasar. Buwiset!

Nakarating na kami sa village, inaasar niya parin ako! Nakapasok na ako sa gate namin, pinakyuhan ko pa siya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Umakyat na ako sa kuwarto ko. Agad naman akong nag bihis, nag leggings ako at sando. Nag dala na lang ako ng jacket baka lamigin ako.

10:30 na ng matapos ako sa pag aayos. Ano kaya ipapaalam ko? May sleep over sa bahay nila Azheaya? May gagawin kaming project kami at matatagalan kami kaya hindi ako makakauwi ng maaga? Or tatakas ako?

Tama! Sasabihin ko na may sleep over kami ni Nash! Hindi naman siguro ako ilalaglag non kapag nalaman niya.

Napatingin ako sa TV dahil sa balita.

Senator Wilbert Denacio, tumulong sa pagbigay ng reliefgoods sa mga nasalanta ng bagyong Hardin sa lalawigan ng Imus Cavite.

Naramdaman ko na nag vibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko 'yon.

[Nasa labas na ako ng Village niyo, ayaw ako papasukin ng guard. Bumaba kana baka mabaril ko 'to.] Text saakin ni Gael. Natawa pa ako ng konti bago bumaba.

"Oh anak, gabi na. Saan ka pupunta?" Tanong ni Mom.

"Ah.. sa bahay lang po ako nila Nash, may sleep over po kami. Bye po!" Sabi ko at lumabas na ng bahay. Agad ko naman pinuntahan si Gael. Nakasakay siya sa isang BMW S1000RR.

"Sakay na." Hinagisan ako ni Gael ng isang helmet. Sumakay ako sa likod niya.

"Yaman mo ah, BMW 'to pre!" Sabi ko! Bigtime talaga 'tong si Gael. "Saan pala ako kakapit?" Tanong ko.

"Kahit saan, huwag lang sa bewang ko dahil ihuhulog talaga kita sa motor ko." Sabi pa niya.

Kahit saan daw pero huwag sa bewang. Edi sana sinabi mong sa balikat na lang.

Napairap ako sa ere at humawak sa balikat niya. Nagulat ako ng bigla niyang paandarin ng mabilis ang motor! Kingina, ayoko pa mamatay!!

Halos ay sunduin na ako ni kamatayan sa pagiging gasgasero ni Gael mag drive. Hindi siya makuntento sa isang linya! Sumisingit siya!

"Ano ba, kumalma ka nga!" Bahagya ko pang hinampas ang balikat niya sa inis.

"Ang sabi sayo ni Aphrodite ay eleven o'clock. 10:49 na ngayon at ayaw niya pa naman may nale-late." Seryosong sabi niya. Ngumuso ako.

"Alam mo ba ang full name niya?" Tanong ko.

"Oo naman, at isa yon sa mga bagay na hindi mo puwedeng malaman. Lalo na't isa kang Mafia Member at si Dennis ang Boss ninyo.." sabi niya. Bakit naman kaya hindi puwede bukod sa si Tito Dennis ang Boss namin. "Pero, the right time will come. Siya mismo ang mag papakilala sayo."

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now