14

1.2K 19 1
                                    

Parang sirang plaka na paulit ulit yon sa isip ko. Paulit-ulit rin akong kinikilig.

Gusto niya ako. Parehas kami ng nararamdaman. Nakangiti tuloy akong nag lilinis ng mga baril.

"Hoy para kang tanga." Sabi ni Nemesis saakin. Hindi ko siya pinansin.

"Inggit ka lang." Sabi naman ni Artemis. "Hindi ka kasi gusto ni Lenuel."

"Ikaw na bata ka-"

"Tama na.." pagpigil naman ni Hera sa dalawa dahil mag sasabunutan na sila. Dalawang araw na ang lumipas nung umamin siya saakin na gusto niya rin ako.

"Ako din, gusto kita." Sabi niya. Halos malaglag-lag ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Gusto niya rin ako. Nakangiti parin siya saakin at nakangiti.

"Kailan pa?" Tanong ko. Inakbayan niya ako at nagsimula na kaming maglakad.

"Elementary pa lang." He said. "Tara, late na tayo."

Bigla ay napahawak ako sa bibig ko. We kissed two days ago. I mean, he kissed me.

Napatingin ako sa phone ko ng umilaw iyon.

[Pupunta kami sa Sacred Mansion, pag uusapan natin ang tungkol sa misyon.] Sabi ni Nash sa text. Napangiti ako.

[Sige.] I replied.

[Kumain ka na?] Tanong niya.

[Hindi pa, nag lilinis kami.] I replied, again.

[Sige, wait for me.] He said, sineen ko na lang. Tinago ko na ang phone ko at tinuloy ang paglilinis.

Bumaba na si Aya at naka spandex shorts siya at calvin klein na sports bra. Nagpapatuyo siya ng buhok.

"Laki niya boss, ah?" Sabi ni Leto at nginuso si Aya. Agad naman na binato ni Aya si Leto ng tuwalya at sumapol yon sa mukha niya.

"Gago." Sabi niya at naupo sa sofa. Kumuha siya ng lotion at pinahid yon sa katawan niya.

Sakto naman na dumating si Gael at nanlaki ang mata niya nung makita si Aya.

"Aphrodite! Yung virgin eyes ko!" Sabi ni Gael habang nakatakip ang mata.

"Manahimik ka. Mas sama kayo ni Leto." Sabi ni Aya.

"Hala bakit ako?" Tanong niya at humarap saamin. "Crush ko talaga yan si Aya, 'eh. Shh lang." Sabi niya saamin kaya natawa kami.

"Ako din crush ko siya, mwehehehe." Sabi naman ni Artemis. "Ganda niya no?"

"May tama ka!" Sabi ni Leto at nag apir sila.

"Shush, wag kayo maingay." Pag saway ni Hera.

Maya maya pa ay dumating na ang Phantom. Lahat sila ay nagulat ng makita ang suot ni Aphrodite. Lalo na ang mag kakapatid na halos lumuwa ang mata.

Bahagya din naman na nagulat si Aphrodite.

"What the heck are you doing here?" Kunot-noong tanong ni Aphrodite sakanila.

"I texted you, hindi mo ba nabasa?" Tanong ni Kai.

"Duh, obvious ba? Mag tatanong ba ako kung nabasa ko?" Masungit na sabi niya. Umirap silang pareho. "Ano ang pakay niyo?"

"Shall we plan na for the mission?" Kai asked.

"So in anywords, pumapayag kayo?" Paninigurado ni Aphrodite.

Lumapit si Kai kay Aphrodite at bahagya pang hinawakan ang baba niya.

"Uh-huh. Let's see kung hanggang saan ang kaya ni Aphrodite." Nakangising sabi naman ni Kai.

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora