4

1.6K 29 3
                                    

"They did this?!" Sigaw ng mama ni Nash ng makita ang hitsura namin. Pakshet! Natatakot ako kay Dad! He's not speaking pero ramdam ko na sasabog siya sa galit! Shit shit shit!!!!! Why oh why!

Mabait si Dad, yes. But once he got mad, he really does! He can't control his temper!

I want to talk to him and say that I'm fine but I know he wouldn't listen. He's stubborn.

"Are you hurt?" Tanong bigla ni Dad. Nakauwi na kami sa pilipinas kanina lang, lahat sila ay nakakunot ang noo at galit.

"I-I'm fine, Dad.." sabi ko na lang para kumalma siya. Napasinghap na lang siya sa hangin at tumango. Dahan-dahan siyang lumapit kay Nash at bumulong, tumango naman si Nash. Bigla ay kinabahan ako.

Kinabukasan pumunta kami sa headquarters at nag report kay Marcus tungkol sa nangyari. Mag papameeting daw si Boss ngayon at sabihin na rin daw namin.

Kagaya ng sinabi ni Marcus ay sinabi namin sa harap ng may ranks at titolo sa mafia ang nangyari at ang susunod na plano namin. This time looks like na nakuha na namin ang interest nila.

One week after that may binigay silang form saamin ni Nash. Agad naman kaming umuwi para masagutan iyon. Abot dibdib ang aking kaba.

Nang matapos ko itong sagutan ay binigay ko iyon kay Marcus. Naibigay na rin daw ni Nash ang kanya kaninang umaga. Hapon na kasi ngayon.

Tawag na lang ang iniintay namin. Iyong konting vibrate lang ng phone ko ay tinitignan ko na kaagad.

Today ang christmas party namin. Naka short lang ako at t-shirt saka rubber shoes na puti. Tinali rin ni Mommy ang buhok ko ng tirintas. Nag pulbos na lang ako dahil ayokong mag make up muna, baka masira ang face ko.

Sinundo ako ni Nash at sabay kaming pumunta sa Leicester. Hindi nagtagal ay nagsimula na rin ang party.

"Hindi ka ba sasali sa laro?" Tanong niya. Umiling ako.

"Pumunta lang ako rito para kumain.." sabi ko, nagulat siya at natawa rin.

"Edi sana doon kana lang sa bahay ninyo kumain." Sabi niya habang natawa.

"Gusto rin kasi kitang makasama." Dagdag ko. Napatigil siya dahil don. Napatingin ako sakanya at namumula ang pisngi niya. Natawa ako dahil mukha na siyang kamatis.

"Crush mo ako 'no?!" Pang-aasar niya.

"Baka ikaw! Namumula ka nga, 'e." Pang-aasar ko rin sakanya.

"M-Mainit kasi! Sensitive skin ko 'no!" Palusot pa niya. Tumango na lang ako sakanya, alam kong nagsisinungaling siya dahil naka aircon kami dito.

Matapos namin kumain ay umalis na rin kami agad ni Nash at pumunta sa likod ng bahay para mag training. Nag pulot kami ng dalawang piraso na kahoy na parang stick at kunwari ay espada.

Agad kaming naglaban ni Nash at mabilis na lumipas ang oras pero wala parin nababali sa kahoy namin. Agad akong napaluhod ng paluin ni Nash ng malakas ang tuhod ko. Agad rin naman akong nakabawi at tatamaan ko sana siya sa paa pero mabilis siyang nakatalon at inapakan ang kahoy ko.

"Talo ka!" Sabi niya habang nakaupo sa likod ko.

"Sino naman ang nag sabi?" Agad kong hinawakan ang balikat niya at mabilis na humarap sakanya nasa semento parin kami ngayon. Nakaupo ako sa tsyan niya at binali ko ang kahoy. Nginisan ko siya. "Ikaw ang talo." Sabi ko.

"Jusko, masama po ito lord!" Sigaw niya bigla at nagulat ako. "Who! Bata yan, bata." Kinakausap ba niya ang sarili niya?

"Ano ba ang sinasabi mo? Masyado kang malisyoso." Sabi ko.

"Umalis kana kasi sa ibabaw ko! Ikikiss kita, sige!" Pagbabanta niya! Agad ko naman natakpan ang bibig ko at tumayo. Tumawa pa siya kaya naman tinadyakan ko siya sa tsyan.

Dito na kami ngayon at sumusuntok sa punching bag. Naalala ko bigla iyong wish na kailangan tuparin kapag nabutas ang punching bag. Paano kaya kung mahirap iyong wish?

Baka naman iwish niya na iwasan ko na siya! Huwag ganoon.

Napabuntong hininga ako.

Kinabukasan ay sobrang sakit ng katawan ko. Naglaban pa kami ulit ni Nash. Bugbog sarado ang katawan ko sakanya. Ang sakit, 'e.

Pumunta na akong cr at nilublob ang sarili ko sa bathtub. Maligamgam ang tubig kaya naman masarap sa pakiramdam. Mga 30 minutes akong nagbabad roon at saka na naligo at pumasok sa school.

Hindi ko inaasahan na makakasalubong ko si Ace sa loob. Pero parang hangin ay nilagpasan niya ako. Sabagay, hindi naman kami mag kaibigan.

Kumaway ako ng makita ko si Nash. Ngumiti ito at kumaway rin saakin. Ngayon ko lang napansin na may kasama pala siyang lalaki.

"Sino siya?" Tanong ng lalaki.

"Siya si Alexandra Sirene, best friend ko. Alex this is Gino, best friend ko din." Tumango ako.

"Hello." Sabi ko.

"Hi. Ikaw pala yung kinukwen-"

"Gino!" Pagputol ni Nash sa kaibigan.

"Joke lang!" Tumawa si Gino. "Mauuna na ako kasi mag iimpake pa ako, magiingat kayo ah."

Sabay kami ni Nash na pumasok sa room. Bigla ay naalala ko si Aphrodite. Bakit naman kaya ayaw nilang ipaalam? Kalaban ba sila? Pero bakit nila kami tinulungan?

Tapos na ang klase at napag desisyonan namin ni Nash na maglakad na lang muna dahil masakit pa ang katawan namin.

Habang naglalakad ay may nakabunggo akong babae.

"Ay shit sorry!" Sabi namin pareho. Nasa tapat kami ng convinience store. Umupo ako para tulungan siya sa pag kuha ng gamit. Binigay ko sakanya ang mga gamit niya.

Ngayon ko lang napansin ang hitsura niya. Kulay blue ang mga mata nito. Matangos ang ilong, mapula ang labi, mahaba ang pilik mata, maganda ang kilay ay porselana ang balat. Mukha siyang amerikana.

"Sorry kanina, ha? Hindi ko sinasadya." Ganon na lang ang gulat ko ng mag tagalog siya. Dire-diretso ito at walang bulol! Hindi ko nga narinig ang pag ka conyo niya eh.

"A-Ayos lang, filipina ka ba?" Tanong ko.

"Nah, half italian ako." Sabi niya saka nag lahad ng kamay. "Azheaya Vidia Lustivera."

"Alexandra Sirene." Pagpapakilala ko at tinaggap ang kamay ko.

"Nash Guerrero." Mag papakilala rin ni Nash. "Edi kapatid mo sila Gian?"

"Hala, kilala mo sila?" Tanong ni Aya. Tumango kami. "Omg, edi friends ko na rin kayo?!" Nakangiting tanong nito. Hindi naman kami mag kakaibigan ng kapatid niya pero puwede namin siyang maging friend. Tumango ako. "Yehey!"

Biglang nagring ang phone namin ni Nash sinagot namin 'yon.

[I have a mission for you.]

"Ah... ano yan?" Tanong ni Azheaya.

"Ay, ha? Wala! Ano 'to, ah si mama." Si Nash. "So kapatid mo pala si Kuya Gian?"

"Paulit-ulit?" Tanong ko at tumawa.

"Tara kain tayo." Pag-aaya niya saamin. Nagkatinginan muna kami ni Nash bago tumango sakanya.

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now