39. Last riddle

3.9K 348 71
                                    

|| Eivel ||

Hindi nawawala ang tingin namin sa isa't isa ng Sphinx. Bakas sa mga mata niya ang pagkairita kahit tinatago niya 'yon sa pagseseryoso ng mukha.

"My last riddle. . ."

I didn't take my eyes off him as I plastered a smirk. Inalis ko ang mga nasa isipan ko at ginawa ko itong blangko bago bigkasin ang huli kong riddle.

"I'm infinite, but commonly just one. I'm for one person, but can also be for everyone. I can be put together with risk, or maybe also fear. If you ever feel like giving up, always know that I'm here."

"As the time goes by, I may fade or even vanish. But I can be secured as long as you're not selfish."

"Who am I?"

Naningkit ang mga mata ng Sphinx sa akin. Sa kabilang banda, hindi nawawala ang ngisi ko habang nakatingin sa kaniya.

"Hmm, you already gave up using tricky riddles?" seryoso niyang tanong.

I flashed a smile that irritated him more. "It looks like I don't need it anymore."

The Game General gritted his teeth and looked at me, dead in the eye.

Hindi pa rin nawawala ang ngisi ko sa labi habang nakikipagtitigan sa kaniya. Umaandar ang oras, kung hindi siya mag-iisip kaagad ay sa 'kin ang puntos.

Napaismid ang lalaking kaharap ko habang nakapalumbaba at nag-iisip.

"Do I need to repeat the riddle?" pang-aasar ko.

Kita ko ang paghigpit ng kamao ng Sphinx. The way he's acting right now, made my guess correct.

"3. . ."

"2. . ."

"1. . ."

My score remained the same. Ang nakalagay sa magkabilang screen ngayon ay (1) at (19).

"Eh? Looks like it took you long enough to guess the answer," sambit ko.

Nanatiling tahimik ang Sphinx at walang kibo. Hindi ko napigilan ang ngiti ko bago ko ulitin ang riddle.

"I'm infinite, but commonly just one. I'm for one person, but can also be for everyone. I can be put together with risk, or maybe also fear. If you ever feel like giving up, always know that I'm here," panimula ko.

"As the time goes by, I may fade or even vanish. But I can be secured as long as you're not selfish. . ."

"For I am chance."

Dumiin ang pagkakakagat ng Sphinx sa ngipin niya at nagsisilabasan ang ugat niya sa leeg dahil sa inis. Malalim akong napabuntong-hininga bago habulin ang mga tingin niya.

"Now I know your trick," sambit ko na agad nakuha ang pansin ng Game General.

"I guess you're really smart. But that's not all. . ."

"The reason why you can answer any riddles, no matter what's the rule. . . is because. . ."

"You can read minds."

Napasinghap sa sinabi ko ang Sphinx ngunit hindi niya ito ipinahalata. Hindi ko nakikita ang mga reaksyon ng mga kasama ko sa likod pero alam kong nabigla rin sila.

"Of course, it's not counted as a cheat because there is only rule," muli kong sambit. "Which what you gave us, making us think that we have the upper hand."

Alam kong imposible 'yon, pero walang imposible ngayon. Lalo na sa lugar na ito. . . after all, this is a game.

"I should've realized it earlier. But I'm too focused making riddles," dagdag ko.

Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon