11

1.2K 20 0
                                    

"He is what?" Hindi ako makapaniwala. Paano?

"Paulo is missing, Alex." umiyak na siya ng tuluyan. Ibinaba ko ang mga libro na hawak niya at pag baba ko nh mga iyon ay napaluhod siya at umiiyak na parang bata na inagawan ng cotton candy.

Lumuhod ako sa harap niya. I hugged him at tapped his back. Bakit ganito... nasasaktan din ako. Kuya Paulo is like a brother to me. I hope he's safe.

I've never see him cry kahit nung mga bata pa kami. Nasanay ako na palagi siyang namimikon at tumatawa pag napipikon ako. He has a cheerful attitude.

"Tara uwi na tayo." sabi ko at tumango siya at pinunasan ang luha saka ngumiti. Isinabit na niya ang bag sa balikat at inakbayan ako palabas.

Nasa waiting shed kami ngayon at hinihintay ang driver ko. Hindi ako nag sasalita dahil binibigyan ko siya ng time mag isip. Pero napaka daldal ko! Hindi ko nga kayang mag salita kahit isang minuto lang. Pero dahil alam kong stressed siya pag bibigyan ko na. He is my bestfriend anyway.

Puro lang siya bugtong hininga. Hindi ko alam kung ano ngayon ang iniisip niya pero sa palagay ko ay si Paulo ang iniisip niya.

Ako naman ay iniisip ko parin ang nangyari sa intrams. He called me love. I feel like I'm in heaven that time. But nawala rin agad yon ng maisip kong niloloko lang ako ni Nash. Na baka biro niya lang iyon.

Tama kaya si Hera? Ang crush ay nauuwi sa love? Paano? Bakit?

2 months na lang ay grade nine na ako. Ang bilis ng panahon. Alam kong, ako ang masasaktan kapag nawala siya. Kasi ako ang lugi.

Kasi gusto ko na siya.

Sabi ko sa sarili ko na pipigilan ko. Sabi ko sa sarili ko na hindi puwedeng magka-gusto sa isang kaibigan. Pero ako rin ang lumunok sa sarili kong sinabi. Ako ang sumira. Siguro ay hahayaan ko na lang muna na ganito ang nararamdaman ko. Para.. maligtas ang pagkakaibigan namin ni Nash.

Tama nga si Mommy, panahon lang ang kailangan. At ako rin ang kusang umamin sa nararamdaman ko. I like him more than a friend. More than a boybestfriend.

Sakto naman na dumating na ang driver ko.

"Sumabay ka na." Sabi ko. Hindi ko na siya pinasagot dahil sinakay ko na siya agad sa kotse. Knowing him, he'll reject for sure. "Tara na manong."

Habang nasa byahe, traffic, nakatulog nanaman si Nash sa balikat ko. Sa simpleng bagay na ganito ay bumibilis na ang tibok ng puso ko. Sa tuwing ngingiti siya ay natutulala ako. Wow, na starstruck.

Ipinatong ko ang ulo ko sa ulo niya at pumikit na rin. Nakakapagod ang araw na 'to.

Nagising ako kinabukasan sa isang malambot na kama. Sa kama ko. Bumangon ako sa kama at uminom ng tubig. Alas sinco pa lang ng umaga. Ginising ko muna ang diwa ko bago maligo at bumaba para mag almusal.

Pag baba ko ay nakita ko ang nanunuksong tingin ni Mom and Dad saakin.

"Why the heck are you smiling like that?" Tanong ko sakanila.

"Tulog na tulog ka sa braso ni Nash kagabi, anak!" Lumapit siya saakin at yinakap ang braso ko. "Boyfriend mo na ba?"

"Mom, no!" Defend ko! Ugh, why do I sound bitter?!

"Hindi naman kami magagalit, anak." Nakangisi rin sabi ni Dad. "I like him for you anak, alam mo yan."

"Dad, time will come." Yun na lang ang sinabi ko.

"Anak-"

"Dad!" Sigaw ko.

"Hindi ikaw, yung isa ko pang anak." Sabi ni Daddy at tumawa. Napatingin naman ako sa pintuan at nakita ko si Nash na may dalawang prutas.

"Nako, Nash! Nag abala ka pa." Kinuha naman ni Mommy iyong prutas at nilagay sa kusina. Nakatingin lang ako kay Nash. Parang may nag bago sa hitsura niya. Bahagya ko pang hinawakan ang baba ko para mag-isip.

"Nag pagupit ka?!" Gulat na tanong ko. Natatawa siyang tumango.

"Wag mo akong titigan ng ganyan..." lumapit siya saakin at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko! "..baka hindi ka na maka-ahon."

"Nash, ilayo-layo mo konti ang mukha mo sa anak ko." Nakangiting sabi ni Daddy. Natawa naman si Nash.

"Sige, Daddy. May next time pa naman." Sabi ni Nash. Biro ba yon o hindi?

"Gago." Natatawang sabi ni Dad. Natawa ako dahil ang lutong ng mura niya.

"Happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday... happy birthday to you..." pag kanta ni Nash. Today is my birthday! Fourteen years old na ako. Wala sila Mom and Dad ngayon, nasa Macau sila. I'm sad dahil this is the second time na wala sila sa birthday ko. Good thing, I have Nash with me.

"Thankyou." Naiiyak ako. It's 12 o'clock ng madaling araw. He stayed up this late for my birthday.

"Make a wish..." he whispered.

My wish is that the day will come when Nash will be happy with the person he loves.

I blew out the candle and I clapped.

"Wait talikod ka." Sabi niya. Taka ko siyang tinignan. "Bilis na!"

"Baka mag macho dance ka, ah!" Sabi ko at tumawa.

"Gusto mo lang makita abs ko, kunwari ka pa." Sabi niya. Sa inis ko ay tumalikod ako. Naramdaman ko ang isang malamig na bagay saaking leeg. Kinapa ko ito.

Kwintas.

"Bakit eternal design niya?" Tanong ko.

"Because my love for you is eternal." He said. I froze. Did he just indirectly confess on me? Or assuming lang ako?

Nakatingin lang siya saakin at ganoon din ako sakanya. I admit it. I'm lost in his eyes. I'm nowhere to found.

Nilahad niya ang kamay niya saakin. Tinitigan ko lang ito.

"Nangangalay ako, Sirene." Sabi niya. Agad akong tumayo at natawa.

"Sorry." I said as I hold his hands. He held my waist and pulled me closer to his chest.

Panalangin ko sa habang buhay

Makapiling ka Makasama ka

Yan ang panalangin ko

He started to sing while he's dancing me under the whole moon. The light that I see in the moon is sparkling in his eyes.

At hindi papayag ang pusong ito

Mawala ka sa 'king piling

Mahal ko iyong dinggin

I rested my head under his chest and listened to his heartbeat. I hear my heartbeat too.

Wala nang iba pang mas mahalaga

Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa

At sana nama'y makikinig ka

Kapag aking sasabihing minamahal kita

Tonight, we became as one. Our hearts became as one.

"Handa na akong isugal lahat, wala na akong pakialam sa mangyayari." He whispered.

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now