32. Cotton candy

3.9K 366 102
                                    

|| Sage ||

Nakasandal ako sa pader habang may subo-subong lollipop. My hands are inside of my pockets and I'm staring at the floor.

Limang minuto na kaming nakatunganga rito ni Cleopatra. Naghihintay kami kung may darating para malaman namin kung tama ba ang desisyon ko o hindi.

Malalim akong napabuntong-hininga bago sumulyap sa kisame. Where are they?

"They're not coming." Rinig kong sambit ng babaeng kasama ko.

Unlike me, nakaupo siya sa gitna ng silid. Nakayakap ang isang kamay niya sa dalawa niyang tuhod habang ang isang kamay niya ay nagsusulat ng kung ano sa lapag.

"I told you. . . dapat tinanggap mo na lang ang alok ko," dagdag niya.

She's pouting while facing me. Pero hindi na sa 'kin ang tingin niya, bagkus sa lapag kung saan nagsusulat siya gamit ang daliri niya.

Tinapunan ko lang siya ng tingin bago muling nalipat ang tingin ko sa kisame na mukhang kinainis niya.

"Tsk. Maghihintay ka lang sa wala," she murmured.

"Prefer small boobs my ass..."

"Bwisit. Bwisit. Bwisit."

Nagsimula na naman siyang bumulong sa sarili habang dinudot-dot ang hintuturo niya sa lapag.

Walang gana ko na lang inikot ang lollipop na subo-subo ko. Ilang segundo lang ang dumaan nang makarinig kami ng paggalaw ng pader.

Mabilis na nakuha ang atensyon ko nito at napatingin ako sa pader na unti-unting bumubukas. This is the first time I felt excited seeing someone.

Hindi nagtagal ay bumungad sa akin ang isang pamilyar na mukha. He looks so tired and he's just wearing his uniform's shirt while the coat is in his shoulders.

"Sage-ya!"

Rinig ko ang maliit na boses ng isang matabang hamster, a guinea pig rather.

Mabilis na tumakbo sa 'kin si Potchi at gamit ang maliit na kamay niya ay inakyat niya ang uniporme ko at pumwesto sa palagi niyang pwesto.

"Eyo! Sage!"

Kid's expression lightened. Tila nawala ang bakas ng pagod sa mukha niya kanina nang magtama ang tingin namin.

Mabilis siyang naglakad sa harapan ko. "Nice! Nakakita rin ako ng kasama!" masigla niyang sambit.

I sighed. I can't lie, I really felt relieved when I saw him. It only means that he succeeded in his challenge.

Habang nagsasaya sina Kid at Potchi sa harapan ko ay pasimple akong napatingin sa pasilyo na pinanggalingan ni Kid.

I'm relieved to see him... but honestly, I was looking forward to see someone else.

"Wah!! Sage-ya! Napakagaling ni Kid-ya! He's so cool-ya!" halos maiyak na sambit ni Potchi sa 'kin.

Mahigpit niyang niyayakap ang pisngi ko. Nahihiyang napakamot si Kid sa batok niya at napaiwas ng tingin.

"E-Eyo, hehe. Siguradong kapag sina Sage o Eivel 'yon, mas mabilis nilang matatapos." There's a slightly bit of sadness in his voice.

Malalim akong napabuntong-hininga. Nabigla si Kid nang itaas ko ang kamay ko sa harapan niya.

I don't usually do this. Well, first of all, I always play solo. Hindi ko sinasabi ang 'good game' or 'well played'.

Kahit nabigla ay mabilis na naintindihan ng kaharap ko ang gusto kong gawin. Nakipag-apir siya sa kamay na itinaas ko.

Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon