35. Losers

4.8K 391 29
                                    

|| Eivel ||

Hindi kami magawang tapunan ng tingin ni Kenji. Nanatili siyang nakayuko habang mariin ang pagkasasara ng kamao.

I don't know what to say, I don't know how to cheer or comfort someone.

Ang tangi ko lang kayang gawin ay pakinggan sila hanggang mailabas nila lahat ng gusto nilang sabihin.

"The last question. . . the 21st. . . ang tanong na magmumumula sa Sphinx," sambit ni Kenji. "Ay katumbas ng 20 points."

Nanatiling nakayuko si Kenji at Ced na para bang nauubusan ng lakas sa pagkwento.

"Nagkaroon kami ng pag-asa-oof," pagsingit ni Azi, their coach.

"Kapag nasagot namin ang huling tanong ay mababawi namin ang 20 points," ani Ced.

Pare-pareho silang nagsi-iwasan ng mga tingin. Nagkaroon ng sandaling katahimikan at hindi nasundan ang kwento nila.

Their silent is the answer.

"You lost," pagtuloy ni Sage.

I can see the frustration in their faces. "Y-Yeah. . . it's 0 and 20," napipilitang sagot ni Kenji.

Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang sinabi niya. Nang matauhan ako ay agad akong napatingin sa dalawang screen sa itaas namin kung saan nakalagay pa rin ang naging score nila kanina.

(20) and (-20). . .

"W-Wait. Kung gano'n, bakit (-20) ang score ninyo?" naguguluhang tanong ko.

Parang natauhan sina Ced at Kenji sa sinabi ko. Mabilis kong nakuha ang atensyon nina Sage at Kid na hindi rin kaagad napansin ang score.

"Tsk, it's my fault," biglaang sambit ni Ced

Nagsimulang magdugo ang ibabang labi niya sa sobrang diin ng pagkakakagat niya rito.

Bakas sa mukha ni Kid ang pag-aalala sa mga nakasama niya. "C-Ced. . ."

"It's not just yours. It's our fucking damn fault," dagdag ni Kenji.

Napatingin siya sa screen kung nasaan nakalagay ang mga scores nila. His eyes are blazing with anger as he faced us.

"We challenged the Sphinx. . . twice." Kenji faked a laugh. "Stupid, right?"

Hindi kami nakakibo. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha ni Kid at Potchi habang nanatiling walang ekspresyon si Sage na nakatingin sa kanila.

"We insisted. Ayaw naming magpatalo. Kaya sa muling pagkakataon, chinallenge namin siya," sambit ni Kenji.

"Pero dahil wala na kaming points, kailangan namin ng ibang bagay na ipalit-"

I heard Kenji's voice cracked. Nawalan siya ng lakas na ipagpatuloy ang sasabihin niya kaya si Ced ang tumuloy.

"A-A team member. . . sinugal namin 'yon dahil may tiwala kaming kaya pa naming manalo. . ."

"Pero katulad nang naunang laro namin. . . (-20) ang nakuha namin sa unang 20 questions."

Pilit na ngumiti si Ced habang napapailing. "And the 21st question. . . is still the same," hindi makapaniwalang sambit niya.

"At katulad ng una. . . hindi pa rin namin nasagot."

Napasuntok muli sa lapag si Kenji habang pilit na pinipigilan ang galit niya. "Bwisit! Bakit pa si Violet ang pinili niya?!" giit niya.

Ced remained expressionless. "The losers. . . have no rights to choose."

Patuloy nilang sinisisi ang mga sarili nila. I can't imagine what they're feeling right now. ..  and I don't want to.

Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now