17. Kid

4.3K 344 29
                                    

|| Kid ||

Ang bilis ng pangyayari, at wala akong nagawa. May mas ibabagal pa pala ang pagproseso ng utak ko. 

Iyong lalaki! Kinuha niya si Eivel!

Nabigla kami dahil sa ginawa niya, pero mas nabigla kami sa sunod na nangyari. Ang mga mata kong nakasunod lang kina Eival ay nalipat nang bigla kaming pinagdadampot ng mga guwardiya. Napaawang ang bibig ko at hindi ko magawang makaangal.

"ant maeah , sahihan? (You're with him, right?)"

Nakakunot ang noo ko sa sinabi nila dahil hindi ko 'to maintindihan. Ha? Tagalog ba 'to? Bisaya?

Si Ced ang humakbang papalapit sa kanila at ang sumagot.

"la , nahn mae alfatat alty 'akhadhaha. (No, we're with the girl that he took.)"

Hindi ko naiintindihan ang sinagot niya pero ang alam ko lang ay hindi siya pinakinggan n'ong guwardiya. Tanging pag-iling ang sinagot nito at tinuloy ang pagdampot sa amin.

"hadha ma sayaquluh almujrima. yjb 'an tati maeana. (That's what a criminal will say. You need to come with us.)"

Palipat-lipat ang tingin ko dahil sa nangyayari. Hindi na nila kami hinayaang sumagot pa nang sapilitan nila kaming hinila. Balak ko sanang manlaban nang mabilis akong sinenyasan ni Kenji.

"Kasama 'to sa laro, 'wag kang manlaban," bulong ni Violet.

Mariing humigpit ang pagkasasara ng kamao ko. Napaismid na lamang ako at hinayaan ko silang hilahin ako. Bago tuluyang makaalis sa pwesto namin ay sinubukan kong lingunin ang paligid.

Nag-aalala akong naghanap. Tsk, nasaan na sina Sage, Eivel, at Potchi?

Nakasimangot ako habang dinadala kami ng mga guwardiya papalapit sa napakalaking tatsulok na nakikita ko sa mga palabas. Paramis (Pyramid) ata ang tawag dito. May mga tumutugtog sa gilid nito na grupo ng mga musikero.

May mga ahas pa sa mga malalaking palayok na dala nila. Nakapako ang mga tingin nila sa amin at tinapat pa talaga ng isa sa akin ang harmonicang iniihipan niya.

Mukhang inaasar pa ako nito dahil hila-hila kami ng mga guwardiya. Kung hindi lang ito parte ng laro ay baka nasapak ko na siya.

Hindi nagtagal nang ipasok nila kami sa bungad ng paramis. Hindi ko nagawang libutin ng tingin ang kabuoan nito dahil pinasok nila kami kaagad sa isa sa mga silid.

Doon nila kami ipinasok sa isang kulungan.

"satabqaa huna hataa najid sharikuk. (You'll stay here until we find your accomplice.)"

Hindi na kami hinayaan pang sumagot ng guwardiya at agad niya kaming iniwan sa selda. Napaismid ako at agad na lumapit sa bakal na nakaharang. 

"E-Eyo! 'yong mga kasama ko! Nasaan sila?!"

Malakas akong sumigaw ngunit nagpaulit-ulit lang ang boses ko sa silid.

Bwisit! Saan nila dinala ang mga kasama ko?!

"Chill, Kid. Si Miss Eivel ata ang kasama mo. 'Wag mo na silang aalahanin," pagpapakalma sa akin ni Kenji.

"Yahoo! And of course! She's with the game prodigy, Sage. We don't have to think about them," dagdag ni Violet.

Hindi ako nakasagot sa sinabi nila. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Oo nga pala. Nakalimutan ko. Ako lang naman sa grupo namin ang nakulangan sa talino. Dapat kong alalahanin ang sarili ko kaysa sa kanila.

Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon