30

1.2K 23 0
                                    

Nagising ako kinabukasan, sobrang sakit ng ulo ko. Bumangon ako sa kama at as usual wala akong Nash na naabutan. May tubig na nakalagay sa gilid ng kama kaya ininom ko ito. Bumangon ako sa kama at hinubad ang bra ko para makahinga ng maaayos. Naka puting over sized tshirt lang ako at boxers. Sino naman kaya ang nag palit ng damit ko? Si Azheaya? Bumukas ang pintuan sa banyo at nakita kong lumabas si Nash, bagong ligo.

May puting twalya na nakabaloy sa bewang niya. Tumambad saakin ang maganda niyang katawan. His broad shoulder, his abs and such. His manly scent makes me turn on.

Wait, what?

Nakatingin siya saakin. Inuusisa ako. His eyes was like a dagger to me. He licked his lips and the side of his lips rose.

"You..." napapikit siya ng mariin. "You're not wearing bra, are you?"

"Ha? Ano..." sabi ko, nayakap ko ang aking sarili. I heard him chuckle. Binato niya ako ng tuwalya.

"Maligo kana, baba na tayo." Saad niya.

"Bakit hindi ka pa nauna?" Tanong ko.

"Hinihintay kita..." bulong niya pero sapat para marinig ko. Why is he waiting for me?

"Baka hinihintay ka ni Cheri-"

"Stop." He cut me off. "I'm here for you so just stop mentioning her name. Ang hilig mong mangsama ng mga taong hindi naman ganoon kahalaga."

"Pero-"

"Maligo kana, Alexandra Sirene." Sabi niya. Tumakbo na ako papunta sa banyo kasi tinawag na niya buong pangalan ko. Galit na siya pag ganon.

Binilisan ko na lang din ang pag ligo dahil nagugutom na din ako. Nag toothbrush ako at lumabas na ng banyo. Nakaupo siya sa sofa, nag p-phone. Napatingin siya saakin at tinaasan ako ng kilay.

"W-Wala akong damit na nakuha kanina, kuha lang ako." Nakagat ko labi ko at dumiretso sa cabinet. Yumuko ako ng bahagya ng malaglag ang isa da mga damit ko. I was shocked when I saw him leaning against the wall and looking at me.

Napalunok ako. Para akong teenager na nilapitan ng crush niya! Nag iwas ako ng tingin dahil nahihiya ako. Bakit ba siya ganiyan tumingin? Dukutin ko mata niya, 'eh.

"Oo nga pala, may sinabi ka ba saakin kagabi nung tulog na ako?" Tanong ko sakanya. Napalunok naman siya bago sumagot.

"Wala.." sabi niya.

Tumango naman ako. "Bak nananiginip lang ako. Sige, mag bibihis lang ako."

"Okay, and one more thing..." napalingon ako sakanya. "Wag kang yuyuko ng ganoon sa harapan ko."

"Bakit?"

"Basta." Napabuntong hininga siya. Kinuha niya phone niya at may tinawagan. "Hello, Engineer Jho? How's the site?" Pumasok na ako sa banyo. Pakiramdam ko masyadong private pag uusapan nila. Hindi naman ako chismosa no!

Nagbihis na ako at lumabas ng banyo habang pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya. Wala na akong balak mag swimming ngayon, baka umitim ako. Charot, di ako umiitim. Tinatamad lang talaga ako lumangoy.

Naka maong shorts lang ako at croptop at naka tsinelas. Habang si Nash ay naka pang swimming. Lumabas na kami ng room at pag apak ko palang sa labas ay may naramdaman na akong kakaiba. May, tumitingin saamin sa malayo. Nilibot ko ang mata ko sa paligid pero wala akong makitang tao.

Sinubukan kong maglakad ng normal pero may nag mamasid talaga kaya huminto ako para tignan ulit. Si Francis ba yon? Hindi ko siya maamoy. Pero hindi siya iyon, sigurado ako.

"Hey, what's the problem?" Tanong ni Nash. Sasagot na sana ako ng mag salita siya. "Pretend that we're talking, stop looking for that person. He won't show up." He whispered which made me shock. Akala ko ay ako lang ang nakakapansin. Tumango na lang ako at nag patuloy sa paglalakad.

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now