30. Alone

3.7K 325 44
                                    

|| Sage ||

Tahimik ang silid at walang kahit anong tunog. Walang papasukan ng hangin dahil walang mga bintana at walang ibang panggagalingan ng ilaw maliban sa mga torches na nakadikit sa pader.

Malalim akong napabuntong-hininga at napayuko.

"So, you're telling me to leave my team?" tanong ko ng hindi tumitingin sa babaeng kaharap ko.

I heard Cleopatra chuckled. "Yes, it's not that hard, right?"

"It's for your team anyways. I'm sure they will understand."

Sumagi sa isipan ko ang mga kasama ko. She's not wrong. Our goal here is to win. Kailangan kong isipin ang pinakamabisang paraan para manalo kami ng walang problema. Sigurado rin ako na kung nandito sila ay sasang-ayon sila kay Cleopatra.

We need to win here. . . it's for the team.

"After all, you played solo all this time. And I mean, I'm pretty sure you can challenge the Sphinx alone."

Nanatili akong nakayuko. Walang ekspresyon akong napatingin sa mga palad ko.

Alone, huh?

-̵-̷-̷-̸-̶-̵-̸-̶

"Sage! Laro ulit tayo mamaya!"

Inakbayan ako ng isa sa mga kaklase kong lalaki. Mabilis na kumurba ang labi ko at tumango.

"Yown! Chat ka namin ah!"

I smiled and nodded for the second time. Sabay-sabay kaming nag-recess at kumain sa canteen. Normal kaming nagkwentuhan tungkol sa mga games na nilalaro namin.

During my elementary days and first year of high school, I'm the happiest when I play games. Because that's what game is for, to have fun.

And it's fun playing with others.

"Sage! Ikaw bahala mamaya ah!"

Inakbayan ako ng kaklase ko. "Ang galing mong maglaro! Hindi mo na ata kami kailangan eh!" pabiro niyang dagdag.

I faked a laugh. Kahit nailang ako sa sinabi niya ay nakisakay na lang ako sa mga biro nila at nakitawa.

Dapat napansin ko na 'yon no'ng panahon na 'yon. Pero hindi. Dahil nakikipaglaro pa rin sila sa 'kin. . . at masaya ako kapag may kasama.

"Sage! Solo ka muna, pakita mo na lang sa 'min 'yong mga data ng game, ah?"

Tinapik ako ng kaklase ko sa balikat na may ngiti sa labi. "Magaling ka naman eh," natatawang dagdag niya.

Pilit akong ngumiti at tumango sa kaniya. Nang matapos niya 'kong kausapin ay dinaanan na lang nila 'ko at sabay-sabay silang nag-recess.

I thought that they were just busy. . . that they were just doing different stuffs at home. . . that's why they can't play with me.

Kaya naglaro pa rin ako. Naglaro pa rin ako para sa kanila.

"Sage, sa susunod na lang ulit! Ikaw muna ah, bigay mo na lang sa 'min 'yong data n'ong game!"

Hindi man lang nag-aksaya ng oras ang kaklase ko para tapikin ang balikat ko o kausapin man lang ako nang harapan. Dinaanan niya lang ako habang nagsasalita at kumakaway paalis.

I stood in the hallway as I my eyes followed them, slowly disappearing in my sight. That's the moment I realized. . . I'm not having fun anymore.

"Sage, nasaan na 'yong data-"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang walang reaksyon ko siyang dinaanan. He look surprised when I acted as if I can't see him.

At least they know now what it feels like.

Walang gana akong kumuha ng lollipop sa bulsa at naglakad sa pasilyo ng school.

Freaking slimes. I don't need to play with someone else. I can play solo. I'm a one-man player.

Doon ako nagsimulang maglaro mag-isa. Before I knew it, everyone in the gamers' communities are calling me the game prodigy.

Malalaman na lang nila na may nakatapos na ng isang larong hindi pa natatapos ng iba. Makikita na lang nila ang username ko sa top players ng isang game sa loob ng ilang segundo bago ko ito i-delete.

Maraming nagtangkang i-hack ang mga account ko pero wala silang napala. May mga sumubok din na kilalanin ako sa totoong buhay pero hindi sila nagtagumpay.

The only thing they know about me is that my username is Sage and I don't have any data of the games I played. And the fact that. . . I play solo, a one-man player.

4th year of high school, bago ako mag-senior high, mas lalo akong naadik sa paglalaro ng games. Even though there are no problems when it comes to my academics, I didn't had time socializing.

"Class, may taga-ibang school na pupunta rito sa atin. Hopefully, ayusin niyo sana ang mga actions ninyo para hindi madungisan ang pangalan ng school."

Hindi ko pinakinggan ang sinasabi ng teacher at nakatitig lang ako sa bintana. Ang tagal mag-recess. . . gusto ko ng kumain ng matamis.

Nang tumunog ang bell ay agad akong tumayo sa pagkakaupo.

"Sage! Sage!" Rinig kong pagtawag ng ilang mga babae sa 'kin.

Tumikhim ako nang malakas at nagkunwaring hindi ko sila naririnig. Naglakad ako nang mabilis papalabas ng classroom.

I don't like those kind of women. Lagi nila akong inaaya kumain at pasimple nilang dinidikit sa 'kin ang mga katawan nila na para bang hindi ko nararamdaman ang mga hinaharap nila.

Naglakad ako sa hallway at kumuha ako ng lollipop sa bulsa. Naka-focus ako masyado sa pagbukas ng lollipop at hindi ko inaasahan na may nabangga akong babae.

Akala ko likod niya ang nabangga ko, harapan pala. "Sorry-"

Hindi niya 'ko pinansin at dinaanan niya lang ako. Our eyes didn't met and I didn't fully saw her face. But the moment she walk past me, I smelled her perfume... she smelled like cotton candy.

Mas lalo akong naging focus sa mga games no'ng nag-senior high, I didn't even waste some time choosing a course I want for college. Basta go with the flow lang ako sa gustong ipakuha sa 'kin ng mga magulang ko o i-suggest nila.

Player 1: Gagi, pre! Si Sage ba 'yon?

Player 2: Potek si Sage nga!

Player 3: Idol!

Player 1: Send naman po ng walkthrough diyan!

Walang gana akong nakatingin sa screen ng computer at binabasa ang mga nakasulat sa lobby. Kumakain lang ako ng lollipop bago mapahikab.

This game is getting boring. . .

I was about to log out when I felt my phone vibrate next to the keyboard. Kunot noo akong napatingin dito at chineck ko kung saan galing ang notification.

The notification immediately caught my attention.

It's from a game called Game Of Life.

✘✘✘

Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon