14. Next destination

4.7K 370 53
                                    

|| Eivel ||

Nakasandal ako sa pader habang hinihintay ang kasama namin sa loob ng VIP room. Magkakrus ang braso ko at wala akong ganang nakatayo.

Kapwa ko ay naghihintay rin si Kid habang nakaupo sa guard na walang hirap niyang pinatumba. Hawak-hawak niya ang champagne na dala-dala nito.

"Eyo! Gusto mo, Eivel?" pag-aya niya sa akin sabay harap sa akin ng champagne. 

Kumunot ang noo ko at umiling. Tsk. What the heck is he doing?

"Sa tingin niyo kaya ay natalo na ni Sage yung Game General-ya?" biglaang tanong ni Potchi.

Nasa balikat ko siya nakapwesto ngayon. Kaswal siyang nakaupo habang hinihintay namin ang isa pa naming kasama.

"Of course he will. There's 0% chance that he'll lose. Lalo na't alam na natin ang trick na ginamit ng Game General," walang ganang sagot ko.

Hindi nagtagal ang paghihintay namin nang bumukas ang pinto sa VIP room. Iniluwa nito ang lalaking hinihintay namin.

Walang ganang lumabas si Sage na may subo-subo na lollipop.

"Eyo! Sage!"

"Sage-ya!"

Sabay na pagbati ng dalawang kasama ko. Agad na tumalon sa balikat ko si Potchi at sinalubong ni Kid si Sage.

They look like kids waiting for their mom to get home.

Nabigla ako nang huminto sa harapan ko si Sage. Nagtama ang mga tingin namin at walang ekspresyon iyang inabot sa akin ang bagay na kinuha niya sa bulsa niya.

Namilog ang mga mata ko nang makita ko kung ano ito. The rook.

Sage showed a teasing smirk seeing my reaction.

"I've got it, Miss Genius."

-̵-̷-̷-̸-̶-̵-̸-̶

Matapos naming makuha ang Chess Piece ay hindi kami nag-akasaya ng oras pa at agad kaming umalis sa casino. Hangga't maari ay gusto naming makakuha kaagad ng apat na Chess Piece.

"Saan tayo sunod na pupunta?" marahang tanong ni Kid.

Pare-parehong kaming natigilan at natauhan sa sinabi niya. Kapwa kaming napatingin kay Potchi na nagsisilbing guide namin dito sa laro.

Ang kaninang masigla at malawak na nakangiti na guinea pig ay nawala. Para itong binuhusan ng malamig na tubig at hindi maipinta ang mukha. "Y-Ya? Susunod-ya?" sambit niya nang matauhan din.

Hindi niya kaagad magawang makasagot at parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Ang walang ekspresyon na si Sage ang sumagot sa tanong. "We're going to meet the next Game General, the sphinx," aniya.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. "The sphinx?" I sound interested.

Mabilis na natauhan si Potchi. "Y-Ya! Nawala sa isip ko ang susunod na pupuntahan natin-ya!" kinakabahang sambit niya.

"Ang susunod na destinasyon natin ay ang Giza. K-Kung saan nando'n ang Game General na tinatawag na sphinx." 

Kumunot ang noo Kid. "Bakit ka kinakabahan? Ano ba 'yong spingks?"

Tinignan ko si Kid na para bang may mali sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Ni hindi niya man lang ba nabasa 'yon sa libro o napanood man lang sa movies?

"A sphinx is a mythical creature. It has a head of a human, a falcon, a cat, or a sheep and the body of a lion with the wings of an eagle," pagpapaliwanag ko.

Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon