5. Coin Flip

6.4K 428 39
                                    

|| Eivel ||

Both of my eyebrow's rose, eyes surpriseddumbfounded. Para akong nabingi sa sinabi ng lalaking kaharap ko. He must be joking, right?

"E-Eyo. Tama na 'yan," pagsingit ni Kid sa usapan.

Napaimisid ako. Kaya ako sumali rito para makasama ulit ang mama ko. Tapos ang makakasama ko sa grupo ay isang lalaking gusto lang maglaro?

"You're egocentric," walang kaemo-emosyong sambit ko kay Sage.

Sage chuckled and smirked. "Tell me something I don't know," sagot niya bago muling isubo ang lollipop.

Mas lalong nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Sinusubukan talaga ako ng lalaking ito. Napakagat ako sa ibabang labi ko sa inis. Pero imbis na ipahalata ko ang pagkairita ko ay kumurba ang labi ko sa isang ngisi.

I gave him back the look he's showing me. When they go low, I'll go lower.

"Nah. Tell you something you don't know? Baka hindi tayo matapos. Halata namang limitado lang ang mga alam mo," sarkastikong sambit ko.

Nawala ang ngisi ni Sage sa sinabi ko. Narinig ko ang pagkagat niya sa lollipop na subo-subo dahilan na pagtanggal ng candy. Tinanggal niya sa bibig niya ang stick na natira.

"Why do you hate me, Miss Eivel? Hindi ka pa rin ba maka-move on sa unang laro natin? Kasalanan ko bang mas marami akong alam kaysa sa 'yo?" kalmadong sambit niya.

I looked at him dead in the eye. Kahit nagkikiskis ang mga ngipin ko ay pilit ko pa ring pinakita ang ngiti ko sa labi. "As far as I can remember, tama ang sinagot ko roon. Baka ikaw ang hindi maka-move on Sir Sage, dahil ang isang game prodigy na katulad mo ay natalo ng isang katulad ko na unang beses maglaro."

Bumigat lalo ang tensyon sa silid. Pabalik-balik ang mga tingin sa amin nina Kid at Potchi na nanatiling tahimik sa pagtatalo namin.

Hindi siya sumagot pabalik, bagkus ay naging matalim ang tingin ko nang naglabas ng kung ano sa bulsa si Sage. My eyes squinted as I look at the shining and sharp object he took out. He took a freaking knife out of his pocket! 

He then glanced at the cement he's sitting with. Walang kahirap-hirap niyang nahiwa ang gilid ng sementong inuupuan niya nang iniwasiwas niya ang patalim dito. I simply took a step back.

"That's what we call a beginner's luck. And for a genius like you, it's not impossible for it to be continuous, it's feasible. Like inside of this game." Sage looked at his knifeexpressionless. "Why won't we try it?" He looked at me.

Kumunot ang noo ko. "Anong pinagsasabi mo?"

Natigilan ako nang nilahad ni Sage sa akin ang patalim. Muli akong napaatras nang kaunti. "I'm giving you your streak— your win. Kill me," deretsong sagot niya.

I heard the two beside us gasped. Naging alerto na sina Kid at Potchi sa sinabi niya. Agad na lumapit sa amin si Kid.

"E-Eyo! Sobra na 'yan. Tama na." Pagpigil niya.

Hindi siya pinansin ni Sage at nanatiling nakalahad sa akin ang patalim. With him looking up at me, and me looking down on him. Walang kaemo-emosyon kong inabot ito.

"Oi! Tama na sabi!" pag-uulit ni Kid.

As if I didn't hear him, I didn't even glance at him. Pinagmasdan ko mabuti ang patalim na hawak-hawak ko. It's shiny and sharp, I can see my own reflection. In the corner of my eye, I can see Sage smirking. He looks amused.

Walang gana ko itong tinutok sa kaniya. Hinintay ko ang magiging reaksyon ni Sage pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Just like what I've expected.

Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon