7. City of Gold

5.8K 389 62
                                    

|| Eivel ||

My chin is resting in my hand, my eyes are looking at the window. Pareho-pareho kaming nakasakay nina Kid at Sage sa isang tren. Paiba-ibang lugar ang nakikita namin sa bintana kada-tunnel na mapasukan namin.

Nang lumabas kami sa lobby mula sa pinanggalingan namin, isang ordinaryong tren na ang bumungad sa amin pagbalik. And it's the same train we're riding right now. With the help of Potchi, papunta na kami ngayon sa area ng unang Game General na ich-challenge namin.

Nanatili kaming tahimik at hinintay na pumasok ang tren sa susunod na terminal. Habang nakatingin sa bintana, hindi ko mapigilang hindi sumulyap kay Sage na katabi ko lang.

Mula nang manggaling kami sa lobby ay pang-labing pitong lollipop na niyang subo-subo 'yan. Where the hell is he getting it from?

I also glanced to the other person next to me. Sa kabilang banda ay parang bata naman ito dahil namamangha siyang nakatingin sa bintana. Kid's eyes are locked outside.

Okay sana kung normal lang siyang nakatingin pero hindi. Nakadikit ang mukha niya sa salamin at nakaawang ang bibig. His eyes are sparkling with excitement as he stares in the window.

Napangiwi ako bago mapabuntong-hininga. If this is real life, there is 0% chance that you'll see me with these kinds of people.

Hindi nagtagal ang pagtitiis ko sa kanila dahil huminto ang tren sa terminal. Napasinghap si Kid na nakatingin sa bintana nang biglang dumilim. Walang gana at nauna akong lumabas dito para tinignan kung saan kami pumunta.

I fixed my hair as I step down the terminal's stairs. Hindi ko kaagad napansin ang lugar na binabaan namin at namilog na lang ang mga mata ko nang makita ang kabuoan nito. Naningkit muna ang mga mata ko nang sinalubong ako ng sinag ng araw. Unti-unting umawang ang bibig ko nang makita ang area na pinuntahan namin. At first glance, I thought I was in Vegas.

Sobrang liwanag ng paligid kahit nakatirik ang araw. Sobrang sigla ng mga mamamayan.

Neon lights are plastered in every shops. Different kinds of beverages are being given in every tourists. Gayang-gaya talaga nito ang Las Vegas. From the fountains, building structures, and even the mini Eiffel Tower.

"Welcome to Area 106, also known as the City of Gold. Where the Game General, Queen of spades is-ya!" masiglang sambit ni Potchi sa amin.

"Tara na-ya!" dagdag niya.

Sabay-sabay kaming naglakad papalabas sa terminal. Hindi mawala ang tingin ko sa paligid. Hindi ako makapaniwala na laro lamang ito.

"So? Paano namin siya macha-challenge?" biglaang sambit ni Sage.

Natauhan ako sa sinabi niya. Naalala ko ang dahilan ng pagpunta namin dito. 

Nagkaroon ng sandaling katahimikan at hindi kaagad nakasagot ang coach namin. Nang tapunan ko siya ng tingin ay mabilis siyang umiwas.

"Hehe. I don't know-ya," nahihiyang sagot ni Potchi habang kinakamot ang ulo niya.

Both of my eyebrows rose, dumbfounded. While Sage looks unbothered as if he already expected Potchi's answer. He looked at me with the expressionless face of his.

"So what are we going to do, Miss genius?" walang ganang sambit ni Sage sa akin habang subo-subo ang lollipop niya.

Napaismid ako. "Ano pa ba? We're going to look for clues."

Muli dapat akong magsasalita nang mapansin kong naglilibot ng tingin ang isa ko pang kasama. Napaismid ako at marahang tinapik si Kid dahil hindi ito nakikinig sa amin. He's busy staring at his surroundings with his mouth half open!

Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon