37. The Rule

3.8K 367 18
                                    

|| Eivel ||

Halatang nakuha ko ang atensyon ng Game General sa sinabi ko. Nakita ko ang pasimpleng pagkurba ng labi niya sa isang ngisi.

"I see. . . rather than setting a rule, you made a. . ."

"Category."

Walang kaemo-emosyon ko siyang tinapunan ng tingin.

Yes, rather than an exact rule, I made a category. Kumbaga, may klase ang topic namin ngayon at hindi kami malayang makapipili ng basta-bastang riddle. I put a restriction. 

Ang mga sagot sa mga tanong ay hindi nakikita.

"You limited the possible answers with just one rule," muling sambit ng Sphinx.

"Clever. . . but still, Miss Eivel. I don't see you getting any benefits in this rule," he said full of confidence.

Nanatili akong walang imik sa sinabi niya. 

Bakit ko naman pipiliin ang rule na 'yon kung wala akong mapapala?

Unlike objects that are visible in our eyes, they have exact definitions and descriptions. Madali silang ma-i-identify. Unlike those who aren't, mas malawak ang deskripsyon sa kanila at pwede pang pare-pareho o iba-iba.

At larong ito, ako ang unang magtatanong. . . 20 questions to be exact.

"Let's see about that," sagot ko.

The Game General flashed a smile. Umupo ito sa reading chair na nasa likod ng desk niya at pumalumbaba. "Hmm, interesting."

"Then, let's start."

Tila bumigat ang tensyon sa silid. Ngayon nagsibalikan sa akin ang kabang nararamdaman ko. 

To be honest, I'm not used in asking riddles. Dahil ang kadalasan ay ako ang sumasagot.

Pero kahit ang tanong, pinag-iisipan din. 

Humakbang ako ng isa at hinabol ang mga tingin ng lalaking kaharap ko. Nang magtama ang mga tingin namin ay seryoso ko siyang tinignan.

My first riddle is. . .

"I'm infinite, yet limited. I'm free, yet stuck on your head. I'm easy to obtain, yet hard to maintain. The more you gain, the harder I explain."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Pasimple akong huminga nang malalim at hindi ko pinapahalata ang kaba ko.

I said my first riddle. I didn't stutter nor made a mistake.

Ang natitira na lamang ay kung masasagot ang riddle na ginawa ko o hindi.

The sphinx heaved a sigh. Magkadikit ang dalawa niyang kamay at nanatiling nagkapatong ang baba niya sa itaas nito. Marahan siyang pumikit na para bang nag-iisip mabuti.

"I'm infinite, yet limited," pag-uulit niya.

"I'm free, yet stuck on your head. . ."

Hindi man lang tumagal ng limang segundo ang pag-iisip niya. Unti-unting kumurba ang labi niya sa isang ngisi. He opened his eyes and our gaze met. "Not bad for your first riddle," nakangisi niyang sagot.

Napalunok ako nang malalim at humigpit ang pagkasasara ng kamao ko. Alam ko na ang magiging sagot niya dahil sa tingin niya pa lang.

I didn't underestimate him. But still, hindi ba pwedeng mag-isip man lang siya kahit sampung segundo?

To be exact hindi ba pwedeng ipakita niya sa akin na nag-isip nga man lang talaga siya?

"The riddle you made really suits you well," sambit ng Sphinx.

Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon