8

1.2K 20 3
                                    

Binaril ko ang hita niya at lumuhod siya't namimilipit sa sakit. Tumayo ako at pumasok sa warehouse. Nilabas ko ang isa pang baril ko at binaril ko silang lahat ng sabay-sabay. May nakita pa akong lalaki sa taas ng warehouse at binaril ko rin yon.

Tinago ko na ang baril sa bulsa ko at binuksan ang kahon na nasa harapan ko. Mga armas.

Sinara ko na ang kahon at tinawag si Gian.

"Tara na, tapos na ako..." sabi ko.

[Susunod na.] Sabi niya sa earpiece.

Nasa isa kaming misyon, kumuha ng armas. How I wish na sana bigyan pa kami ng ibang misyon, unti unti ay nasasanay na ako sa pag kuha ng mga illegal na armas. Pero I want more thrilling than this.

3 days have passed and Gael didn't call. Does really Aphrodite don't want a student? Why? What's the reason?

I'll lie if I'm going to say that I'm not waiting for Gael's call, but shit! Why isn't he calling?

"Let's go." Tinapik ni Zy ang balikat ko at umalis na kami. Sumakay kami sa isang SUV. Hinatid muna nila ako at umalis na sila.

9 pm ng gabi. Bumaba na ako para kumain ng dinner. Kasabay ko sila Mom and Dad, wala silang business trip ngayon.

Hindi ko nakita si Nash buong araw, gusto ko siyang ichat but doing a first move wasn't on my list. I will never.

"Daddy, malapit na birthday mo. What kind of gift do you want?" Tanong ko kay Daddy para mabasag ang katahimikan.

"Ligawan ka ni Nash." Simpleng sabi niya. Agad naman na nag-init ang pisngi ko. Kinililig ba ako o nahihiya?

"Dad, bestfriends lang kami ni Nash." Sabi ko, totoo naman. Hindi ko nga alam kung crush ko ba siya, tss.

"Why not? Nash is a good man, he's smart, he has future, he can make you happy and you look contented around him. I love him for you, anak." Sabi ni Dad, ugh! He's shipping me with Nash. I pouted.

"I-I don't like him..." ani ko. Bahagya pang natawa si Mom and Dad sa sinabi ko.

"That's not what we see this past few days, anak." Mom said. "Ever since mag highschool kayo nag bago na ang kilos mo towards him. At mas nahahalata ko ngayon."

"Mom-"

"It takes time, anak. Wait for the right time na ikaw na mismo aamin sa sarili mo na may gusto ka na sa bestfriend mo." Dagdag pa ni Mom. I sighed, I'm not sure. If that day comes, maybe i'll just let it stay that way. I'm scared to risk our friendship just for my personal feelings.

Nahihiya ako, bakit naman kasi napunta saakin yung topic? Oh my gulay.

Maya maya pa ay lumapit saamin si Yaya.

"Andyaan po si Sir Nash sa labas, Sir." Sabi nito.

"Let him in!" I said, smiling. I looked at my parents they're smiling like a psychopath! Tumikhim ako. "I mean, let him in. Baka may sasabihin siya." I act normal. Tumango si Yaya bago umalis. Huminga muna ako ng malalim.

"Goodevening po Tito, Tita." Bati ni Nash.

"Goodeve, son." Si Dad.

"Magandang gabi sayo." Si Mom.

"Ako hindi mo babatiin?" Tanong ko. He looked at me at nag iwas rin siya ng tingin, lumunok pa.

"Hindi. Hindi pa ba sapat na nabati na yang mukha mo?" Pang-aasar ni Nash. Binato ko siya ng tinidor pero nasalo niya.

"Lumayas ka." Asar na sabi ko.

"Ayoko nga." Naupo pa siya at tumusok pa ng ulam. "Anyways, Tito. Inimbitahan po kayo ni Mom sa maliit na pagsasalo-salo. Birthday po ni Kuya Paupau."

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now