41. This is a Game

4K 446 158
                                    

|| Eivel ||

The atmosphere suddenly became different. Ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso si Sage kahit lagi siyang seryoso sa mga challenges na hinarap namin.

This time, he looks so pissed.

Tanging pagnood lamang sa kanila ang nagawa namin nina Kid at Potchi. The game already started we're not allowed to communicate with Sage anymore.

"Hmm, you talk big. . . for a loser," nakangising sambit ng Sphinx. "Pero sige, dahil hanga ako sa katangahan mo," dagdag niya.

Nanatiling tahimik si Sage at walang ekspresyon. Napalunok ako nang malalim na nanonood at katabi si Kid, habang nasa balikat ko pa rin si Potchi.

Muling umupo ang Sphinx sa reading chair niya. He rested his palm on his chin and showed a smirk. "Well then, let's start the-"

"Just a sec," biglaang pagsingit ni Sage.

"How about we put a twist?"

Pare-parehong nakuha ng sinabi niya ang mga atensyon namin. What is he talking about?

Nangunot ang noo ng Game General sa narinig. "What are you talking about?"

Sage heaved a sigh. With his right hand inside his pocket, he fixed his coat with the other one. "Rather than me. . . how about, you'll have the first 20 questions? And I'll have the last one?"

Namilog ang mga mata ko sa narinig. Anong sinasabi niya?!

Para bang kusang gumalaw ang katawan ko at humakbang ako papalapit nang maramdaman ko ang pagpigil sa akin ni Kid.

Nahinto ako at napaharap sa kaniya. Determinado siyang nakatingin sa akin.

"E-Eyo, pagkatiwaalan natin si Sage," sambit ni Kid sa akin.

"N-Narinig mo ba 'yong sinabi-"

"Oo," pagtigil niya sa akin.

I was taken aback by his answer. Rumiin ang pagkakahawak sa akin ni Kid. "Ako ang pumipigil sa kaniya kanina no'ng ilang beses siyang nagtangkang lapitan ka. . . kaya ako ang pipigil din sa'yo kung magtatangka kang lumapit kina Sage," aniya.

Natigilan ako sa narinig. Hindi naproseso ng utak ko ang sinabi ni Kid.

He stopped Sage from interfering my game with the Sphinx? Si Sage?

"Unang beses ko makitang gano'n ang ekspresyon ni Sage. Hindi mo nga lang nakita dahil nakatalikod ka." Natatawang dagdag ng lalaking kaharap ko.

Hindi kaagad ako nakaimik sa sinabi niya. I can't imagined Sage interfering a challenge a game to be exact.

Mas inaasahan ko pa si Kid na mapuno at lapitan ako kanina no'ng naglalaro ako, hindi si Sage.

Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Kid at kumurba ang labi niya sa isang ngiti his iconic smile.

"Eyo, kaya ipagkatiwala na lang natin sa Game Prodigy, okey?" He thumbs up.

I paused for a moment, then heaved a sigh. Kumurba rin ang labi ko sa isang ngiti at tumango ako kay Kid. "Okay," sagot ko.

Muling napunta ang mga atensyon at tingin namin ni Kid sa teammate naming nakikipaglaro. Kahit pinagaan na ng kasama ko ang loob ko ay hindi ko pa rin mapigilang kabahan.

Sage. . .

"Come again?" Pagpipigil ng tawa ng Sphinx. Hindi niya napigilan ang sarili niya at umalingawngaw ang tawa niya sa napakalaking silid. Sa kabilang banda, nanatiling seryoso si Sage.

Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon