C̶h̶a̶p̴̥̟͙̓t̴̞̂̿͂̐̇e̸͕͆̃̎r̶̙̈́͌͝ ̶̠͒1̴̡̞͐͗̀͑͝

9.5K 554 116
                                    

Eiv̸e̷l̸

Nagising akong habol-habol ang hininga. Sobrang bigat ng paghinga ko at tuloy-tuloy ang pagtulo ng pawis ko.

Pilit kong inalala ang naging panaginip ko dahilan ng pagsakit ng ulo ko. Paniginip nga lang ba 'yon?-

Sariwang-sariwa ang panaginip ko nang magising ako pero ngayong iniisip ko na kung ano ulit 'yon ay para bang nabura ito sa alaala ko. I. . . can't remember anything.

Natauhan na lang ako nang tumunog ang alarm clock. Para bang may tumutulak sa akin na kalimutan na lang 'yon at gawin ang lagi kong ginagawa. My usual routine, what I do in my everyday life.

Kahit gulong-gulo pa rin ang isipan ko ay bumangon na 'ko sa kama at nag-ayos. Hindi ako kumain ng agahan, bagkus ay dumeretso na kaagad ako sa labas para pumasok.

Pilit kong inaalala ang naging panaginip ko. Habang naglalakad ay natigilan ako nang matagpuan ko na lang ang sarili ko sa tapat ng school. Doon na 'ko naguguluhan sa mga nangyayari.

How come that I can't even tell the name of the streets and the name of my school yet, I can go here without noticing it?

Bago ako pumasok sa loob ng school ay pinagmasdan ko muna ang paligid ko. Bakit hindi ko ito natatandaan? Dito ba talaga ako nakatira?

Bakit kahit matagal na 'kong nakatira sa lugar na ito ay wala akong maalala?

Come to think of it. I don't even have memories of this place when I was a kid.

No-

Not just this place. Wala talaga akong maalala mula pagkabata ko. Ni hindi ko man lang maalala ang nangyari kahapon.

Hindi ako pumasok sa eskwelahan at pumunta ako sa kung saan. Mukhang normal lang ang mga tao. Pero kung pagmamasdan sila mabuti ay may sistema ang paglalakad nila, ang pakikipag-usap, at ang kilos. They freaking look like robots.

Napaismid ako sa sarili ko dahil sa iniisip ko. Imposibleng mangyari 'yon. Pero imposible rin ang mga nangyayari sa akin ngayon.

Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito. Para bang sasabog ang utak ko sa daming impormasyon na pumapasok dito. A blurry scene popped in my head and some static noise.

"I'm Eivel L. Leoda. A genius."

I gasped when something popped in my mind. I'm Eivel. How come na ngayon ko lang naalala ang pangalan ko?

Nawala ang mga nasa isip ko nang matagpuan ko ang sarili ko sa gitna ng kalsada. Hindi ako naglakad papunta rito pero bigla na lang akong napunta sa gitna ng kalsada.

Nagbago ang kulay ng street light at naging kulay pula ito. Parang bumagal ang takbo ng oras.

Kahit pilit kong galawin ang katawan ko ay hindi ko ito magawa. Patuloy lang sa paglalakad ang mga taong nandito na para bang nakaprograma silang ganiyan.

I can feel my heart pounding fast and a cold sweat broke out on my forehead. Napako ang tingin ko sa isang truck na tumatakbo sa harapan ko. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko at kahit ilang beses ako sumigaw ay walang nakakarinig sa akin.

A scenario that I'm familiar with. A scenario that kept happening again and again.

Nasisilaw ako sa liwanag na papalapit nang papalapit.

Ito na siguro ang katapusan ko. Dito na ba ako mamatay? Ni hindi ko man lang tuluyang maalala kung paano ako napunta sa sitwasyon na 'to.

Napapikit na lamang ako at hinintay ang pagtama ng truck sa akin. Pero imbis sakit sa katawan ang maramdaman ko ay nakarinig ako ng malakas na pagsabog.

Dahan-dahan kong inimulat ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. A guy with a blonde hair stopped the truck with his right hand. He's wearing a uniform that I'm not familiar with.

Nakangisi ito habang walang hirap-hirap na pinigilan ang truck na papunta sa akin.

"H-How?" hindi makapaniwalang sambit ko.

That's not possible. I have physics by my side. There is no way that this guy stopped the truck by using his right hand. Even if he could, there should be an impact.

But this guy in front of me didn't even moved an inch when he stopped the freaking truck. 

Siguro ay nanaginip lang talaga ako. Imposible ang mga nangyayari ngayon.

There is 0% chance that this is happening in real life-

Tila natigilan ako nang mapagtanto ko ang sinabi ko. Nagsipasukan sa isip ko ang mga scenario at unti-unti ko itong napagtagpi-tagpi. 

Real life.

No. This is not real.

"Bumalik ka na ba sa katinuan?" nakangising sambit ng lalaking kaharap ko. Malawak ang ngiti niya nang humarap sa 'kin. Even his eyes are also smiling.

Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. Ngayon ay naalala ko na kung bakit ako nandito at kung paano ako napunta sa lugar na 'to.

I can't believe that it took me so long to realize it. Nakakahiya.

Napatikhim ako at napapapikit. Inayos ko ang sarili ko at tumayo ako nang mabuti. Mukha siguro akong tanga kanina at ayoko ng isipin na nangyari 'yon.

Huminga ako nang malalim bago ako bumalik sa katinuan.

"Fuck, I forgot. We're inside of a game."

✘✘✘

Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon