22

1K 19 1
                                    

Lahat kami ay napatayo. Kailan pa? Kaya ba hindi sila bumibisita o tumawag man lang?

Napatingin ako kay Nash. Nag iigting ang bagang niya. Nakakuyom ang kamao at nakakunot ang noo.

"Sino tumawag sayo?" Tanong ni Nash ay Azheaya.

"Kuya mo," sabi niya at binigay niya ang phone kay Nash at sinenyasan na siya ang tumawag. Kinuha naman yon ni Nash at tinawagan si Paulo.

Pinalabas kaming lahat ni Azheaya at tanging si Kai at Aya lang ang naiwan sa loob kasama ni Nash. Hindi na ako nakapalag pa dahil baka hindi ko kayananin ang mga malalaman ko pa lang.

Biglang nag ring ang phone ko at muli nananaman tumatawag si Ace. Tumayo ako at lumayo sakanila. Ayaw kong marinig nila ang pag uusapan namin ni Ace.

"Happy now?" I sarcastically asked.

[I'm estatic.] He said. [By the way, you have to make a choice now. Buhay ang nakasalalay dito.]

Natahimik ako. Tama siya, buhay ang nakasalalay dito. Pero hindi ko iiwan si Nash, sigurado akong hindi papatayin ni Paulo ang sarili niyang mga magulang.

"I won't leave him," that's the last thing I said before ending the call. This is so frustrating. I want to kill him right now but I can't. I don't know why.

Bumalik na ako at sakto naman na lumabas na si Azheaya at Kai.

"Pupunta tayo sa birthday ni Paulo, ngayon na yon." Sabi ni Kai. "Go. Prepare everything you need, we need. May pupuntahan lang kami." Dagdag pa niya at hinila na si Azheaya paalis.

Agad din naman kaming kumilos, mag papaalam sana ako kay Nash kaso natutulog siya. Hindi na akk nag abala. Sumabay na ako kay Hera at dumiretso kami sa mansyon.

Nagdala kami ng baril, bomba at kung ano ano pang mga armas na kailangan.

Nag suot ako ng cycling at tube pinatong ko lang ang gown na suot ko para mamaya ay huhubarin ko na lang yung gown.

Nakasakay na kami sa isang van ngayon at naiwan si Gael sa ospital kasama si Nash. Gusto ko din maiwan pero gusto ko din mabawi sila tito't tita. I sighed.

Nakarating na kami sa venue at mga kilalang tao lang ang nasa loob. Marami din media sa labas. Agad naman na dinumog si Azheaya at Kai pero nakaiwas din sila agad sa media dahil hinarangan sila ng mga guards at butlers.

"Girls, boys, don't forget to wear your mask when you got my signal, got it?" Azheaya said. Tumango kami. "Very well, positions." Sa isang pitik ni Azheaya ay pumunta na kami sa posisyon namin.

She said that dito na tatapusin ang lahat. May target na naka assign saamin. Kasama ko ngayon si Artemis, isang company manager ang target namin. May kinalaman din siya sa grupo ni Paulo at Ace. Sinuot ko na ang earpiece ko.

Agad akong kumapit sa braso ng lalaki at kinuha ang wine niya. Kung hindi ako nag kakamali ay nasa mid 40's na siya. Ngumiti siya saakin at ganoon din ako sakanya.

I will be the cause and bring you to your final destination, hell.

"Hey, ladies." Sabi niya at hinawakan pareho ang likod namin ni Artemis. Hindi ako kumportable. Gusto ko na siya patayin.

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now