|| Sage ||
Pasikot-sikot kami sa mga eskenita rito sa bayan. Nauunang naglalakad 'yong lalaking kasama namin at nakasunod sa kaniya si Eivel.
Maingat silang naglalakad at sumisilip muna sa daanan bago tumuloy. Habang ako ay walang ganang pinapanood sila at kaswal na naglalakad habang may subo-subong lollipop.
Tsk, I take back what I said. If this is still a part of the game, then it's getting boring. We don't need anyone's help.
Nagpatuloy sa paglalakad sina Eivel at nanatili akong nakabuntot sa kanila.
"Sage-ya."
Walang gana akong napatingin sa matabang hamset na nasa balikat ko. Matalim at seryoso itong nakatingin kina Eivel at sa lalaking sinusundan niya.
"I don't like that guy-ya."
"He's sus-ya."
Kapwa niya ay napatingin ako sa dalawang seryosong nagmamasid sa dinadaanan. They looked like a spy wannabe.
"Why?"
Potchi's little arms crossed. "Tignan mo siya mabuti-ya."
"The way he looks and talks to our Eivel-ya."
"Those eyes meant something-ya!"
Maiging nakatingin ang guinea pig na kasama ko sa lalaking sinusundan namin.
"Look how perfect his jawline is. His long hair that enhances his manly figure-ya."
"He acts so mature even though you have the same age-ya!"
Malalim akong napabuntong-hininga at walang ganang napasulyap kay Potchi. "In short?"
Humarap siya sa akin at tinignan ako na para bang may mali akong sinabi.
"In short? He's too perfect-ya! He's sus-ya!"
I gave him a lazy stare and shooked my head. What a pain in the neck.
"It's all part of the game," walang gana kong sambit.
Tinignan ko ang lalaking kasama ni Eivel. I can get what Potchi's saying. The way he looks and talks to Eivel is definitely not in character. But there's no need to worry about him, he's just a part of the game.
A freaking character that is not real.
"Tsk! Bahala ka riyan-ya!"
"Basta babantayan ko siya-ya."
Hindi na ako hinayaan pang makasagot ni Potchi nang agad itong tumalon sa balikat ko at tumakbo sa pwesto nina Eivel. Natigilan ang babaeng kasama namin sa biglaang pagsulpot niya at walang pag-aalinlangang pumwesto sa balikat ng lalaki.
I heaved a sigh. "Fat hamster."
Nagpatuloy kami sa pagsisikot-sikot at hindi ko namalayan na katabi ko na palang naglalakad si Eivel. Nauuna sa aming ang lalaking sinusundan niya na nasa balikat si Potchi.
Ingat na ingat sila bago maglakad sa daan samantalang walang gana lamang akong nakasunod at nakapamulsa.
"Hey! Umayos ka nga! Mahuhuli pa tayo dahil sa'yo." Pagsuway sa akin ng babaeng katabi ko.
My forehead furrowed and my nose crinkled. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
Hindi nagtagal ay napunta kami sa isang masikip na eskenita. Mahirap maglakad dito dahil sobrang liit ng espasyo.
BINABASA MO ANG
Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)
Science FictionVOLUME 1 Eivel L. Leoda was known as a genius. However, it seems like solving riddles and questions in real life won't help her solve her personal problems. Instead, playing a game would help her achieve her goals. But rather than making a character...