12

1.1K 24 3
                                    

"Hoy, pakopya." Sinipa ako ni Azheaya. May quiz kami sa math at hindi daw siya nakapag review dahil kagabi. Aba! Hindi rin ako nakapag review! Jetlag ako today!

"Number three..." sabi ni ma'am Cruz habang nag lalakad-lakad.

"Bilis na.." bulong pa niya.

"Wala nga." Sabi ko. Totoo! Wala pa nga akong one half! Nag susulat lang ako kunyari sa notebook!

"May bignotebook ka diba? Hatiin mo, bilis-"

"Ms. Lustivera! Ms. Sirene!" Binato kami ng whiteboard eraser ni ma'am! Sabay pa tuloy kaming napasigaw! "Out! Out! Lintek, kanina pa kayo, ah!?"

"Sorry ma'am." Sabay namin na sabi.

"Labas! Zero na kayo sa quiz na 'to!" Sabi naman ni ma'am Cruz!

"Ma'am-"

"OUT!" Agad naman namin kinuha ni Nash ang bag namin at lumabas na.

"Ikaw kasi, 'e. Sabi ko pakopya." Nakangusong sabi niya.

"Eh wala nga akong sagot! Madamot yung mga kaklase natin, ayaw mag pakopya mga mukhang palaka naman!" Sabi ko! Natawa siya dahil sa sinabi ko! Totoo naman, kailan ba ako nag sinungaling hindi ba?

Napag desisyunan namin na mag cutting na lang dahil wala naman daw class ngayon dahil may biglaang meeting ang mga teacher. Pupuntahan din ni Azheaya ang kapatid niya na si Redalia kaya naman umalis na din ako.

Habang ako ay wala rin naman pupuntahan, dumiretso na lang ako sa Sacred Mansion. Doon na lang muna ako tatambay. Andoon naman siguro si Gael.

Pag karating ko ay agad akong pinagbuksan ng guard. Pumasok na ako sa loob at nadatnan ko si Gael na nakain ng popcorm habang nanonood ng Netflix.

"Why are you here? Cutting ka 'no?!" Pagaakusa niya!

"Hindi ah!" Pag tanggi ko.

"Huwag tuluran! Cuttingera!" Sabi niya habang puno ang bunganga ng popcorn.

"Manahimik ka." Sabi ko. Nilapag ko na ang bag ko at naupo sa tabi niya at nakikain na rin ng popcorn. "Ano pinapanood mo?" Tanong ko.

"Movie."

"Anong movie nga?!" Inis na tanong ko. Pilosopo amputa.

"Nakalimutan ko yung title. Manood ka na lang.." sabi niya at yun na lang ang ginawa ko.

Natapos na ang movie ng may biglang pumasok. Si Aphrodite. At mas nagulat ako ng makita ko siyang naka uniform ng Leicester! Nakahawak siya sa maskara niya at halatang kakasuot lang. Bahagya pa siyang napaatras ng makita ako.

"Andito ka pala?" She asked.

"A-Ah oo, nasa training kasi si Nash kaya dito ako dumiretso." Sabi ko at tumango siya.

"Gael, halika may sasabihin ako." Sabi ni Aphrodite kay Gael at namula naman si Gael!

Tama ba 'tong nakikita ko?! May crush kaya itong si Gael kay Aphrodite?!

"S-Sige.." tumayo si Gael at lumabas para sundan si Aphrodite. Hindi na ako nag abala pang panoorin sila at nag hanap na lang ako ng papanoorin sa Netflix.

Naubos ko na ang popcorn nang makabalik ang dalawa. Seryoso na ang mukha ni Gael ngayon at nung tumingin siya saakin at ngumiti.

"Paki-abot nga nung phone ko." Sabi niya. Kinuha ko ang phone niya na nakapatong sa sofa at hinagis sakanya at nasalo niya naman yon. Ng umakyat si Aphrodite sa taas ay agad kong pinuntahan si Gael.

"Crush mo ba si Aphrodite?" Deretsahang tanong ko at nagulat siya kagaya ng inaasahan ko.

"A-Ano?! H-Hindi! Fourteen pa lang si Aphrodite 'no, bawal!" Depensa niya. Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ako naniniwala. "Oo."

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя