KABANATA XIII

2K 111 1
                                    

Sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng kanyang kuwarto ang gumising kay Timothy.

"Senorito gising na hindi ka ba papasok!" malakas na tawag ni Myrna matapos ang pagkatok muli nito sa pinto ng kuwarto ng alaga.

"Nay gising na po ako! Hindi po muna ako papasok ngayon!" sigaw na sagot ni Timothy sa nanay Myrna niya.

"Sige senorito, pero ayos ka lang ba?" sagot at alalang tanong ni Myrna sa alaga.

"Ayos lang po ako, pakisabi na lang po kay Chris na si Laura na lang po ang ihatid-sundo niya."

"Siya sige senorito, bumaba ka na kaagad at ihahanda ko na ang almusal mo."

"Opo nay, salamat po."

Pagkaalis ng nay Myrna nito, muli ay napadaing si Timothy sa pagsakit ng buo niyang katawan pati na ang pagkirot ng kanyang pang-upo, at kasabay ng nararamdaman kirot at sakit, bumalik sa ala-ala ng binata ang nangyari kagabi hanggang kaninang madaling araw.

"My God! Totoong bang may nakatalik ako?! Pero papaanong nangyari ang lahat?" 'di makapaniwalang bulalas ni Timothy na naguguluhan rin sa mga sandaling iyon.

'Akala ko panaginip lang ang lahat, ano bang nangyari sa akin?' tanong sa isip ng binata.

Habang pilit parin nitong iniisip ang mga nangyari sa kanya, napansin ng binata na iba na ang suot niyang mga damit, sa damit na alam nitong isinuot niya matapos ang pagligo nito kagabi.

"My God! Daig ko pa ang puta nito, ano bang nangyari sa akin kagabi?" muling tanong sa sarili ng binata na napasabunot na sa kanyang buhok.

At dahil wala itong alam na sagot sa kanyang mga tanong, pinilit na lamang ng binata na bumangon na, dahil bukod sa naiinis ito sa kanyang sarili, nandidiri rin ito ngayon sa realisasyon na may nakakuha na sa katawan na pinaka-iingatan niya, na ipinangako niya noon na tanging sa taong mamahalin lamang niya ibibigay.

'Wala na akong pinagkaiba kay Violet.' saad sa isip ni Timothy. At kasabay ng muling pagkirot ng kanyang pang-upo sa ginawa nitong pagtayo ay naiyak na ang binata, hindi dahil sa sakit na naramdaman, kungdi sa sakit ng katotohanan na nadungisan na ang pinaka-iingatan nitong puri.

Kaya habang papunta ito sa banyo para maligo, masaganang luha ang lumandas sa mga mata ng binata.

Sa kanyang pagligo ay inilabas ng binata ang sakit ng kanyang nararamdaman, sa 'di nito naisip na mangyayari sa kanya. Lalo pa itong naiyak ng makita nito sa salamin sa kanyang banyo, ang markang naiwan ng misteryosong lalaking hinayaan niyang umangkin sa kanya ng ilang beses.

Patuloy sa pag-iyak si Timothy at ilang beses itong nagsabon at naghilod ng sarili, sa paraan iyon ay pinilit nitong tanggalin ang lahat ng mga bakas sa kanyang katawan, na naiwan ng lalaking umangkin sa kanya.

"Ang dumi-dumi ko na, bakit? Bakit hinayaan kong mangyari sa akin iyon?" muling mga tanong sa sarili ng binata na patuloy parin sa pag-iyak.

...

Habang hinihintay ni Myrna ang pagbaba ng alaga, hindi mapalagay ang ginang sa mga sandaling iyon, kilala kasi nito ang binatang heredero na siya mismo ang nag-alaga mula ng ilang buwan pa lamang ito. At hindi ugali ni Timothy ang basta na lamang lumiban sa pagpasok, kaya naman ng mag-iisang oras na ang lumipas mula ng gisingin niya ang alaga at hindi parin ito bumababa, minabuti na ng matanda na pasukin na sa loob ang binatang heredero.

...

Pagkapasok ni Myrna sa kuwarto ng alaga, bumungad sa kanya ang nakaupo sa kamang si Timothy na mugto ang mga mata.

"Susmaryosep senorito! Anong nangyari sa'yo?!" gulat at alalang bulalas ng matanda, na mabilis lumapit para yakapin ang mahal nitong alaga.

"Nay." saad ni Timothy at mahigpit itong yumakap sa itinuring ng nanay, at doon muling iniyak ng binata ang sakit na nararamdaman nito.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon