34

1.2K 23 0
                                    

May kumatok sa kwarto ko. "Ma'am, may bisita po kayo."

"Sino?"

"Zy Vinsco daw po ang pangalan." Sabi ng maid. Paano naman niya nalaman? Well, hindi na ako magugulat, he's a Lustivera, Lustivera's can do anything.

"Papasukin mo siya at sabihin mong bababa na ako."

"Okay po," tumayo na ako sa kama at bumaba na. Prenteng nakaupo si Zy sa sofa at naka dekwatrong pang babae. Napabuntong hininga ako at pinuntahan siya.

"Buhay pa ba si Ace?" Tanong niya. Tumango ako at naupo din.

"Oo, pinapahirapan ko pa." Sabi ko. Tumango naman ito. "Anong sadya mo?"

"Kayo ni Ace. Gusto ko siyang makita atsaka may sasabihin din ako sakanya.. pati sayo." Tumango ako. Tumayo ako at pinasunod ko siya saakin. Pumunta kami sa likod ng garden dahil may bakantent kwarto doon. Doon naka kulong si Ace.

Nakatali ang kamay at paa niya. Bali may taling naka lagay sa bubong ng kwartong iyon at ganoon din sa paa. Parang pinosasan ko ang magkabilang kamay at paa niya. Tanging underwear at shorts lang ang meron sakanya.

Dalawang araw na rin na ganyan ang lagay niya. Puro na rin sugat ang katawan niya dahil sa latigo na hinahampas ko sa katawan niya.

"Damn, man, you look horrible." Naupo si Zy sa monoblock na ibinigay ko sakanya. Pinag krus nito ang hita at braso niya. "So how's life?"

"My life is in danger right now. How come, you visited me here." Ngumisi si Ace. "So what do you need?"

"I just want to tell you that Francis gave me an envelope a while ago. It's his mothers last will.
.." Sabi ni Zy. Nagulat ako. May last will pala na iniwan ang mama niya...

So this was his mothers plan. I clenched my fists. I bet his mother is very kind person. Unfortunately, she married a monster like Ace.

"Did you bring it?" Ace asked.

"Why would I bring it? Pabigat lang 'yon sakin." Sabi niya. Nasampal ko na lang ang noo ko. It's just a simple envelope.

"Ace. Walang alam si Dad sa mga katarantaduhan na ginawa mo, maliban na lang sa pag traydor mo sakanya at saamin." Sabi ni Zy. "Hindi niya alam na may apo na siya sayo,"

"Really? Should I be glad then?" Tanong ni Ace kay Zy.

"Oh, you shouldn't brother. As far as I know you didn't treat Francis as your son-"

"Zy, you son of a bitch."

"-Because he is just some toy to you.." ngumisi si Zy. I clenched my fist and diverted my gaze when I met Zy's eyes. He's grinning and I hate it.

"So Alexandra, kailan mo balik bisitahin si Nash?" Tanong niya saakin. Hindi ako nakasagot. "He'll be staying there for a week... i think?"

"I'll visit him, don't worry." Yun na lang ang sinabi ko sakanya. I don't think I can face him right now. Lalo na't sa sinabi ni Ace nung nakaraan... hindi ko na alam.

"Okay, sabi mo." Tumayo siya at nag lakad na papunta sa pintuan. "Advance rest in peace, brother." Iyon ang sabi niya at umalis na. Tinignan ko si Ace at nakatingin lang siyang diretso saakin.

"Get a good sleep, tommorow, you'll dig ur own grave and bury yourself alive." Tatalikod na sana ako ng magsalita pa siya ulit.

"B-Bakit ayon?"

"Ayaw mo non? Gusto mo bang paliguan kita sa gasul ngayon at sunugin ko katawan mo?" Inis na sabi ko sakanya. Lumabas na ako ng silid at bumalik sa kwarto at nag bihis. Bibisitahin ko na siya ngayon.

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now