KABANATA I

4.1K 179 9
                                    

Hindi parin makapaniwala si Miguel, na ngayon na magsisimula ang kanyang bagong trabaho bilang hardinero. Matapos maipadala ang kanyang resume isang linggo palang ang nakakalipas, kahapon ay kaagad siyang tinawagan ng magiging amo at sinabihang tanggap na ito sa trabaho. At heto ngayon, tanaw na ng kanyang paningin, ang napakalaking masyon ng mga Valdez. Kaya naman ng makalapit sa malaking gate ng nasabing mansyon, kaagad ng pinindot ni Miguel ang doorbell na naroon.

Isang medyo may edad ng matandang babae, na batid ni Miguel ay isang kasambahay ang bumungad sa kanya pagkabukas ng malaking gate.

"Magandang umaga po, ako po ang bagong hardinero." pakilala ni Miguel sa matanda.

Saglit namang pinagmasdan ng matanda ang lalaki, at ng makita ang guwapong mukhang meron ang kaharap, naiiling na pinagbuksan na niya ang nagpakilalang bago nilang hardinero.

"Sundan mo ako hijo." saad ng matanda.

Sa narinig sa matanda, kaagad namang sumunod si Miguel. At habang nakasunod ito, saglit na pinagmasdan ni Miguel ang paligid ng malawak na bakuran ng masyon, at gaya nga ng kanyang inaasahan, hindi magiging madali ang bago niyang trabaho, sa lawak ng hardin na kita ng kanyang dalawang mga mata.

Ilang minuto pang paglalakad, narating na rin nila ang malaking pintuan papasok sa masyon.

"Maghintay ka muna sa sala hijo at tatawagin ko lang si Ma'am Violet." baling ng matanda kay Miguel pagkabukas nito ng pinto.

"Sige po." magalang na sagot ni Miguel, at iniwan na nga siya ng matanda. Minabuti naman ni Miguel na maupo sa sofa, habang hinihintay nito ang pagbaba ng bagong amo. At habang naghihintay, pasimple nitong pinagmasdan ang paligid ng malawak na sala. Sa nakita nitong maraming cctv na nakalagay sa mga sulok ng nasabing sala, pati na sa ilang bahagi ng mansyon na tanaw ng malinaw niyang mga mata, alam kaagad ni Miguel na tama ang kanyang naisip na hindi magiging madali ang totoong pakay niya sa lugar.

Nang marinig ng matalas na mga tenga ni Miguel, ang mga yabag na galing sa taong pababa ng malaking hagdan, na unang bumungad sa kanya pagkapasok niya ng mansyon kanina. Inayos na ni Miguel ang sarili, dahil alam nitong umpisa na ng kanyang pagpapanggap.

"Hijo, heto na si ma'am Violet." tawag ng pansin ng matandang kasambahay kay Miguel.

Kaagad namang tumayo si Miguel, at bumaling sa magiging amo.

"Magandang umaga po ma'am, ako po si Miguel ang bagong niyong hardinero." pakilala ni Miguel at medyo natigilan siya ng makita ang mukha ng babaeng amo. Taliwas sa inaasahan niyang may edad ng babae ang bubungad sa kanya, inaamin ni Miguel na mas bata ang maganda at seksing babaeng kaharap niya ngayon.

"Masyado namang nakakatanda ang ma'am, at 'wag mo na akong popoin, mukhang hindi naman nagkakalayo ang mga edad natin." saad ni Violet at nagugustuhan nito ang nakikitang makisig at guwapong lalaki na bago nilang hardinero.

Samantala, pigil ng matandang kasambahay na si Myrna ang mapailing, dahil gaya ng kanyang inaasahan, may bago na namang pagkakaabalahan ang malanding babaeng amo.

"Hindi naman po yata tama iyon ma'am, amo ko kayo, kaya normal lang po na igalang ko kayo." sagot naman ni Miguel sa babaeng amo. At kita rin nito ang pagkilatis ng babae sa kanya mula ulo hanggang paa.

"You're right but I insist, just drop the po and opo thing, just call me Ma'am Violet okay." ngiting saad ni Violet at lahad pa nito ng sariling kamay sa makisig at guwapong lalaking kaharap.

Maagap naman na inabot ni Miguel ang nakalahad na kamay ng babaeng amo, pero hindi siya basta-basta magpapadala sa nakangiti at magandang mukhang meron si Violet, dahil alam nitong isang mapanganib na tao ang sinumang makakasalamuha niya sa masyon na ito ng mga Valdez.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon