15. Uno

5.8K 405 93
                                    

|| Eivel ||

I hop out of the train and Kid and Sage followed me. Nauna akong naglakad papunta sa labas ng terminal at wala ako sa sariling napatingin sa paligid na nagpaawang ng bibig ko.

I roamed my eyes in disbelief. Unti-unting namilog ang mga mata ko sa bumungad sa akin.

Everything is covered in sand. Sa hindi kalayuan ay merong bayan at kapansin-pansin ang napakalaking pyramid sa gitna nito. Maliban doon ay wala na akong nakikitang iba. Lahat ng masilayan ng mga mata ko ay napalilibutan na ng disyerto. 

Hindi ako makapaniwala. Paano nila nagagawa ang lahat ng ito?

"Eyo! Ano-"

Hindi naituloy ni Kid ang sasabihin niya nang masilayan niya rin ang paligid. Kapwa ko ay napaawang din ang bibig niya sa nakikita.

Kabaliktaran naman namin si Sage na walang paki nang makalabas ng terminal. As usual, nasa balikat nito si Potchi.

"So this is Giza, huh?" walang ganang kumento ni Sage habang may subo-subong lollipop.

Inilibot namin ang tingin namin sa paligid. Humampas ang malakas na hangin na may kasamang mga buhangin na nagpapikit sa amin.

"E-Eyo. Tara na!"

Maliit ang pagkakabukas ng mga mata ko habang tumatango sa sinabi ni Kid. 

"Meron tayong masasakyan na mga camels sa gilid ng terminal-ya!" sambit ni Potchi.

Muli kaming tumango. Akmang maglalakad na kami papunta sa gilid ng terminal nang pare-parehong naagaw ang mga pansin namin.

"Miss Leoda! Miss Eviel Leoda!"

Natigilan ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin. I thought that I misheard it, but the others noticed it too. Kapwa ko ay napatingin din ang mga kasama ko sa lalaking nagtatawag.

My forehead furrowed as I gave the guy a confused look, trying to recall his face. Kalalabas niya lang din ng terminal at tumatakbo siya papalapit sa amin.

"A friend?" walang ganang tanong ni Sage.

Hindi ko siya sinagot, bagkus ay nanatiling nasa lalaking tumatakbo ang tingin ko.

Who the heck is this guy?

Tuluyan na siyang nakalapit sa amin habang hinahabol ang hininga. Nang makalapit siya ay mas lalong naningkit ang mga mata ko. I haven't seen him before. . . I think?

He has an undercut and dark brown hair. He seems friendly when smiling, showing his deep dimples. Just like us, he's also wearing a uniform that I'm not familiar with.

"Wah! Ikaw nga!" masiglang sambit sa akin ng lalaki.

I tried faking a smile but I know it's still obvious. Pasimple akong napatingin sa mga kasama ko na nakatulala lang din sa lalaking bagong dating.

Pilit akong tumawa na para bang masaya rin akong nakita ang lalaki. "Y-Yeah, haha."

"Natatandaan mo pa ako? Well, sa tingin ko limot mo na." 

Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "It's me, Kenji! Pareho tayong nasali sa chess competition before. I saw you play and you were really a genius! But sadly, hindi kita nagawang makalaban dahil nagkaroon ako ng emergency," pagpapakilala niya.

My fake smile slowly faded as I recall his name. Kenji. . .

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon