Chap□er 1

8.5K 378 75
                                    

Eivel̸

Nagising ako nang umalingawngaw ang tunog ng alarm clock. Kahit nakakaramdam pa 'ko ng antok ay bumangon pa rin ako at pinatay ang orasan. Kusot-kusot ang mga mata, tumayo ako sa kama.

I did my usual routine in the morning. I showered and fixed myself, then ate breakfast. Matapos mag-agahan ay kinuha ko na ang backpack ko at lumabas ng bahay.

I checked my phone to see the time and it's already 6:40 in the morning. 7 pa naman ang simula ng unang klase ko kaya hindi ako nagabalang magmadali sa paglalakad.

Kaswal lang akong naglalakad sa daanan nang makaramdam ako ng sakit sa ulo. Napahawak ako dito kaagad dahil sa sobrang sakit. Napangiwi akong nakahawak dito.

Para bang binibiyak ito sa sobrang sakit. Wala akong maalala na nauntog ko ito o tumama ito sa kung saan. Bakit bigla na lang itong sumakit?-

Natigilan ako sa pag-iisip nang may naalala ako. Déjà vu. Para bang nangyari na ito.

Napakurap-kurap akong napaayos ng tayo, nagtataka. Nang mawala ang sakit ng ulo ko ay mabilis ko itong iniling. Siguro ay kulang lang ako sa tulog.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa school. Walang nagbago, as the usual routine. My friends greeted me when they saw me entering the gate. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng school at pumunta sa unang klase namin.

Buong araw ay nakinig ako sa klase at nakipag-usap lang ako sa mga kaibigan ko. Katulad ng laging nangyayari, walang nagbago.

Nang matapos ang lahat ng klase namin ay nagpaalam na kami sa isa't isa ng mga kaibigan ko. Isang ngiti ang pinakita ko sa kanila habang kumakaway paalis.

Walang bagong nangyari ngayong araw. Just like the usual routine— like what I do in my everyday life. Maglalakad lang ako pabalik sa dinaanan ko kanina at makakabalik na 'ko sa bahay.

While walking, I suddenly thought of something. Come to think of it. Lagi kong sinasabi na walang bagong nangyari. That this is my usual routine.

But if this is my usual routine, how come that I can't even remember what happened yesterday?

To be honest, I also can't remember my friends' names neither. Pero magkakasama lang kami kanina.

Napunta ang tingin ko sa kalsada. The stoplight turned red and the cars stopped moving. Kaswal akong naglakad sa pedestrian lane kasabay ng ilang mga sibilyan.

Habang naglalakad ay nakaramdam na naman ako ng sakit sa ulo dahilan ng paghinto ko. Hindi katulad ng sakit kanina ay mas doble ang sakit nito ngayon.

Tila sumagi sa isipan ko ang mga alaala ko. Nangyari na 'to. Kahit hindi ko maalala kung ano ang mga eksaktong detalye pero alam kong nangyari na 'to.

Hindi ko namalayan na nagbago na pala ang ilaw sa street light at nagsimula ng umandar ang mga sasakyan. Ang tangi ko na lang na naalala ay ang mabilis na pag-andar ng truck sa harapan ko.

Unti-unting namilog ang mga mata ko na nasisilaw sa matingkad na liwanag na papalapit nang papalapit.

Naramdaman ko ang sakit ng pagtilapon ko nang mabangga ako ng truck. Hindi kaagad ako nawalan ng malay at naaninagan ko pa ang mga nakapalibot sa akin.  I can hear their steps, some of their murmurings, even the loud noises coming from this city.

Pero labis akong nagtaka nang para bang walang nangyari. Nagpatuloy ang mga tao sa ginagawa nila at walang nasagasaan sa harapan nila. They just walked passed me, who's on the verge of death at the moment.

Everyone continued what they're doing in their l̵i̴ves.

Walang nagbago sa tingin nila at nagpatuloy lang sila sa paglalakad. Just like their usual routine-̶

Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon