KABANATA XLIX

1.1K 80 34
                                    

"Kung ganun, wala ng kuwenta ang buhay ko kung wala ka." saad ni Enrique.

"Anong gagawin mo?!" bulalas at nagulat na reaksyon ni Oliver, pagkakita nitong may hawak ng baril si Enrique.

Ang reaksyon na iyon ng kababata ang naging dahilan kaya muling humarap ang heredero, at nanlalaking-mata ito sa nakitang ayos ni Enrique na kasalukuyang may hawak na baril at nakatutok sa sarili nitong sintido.

"Na-nababaliw ka na ba?! I-ibaba mo nga 'yan Enrique!" nahihintakutang bulalas ni Timothy ng mapagtanto nito ang kasalukuyang ayos ng dating kasintahan.

"Ibaba ko lang 'to baby, kapag pumayag ka na mag-usap tayo." seryosong sagot ni Enrique, na lalo pang idiniin sa sariling ulo ang hawak nitong baril.

"Si-sige gagawin ko ang gusto mo, ba-basta bitawan mo muna ang baril mo!" kinakabahang pagpayag ni Timothy sa nais ng dating nobyo.

"Hindi ako naniniwalang pumapayag ka na talaga na magkausap tayo, gusto kong makasiguro na tutuparin mo iyon." dudang saad ni Enrique at paniniguro nitong mangyayari ang kanyang naisip na plano.

"Ano bang gusto mong gawin ko para maniwala ka?" pagpipigil ng heredero sa nararamdamang inis, at baka totohanin nga ng kilala nitong mainitin ang ulo na dating kasintahan ang banta nitong pagpapakamatay.

"Gusto kong kuhanin mo ang posas na nasa likod ng bulsa ng suot kong pantalon, tsaka mo iposas ang isa sa sarili mong braso, pagkatapos ay iposas mo naman ang isa pa sa braso ko." sagot ng tusong Kapitan para wala ng kawala sa kanya ang pinakamamahal nitong heredero.

"Ano?!" halos sabay na nagulat na reaksyon nila Timothy at Oliver sa narinig.

"Hayaan mong magpakamatay ang gagong 'yan Tim, 'wag na 'wag kang susunod sa sinasabi niya!" pigil ni Oliver sa kababata.

"Ayos lang Oli, susundin ko kung ano ang gusto niya." baling ni Timothy sa kababata.

"Pe-pero Tim!" protesta pa ni Oliver.

"Sige, gagawin ko ang gusto mo Enrique." seryosong baling ng heredero sa dating kasintahan.

Masaya man na pumayag ang heredero sa nais niyang mangyari, batid ni Enrique na mahihirapan itong makuha ang kapatawaran ng kanyang pinakamamahal, ganunman handa ang binatang pulis na gawin ang lahat para muling makuha ang loob ni Timothy.

Ilang minuto nga lang ang lumipas ay kapwa nakaposas na ang kanilang tig-isang braso ni Timothy.

"Walang mangyayaring masama kay senorito hangga't kasama niya ako, kaya 'wag ninyo kaming susundan." baling ni Enrique sa mga tauhan ni Sergio, lalo na sa nagngangalang Oli.

"Oli, sundin na lang natin siya." pigil ni Timothy sa papalapit sanang kababata.

"Masusunod Tim, hayaan na ninyo sila senorito." walang nagawang sang-ayon ni Oliver at pigil rin nito sa mga iba pang tauhan ni Sergio.

Gaya nga ng plano ni Enrique, ngayon ay kasama na niya ang heredero sa loob ng kanyang sasakyan, habang tinatahak nila ang daan pauwi sa probinsya ng mga nakagisnan nitong mga magulang.

"Alam kong walang kapatawaran ang mga nagawa ko sa'yo baby, gusto ko lang na makasama kita kahit isang linggo at pagkatapos nun ay ibabalik kita ng ligtas sa mansyon." kausap ni Enrique sa mula pa kanina'y walang imik na heredero.

Nang wala itong narinig na sagot sa katabi, napabuntong-hininga na lamang ang binatang pulis at minabuting sa pagmamaneho na lamang ituon ang kanyang paningin.

...

Halos mag-iisang oras na ang lumipas na magkasama sila ng dating nobyo sa loob ng sasakyan, at mula pa kanina, nanatili lang na tikom ang bibig ni Timothy. Wala rin itong ideya kung saan sila papunta ng lalaking katabi niya, na nang walang makuhang sagot mula sa kanya kanina ay 'di na rin ito muling umimik pa. At gustuhin man ng heredero na tanungin ang kasamang abala at seryosong nagmamaneho, pinigil nito ang sariling gawin iyon, dahil hanggang sa ngayon, namamayani parin ang sakit at kirot sa kanyang puso, na dulot mismo ng lalaking katabi, na una rin niyang minahal ng sobra-sobra. At sa oras ring 'yon, habang nakatingin ito sa bintana at pinagmamasdan ang tanawing kanilang dinadaanan, muling bumalik sa ala-ala ni Timothy ang mga masasayang nangyari sa kanila ng kasintahang si Enrique, bago pa mangyari ang masakit nilang paghihiwalay.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon