Special Chapter 2

1.1K 22 0
                                    

"Zach!" They chanted. Intrams na kasi sa Leicester. Girls, easy lang. Ako lang 'to.

I shooted 3 points at nagsigawan ang mga babae. Sinisigaw nila ang pangalan ko. Yes, matalino na, pogi pa, talented pa! Naks naman 'oh!

Nakipag apir saakin si Cyron at tumakbo papunta sa kabilang side ng court.

"Go baby!!" Sigaw nila. Yuck, baby.

Natapos ang laro at tambak ang kalaban namin. 90-45 amputa. Bawi na lang sila next life.

Naupo kami sa bleachers at uminom ng tubig. Pumalapkpak saamin si Coach at binati kami. Kung ano ano sinasabi niya. Kung hindi dahil saakin ay hindi sila makakasama ang grupo na 'to sa Intrams. Nung wala pa ako ay grabe ang hihina nila. Kapag wala si Coach ay ako ang nag ttraining sakanila. Sabagay, palagi naman siyang wala.

Kagaya ng dati. Twing mag ccelebrate sila ng championship ay hindi ako nasama. Minsan ay mas gusto ko pa tumambay sa court kesa sa makipag salamusa sa tao.

Nag lalaro ako ngayon mag isa sa open court ng Leicester.

"Pasok!" Sabi ko ng pumasok ang 3 points shoot. Tuloy lang ako sa pag ddribol ng makarinig ng hikbi.

Gago ano 'yon? Multo? Marunong ako mag boxing. Hindi ako takot 'don.

Madilim kaya hindi ko makita kung saan ko naririnig yon. Binuksan ko ang flashlight ng phone ko at sinundan ang tunog ng hikbi.

Dahan dahan akong naglakad at lumilinga linga. Natigil ako sa paglalakad ng may mahagip. Tinutok ko doon ang flashlight at naglakad papalapit.

Nagulat ako ng mag angat siya ng tingin. Hinarang ko ang bola sa harapan ko. Unti unti ay nakikita ko na ang mukha niya.

Babae siya. Puro pasa ang mukha niya. Napatingin ako sa kamay niya at ay hawak siyang basag na salamin. Salamin niya ata 'yon.

"O-Okay ka lang?" Tanong ko. Binaba ko ang bola at nilapitan siya. Patuloy siya sa pag hikbi. Hindi naman siguro siya multo diba?

I poked her arm. And she's not a ghost! What a relief. Lumuhod ako para pantayan siya. Sinuot ko ang jacket ko sakanya. She looked at me. May sugat siya sa labi at may pasa sa pisngi. Magulo rin ang buhok niya. Amoy, spaghetti rin siya.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko sakanya ng mahinahon. Tinanggal ko ang tali niya sa likod at inayos ang buhok niya.

Hindi siya sumagot sa tanong ko at napabuntong hininga ako. Ngayon ko lang siya nakita. Bago ba siya dito? Or baka matagal na siya. One of the nerds? Like my sister? But Maci is popular.

"What's your name?" Tanong ko na lang.

"Stelyn." Mahinang sabi niya. Ang hinhin ng boses niya. Dalagang pilipina ba 'to?

"Bago ka lang dito?" Tanong ko ulit at tumango siya. Hmm. I think she was bullied by mean girls here. I heard meron daw mean girls dito.

Tinulungan ko siya tumayo at hinawakan ko siya sa balikat. Kinuha ko ang bag ko at tinawagan si Kuya Francis.

"Kuya, asaan ka?" Tanong ko.

[I'm with Amora. Why?] Aniya. Ito na nga ba ang sinasabi ko sayo Kuya 'e.

"Wala. Sige na enjoy your date."

[We're not dating!]

"Sige, enjoy your study..." Tumawa ako ng patayin niya ang tawag bago ko pa masabi ang Date. Mag ttaxi na lang siya.

"Ano ba ang nangyari? Can you tell me?" I said carefully.

She sighed. "Some girls bullied me because I'm a freak and weirdo. That's fine. Sanay na ako."

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now