29. One-man player

3.9K 335 16
                                    

|| Sage ||

I'm casually walking alone while my hands are inside of my pockets. May subo-subo akong lollipop at walang ganang nakatingin sa dinadaanan ko.

Hindi ko alam kung gaano na 'ko katagal na naglalakad sa pasilyong ito at wala pa rin akong nakikitang kahit ano mang silid o pinto. I'm starting to get bored. . .

Napasulyap ako sa kisame habang naglalakad. Ano na kayang ginagawa ng mga kasama ko?

Did they managed to find the Sphinx? Are they with him now?

Sinipsip ko ang lollipop at nanatili akong nakatingin sa kisame. Nang bumalik ang tingin ko sa dinadaanan ko ay roon ko lang napagtanto na sobrang tahimik pala. Ako lang ang mag-isang naglalakad sa mahaba at tahimik na pasilyong 'to.

There's really nothing new about it. . . I used to play alone anyways.

It's just that. . . I was together with my teammates for a quite of time now. It made me forget what it feels like being alone.

Napabuntong-hininga ako at napayuko. I was with them for quite a long time, now I'm getting uncomfortable walking without someone at my side.

Mukhang sa unang pagkakataon. . . hindi ko kailangang i-delete ang mga data sa larong 'to.

-̵-̷-̷-̸-̶-̵-̸-̶

Ilang minuto rin akong naglakad pa bago ko matagpuan ang sarili ko sa tapat ng isang pinto. I heaved a sigh and I didn't think twice opening it.

Bumungad sa 'kin ang isang ordinaryong silid. Walang naiiba sa loob, bagkus ay wala pa nga itong kalaman-laman. There are no monitor screens, furniture, or even windows. Just torches, enough to lighten up the room.

Ang tanging nasa loob lang maliban sa mga nagsisilbing ilaw ay isang babae. Her hair is black, straight and shoulder length, she also have bangs. She's wearing a white kalasiris dress and freaking dozen of accessories. Kitang-kita ang kurba ng katawan niya dahil sa pagkakahapit ng damit niya.

Ang pinakanakakuha ng atensyon ko ay ang make up niya at ang makapal na eye liner. It's enough for me to know who she's impersonating.

Cleopatra. 

"Welcome, player," sambit niya gamit ang isang malambing na boses.

Naglakad siya papalapit sa 'kin at pinagmasdan ako mabuti. Hindi ako nag-aksayang tignan siya pabalik at hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Bagkus ay kumuha ako ng panibagong lollipop para kainin.

"Sage D. Einstein." Panimula ni Cleopatra.

"Username, Sage. A game prodigy."

Inikutan niya 'ko habang nilalakbay ang mga kamay niya sa taas na parte ng katawan ko. Walang gana lang akong tumayo sa pwesto ko habang binubuksan ang lollipop.

"It's nice meeting you."

Tumigil siya nang saktong nasa tapat ko na siya. She stared at my face with a seductive smile while I look at her back, expressionless.

"Aww, I didn't know you were such a shy boy-"

Inilapit niya pa lalo ang mukha niya sa 'kin at inakmang kukunin ang lollipop ko. Doon na 'ko kumibo at walang gana ko siyang tinignan. "Move, woman."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan dahil natigilan ang babaeng kaharap ko na hindi inaasahan ang inasal ko. Matapos ng ilang segundo ay umalingawngaw ang tawa niya sa silid.

"Looks like the rumors were really true, you're such a cold-hearted man, Sage. You're really the one-man player, the game prodigy."

She flashed a smirk on her face before stepping away from me. Nagsimula siyang mag-ikot sa silid habang nanatili ako sa pwesto ko.

Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now