|| Kid ||
Nasa balikat ko si Potchi at kasama namin si Eivel na naglalakad.
Dadalhin daw kami sa isang sut. . . soot? soat? so-
Sa isang kwarto rito sa pinasukan namin. Papunta na kami roon ngayon habang hinihintay si Sage.
Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi nila kanina. Ang alam ko lang ay makikipaglaro si Sage roon sa magandang babae.
"Ya! Matigas talaga ang ulo ng lalaking iyon-ya!" iritadong sambit ni Potchi.
"What do you expect? He's a jerk," dagdag ni Eivel.
Pilit na lang akong tumawa sa mga sinabi nila. Ang hirap talaga kapag may kasamang babae, tapos 'yong isa gini pig pa.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa kwarto namin. Napasinghap ako nang makita ang loob.
Ang angas ng nasa loob ng kwarto, parang 'yong mga nakikita ko sa mga palabas dati sa TV. Meron pang malalaking bintana kung saan nakikita namin ang kabuoan ng bayan. Dahil maggagabi na ay kitang-kita ang iba't ibang kulay ng mga pailaw sa labas. Pakiramdam ko nasa ibang bansa ako!
Patalon akong umupo sa sofa dahilan ng pagkahulog ni Potchi.
"Ya! Stupid Kid-ya!" inis niyang sambit sa akin. Natawa na lang ako bago siya kunin sa lapag.
"Eyo, sa tingin niyo mananalo si Sage?" pag-iiba ko.
Pareho kong nakuha ang mga atensyon nina Eivel at Potchi sa sinabi ko.
"Dapat lang, para naman hindi niya kainin ang mga sinabi niya sa atin," walang ganang sagot ni Eivel.
Napanguso ako sa sinabi niya at tinapunan ko ng tingin si Potchi. "Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa amin 'yong mga lalaruin? Para mapadali na lang 'yong pagkuha ng mga ano, ano. . . 'yon," ani ko.
Kumunot ang noo ni Eivel sa sinabi ko habang hindi maipinta ang mukha ni Potchi, pero, mukhang pa rin siyang gini pig.
"Moron-ya! Naka-program lang kami para gabayan kayo rito sa loob ng game! Tanging mga lugar at mga pangalan lamang ang alam namin dito-ya!" sagot niya sa akin.
Tawa ang sinagot ko sa kaniya na mas lalong pinagtakahan ni Potchi at ang pagkunot lalo ng noo ni Eivel.
"Naway bigyan pa ako ng mahabang pasensya ng Diyos." Rinig kong kumento ng babaeng kasama namin.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Panigurado lang akong naiinggit lang siya akin dahil marami akong nickname kay Potchi. Stupid, Moron, at siguradong marami pa. Gano'n ako kamahal ni Potchi.
Habang nag-uusap kami ay hindi namin napansin ang pagpasok ng isa pa naming kasama sa loob. Agad akong nakaramdam ng saya nang makita si Sage na kaswal na pumasok sa loob, sa likod niya ay nasulyapan ko ang mga gwardyang nagdala sa kaniya rito.
"Eyo! Sage!" pagbati ko. "Nanalo ka?"
Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang may dinukot si Sage sa bulsa niya.
Yown! Iyong!-
Nawala ang ngiti ko nang makitang isang lolipap ang kinuha niya. Binuksan niya ito at sinubo bago ako tapunan ng tingin.
"Nah. I lost," kaswal niyang sambit.
Pare-parehong napaawang ang mga bibig namin sa narinig. Lalo na si Eivel na bakas sa mukha ang inis.
"Y-You what?!" iritadong sambit niya. Lumapit pa siya kay Sage.
Walang gana siyang tinignan nito bago sumagot. "I lost," pag-uulit ni Sage.
BINABASA MO ANG
Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)
Science FictionVOLUME 1 Eivel L. Leoda was known as a genius. However, it seems like solving riddles and questions in real life won't help her solve her personal problems. Instead, playing a game would help her achieve her goals. But rather than making a character...