31. The newbies

3.9K 408 122
                                    

|| Sage ||

Napatulala ako sa screen ng cellphone ko. Kunot noo kong binasa ulit ang pangalan ng app.

Game Of Life? I don't remember installing this app.

Out of curiosity, binuksan ko ang app. Para na rin masigurado ko talaga na hindi ko 'to ininstall at kung sakaling may dalang virus, maagapan ko kaagad.

Pagkabukas ko ng app ay hinanapan kaagad ako nito ng ign. Even though I was hesitant at first, I still typed my ign.

Pagkatapos n'on ay nagsilbasan ang mga introduction ng laro. 

Welcome to the Game of Life. Congrats for being chosen as a player!

Nakuha ang atensyon ko ng nakalagay sa screen. Now I'm sure that I didn't install this game. Kusa itong napunta sa phone ko.

I can't help but to smirk as I lick my lollipop. Mukhang magaling ang taong nasa likod nitong app para magawa 'yon. Lalo na't maingat ako sa mga accounts at devices na gamit ko sa paglalaro.

Sumunod na lumabas ang objectives ng laro.

The players must defeat the Game Generals and collect all the chess pieces.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa at pagki-click sa screen. So far, nagiging interasado na 'ko sa laro.

Nanatili akong nagbasa ng mga objectives nang biglang nagbago ang ekspresyon ko sa sumunod na lumabas sa screen.

Each players will be divided into teams with 3 members. May the best team win. Let's play the Game of Life!

My expression immediately changed. Lahat ng interest ko sa laro kanina ay parang bulang nawala.

"Boring," bulong ko sa sarili bago tanggalin ang natirang stick ng lollipop sa bibig ko.

Akmang magli-leave na 'ko sa laro nang mapunta ako sa lobby. Mabilis akong huminto nang makita ko ang message ng isang player.

King In Disney: Yown! May kasama na 'ko HAHAHAHA

My forehead furrowed when I saw his username. Hindi pa 'ko nakakapag-type ay nag-message ulit siya.

King In Disney: Wag ka mag-alala! Ako bahala sayo dito

Mas lalong kumunot ang noo ko at natupi ko ang lollipop stick sa nabasa. 

Huh?  Hindi niya ba nababasa ang username ng kalaro niya? Hindi niya ba 'ko kilala?

Sage: What are you, a pro?

Napaismid ako habang nagta-type. I thought that he was being full himself at first, but then. . .

King In Disney: Patay... english...

Doon ko napagtanto na hindi siya nagmamayabang o malaki ang tiwala sa sarili. It's just that. . . he's dumb.

I just found myself chuckling. . . that turned into a loud laugh.

Pftt. What's with this guy?

Akala ko'y mapapa-leave ako sa laro pero napagdesisyonan kong manatili muna kahit pa paano. At isa pa, I want to see what kind of person is our last teammate.

Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon