KABANATA LIX

1.1K 76 15
                                    

"Baby, si Crystal ang mommy ni Ethan." pakilala ni Enrique sa nobyo, sa naging kasintahan noon.

"Nice to meet you Crystal, I'm Timothy." ngiting pakilala ng heredero sa inaamin nitong maganda at seksing babae.

"Nice to finally meet you Tim, kung alam mo lang, bukambibig ka lagi nitong si Enrique." nakangiting tugon ni Crystal na kaagad ring tinanggap ang nakalahad na kamay ng bagong kakilala.

"I assumed puro magaganda ang mga nasabi sa'yo ni Ric tungkol sa akin." ngiting reaksyon ni Timothy sa narinig nito sa magandang babae.

"Don't worry, lahat na yata ng magagandang salitang pupuwedeng  ilarawan sa'yo nagamit na nitong si Enrique, at sa pagkakakilala ko sa kanya masasabi kong galing lahat iyon sa kanyang puso." sagot ni Crystal.

"Salamat Crystal, pero puwede bang tama na ang usapan ninyo ng baby ko tungkol sa akin, nakalimutan ninyo yatang nandito ako eh." napakamot na lamang sa batok ang sumingit na si Enrique, dulot ng hiyang nararamdaman.

"Oops sorry Ric." sagot ni Crystal, sabay peace sign pang bumaling sa dating nobyo na ngayo'y itinuturing na nitong matalik na kaibigan.

Napangiti na lamang si Timothy habang pinagmamasdan ang dalawa, at kahit pa close ang turingan ng mga ito, wala ni katiting na selos na naramdaman ang heredero sa mga oras na iyon.

Kasunod nun ang pagtatagpo ng mga mata nila ng nobyong pulis, at tila nagkaintindihan sila ni Enrique sa pagitan lamang ng kanilang pagtititigan.

"Mabuti pa'y iwanan ko na muna kayo, sasamahan ko na sa sala si Ethan kasama nila nanay." paalam ni Enrique sa dalawa.

"Masaya ako para sa inyo." saad ni Crystal pagkaalis ni Enrique.

"Salamat Crystal, tungkol sa anak ninyo ni Ric, sigurado ka na bang iiwan mo siya dito sa Pilipinas?" sagot ni Timothy, at 'di na rin ito nag-aksaya ng panahon na itanong ang tungkol sa importanteng bagay na iyon sa kausap.

"Oo, sigurado na ako Tim, batid kong sabik rin na makasama ni Ethan ang papa niya, at dapat lang bigyan ko rin ng pagkakataong makasama ni Enrique ang anak namin na hindi nito nagawa sa ilang taong lumipas."

"Alam na ba nung bata na aalis ka at hindi mo siya isasama?" tanong muli ni Timothy sa kaharap.

"Oo Tim, alam niya ang lahat at pumayag siya, matapos kong sabihing titira siya kasama ng papa n'ya."

"Mukha ngang masaya siya kasama ng papa niya, pati na ng mga lolo't lola niya." usal ni Timothy na ang mga mata'y nakatingin sa direksyon ng batang si Ethan na may malawak na ngiti, habang kalaro ang mag-anak na Valiente.

"At sigurado akong ganun rin ang mararamdaman ng anak ko sa'yo Tim, kahit ngayon lang tayo nagkita at nagkakilala, alam kong hindi mo rin pababayaan si Ethan." kuha ni Crystal sa isang kamay ng kausap na pinisil rin nito ng marahan.

"Salamat Crystal, asahan mong aalagaan namin ni Ric ang anak ninyo." pigil ni Timothy ang maiyak, matapos ang mga narinig nito.

"Anak nating tatlo, dahil alam kong sa lalong madaling panahon, papa na rin ang itatawag sa'yo ni Ethan." pagtatama ni Crystal sa sinabi ni Timothy.

Hindi na nagawa pang pigilan ng heredero ang emosyong nararamdaman, kaya naman naiyak na ito sa mga sandaling iyon.

"Thank you Crystal, sobrang naappreciate ko ang mga sinabi mo, pati na ang lahat ng mga naging tulong mo para sa misyon ni Ric at heto ngayon ipagkakatiwala mo sa amin si Ethan." saad ni Timothy, habang abala rin ito sa pagpunas sa mga luhang patuloy na naglalandas sa sariling mga mata.

"Walang anuman Tim." sagot ni Crystal at mabilis nitong niyakap ang bagong kakilala na madaling nakagaanan niya ng loob.

"Crystal, anong ginawa mo sa baby ko?" kunot-noong pag-aaala ng mabilis ring nakalapit na si Enrique, na panaka-nakang tinitignan ang dalawa kanina.

"Geez Ric, okay lang ako." baling ni Timothy sa nobyo na sinumpong na naman ng pagka-over protective.

"Sigurado ka baby, eh bakit ka umiiyak?" diskumpiyadong tanong ni Enrique.

"Hoy Enrique anong tingin mo sa'kin? Atsaka bakit ko naman paiiyakin itong bago kong kaibigan, hindi ba Tim?" salitang baling ni Crystal sa magkasintahan.

"Oo nga Ric, masaya lang ako na may bago akong kaibigan." paliwanag ni Timothy.

"Tama na 'yang yakapan ninyo, nagseselos na ako." nang naliwanagan ay kaagad na bulalas ni Enrique.

"Seryoso ka Ric?!" 'di makapaniwalang napatingin kaagad si Timothy sa nobyong pulis.

"Seryoso ang taong 'yan Tim, 'di na ako magtataka na pati si Ethan pagseselosan niyan balang-araw pagdating sa'yo." naiiling na saad ni Crystal, pagkatapos nitong humiwalay sa yakapan nila ng bagong kaibigan.

"Syempre baby, dapat sa akin ka lang." depensa kaagad ni Enrique, na mabilis ring yumakap sa nobyo.

"Mukhang tama ka nga Crystal." napailing na lamang napatingin si Timothy sa bagong kaibigan, habang tila ayaw parin siyang pakawalan ng nobyong pulis na mistulang batang takot na maagawan ng paboritong laruan.

Matapos na makapag-usap sila ni Crystal, at pakawalan na rin siya ni Enrique, kasama ang dalawa, lumapit na sa kauna-unahang pagkakataon si Timothy sa bibong bata na si Ethan na abala parin sa paglalaro kasama ng dalawang matanda.

"Sige na baby." pagpapalakas-loob ni Enrique sa nobyo, na alam nitong kinakabahan sa mga oras na iyon.

Natigilan naman sa ginagawang paglalaro ang batang si Ethan, at tsaka napatingin sa estrangherong kasama ng kanyang mama at papa.

"Hi, Ethan." tanging salitang namutawi kay Timothy na dumoble pa ang kaba, dahil napako sa kanya ang paningin ng bata.

"Hi po tito, gusto po ninyong samahan akong mag-play?" ngiti at magalang na  sagot ng bibong bata.

Lahat ay naghihintay sa magiging sagot ni Timothy, matapos ang naging tanong na iyon ng batang si Ethan. At bago pa nito sagutin ang bata, isa-isang tinignan muna ng heredero ang mga kasama na pare-parehong may mga ngiti sa labi sa mga sandaling iyon, at ng muli itong bumaling sa bibong bata na matiyagang naghihintay ng magiging sagot niya, nakangiti itong tumango at kasunod nun ay ang mga salitang kapareho na ibig sabihin ng pagtanggap niya sa tanong na iyon ni Ethan.

"Oo naman Ethan, gustong mag-play ni tito kasama ka."

"Yehey!" masayang reaksyon ng batang si Ethan na lalong nagbigay ng ngiti sa mga kasama nito sa tahanang iyon.

...

"Napagod siya sa kakalaro Ric." may ngiti sa labing saad ni Timothy, na sobrang masaya na mabilis na nakuha ang loob ng batang si Ethan.

"Oo nga baby, mukhang hindi na ako ang paboritong kalaro ng anak natin, eh pati sa pagtulog niya ay sa'yo parin nakadikit." sang-ayon ni Enrique at napailing pa ito pagkatapos.

"Mukha nga Ric, kung alam mo lang sobrang saya ko ngayon at 'di parin makapaniwalang heto't gusto rin ako ng anak natin." dala nga ng sobrang galak ay nangilid rin ang luha sa mga mata ni Timothy.

"Maniwala ka na baby ko, kanino pa ba magmamana ang anak natin kundi sa akin, gaya ko, alam kong unang pagtingin pa lang niya sa'yo kanina, kaagad nitong nakita ang mga nakita ko rin sa'yo noon, na mabuti at mapagmahal kang tao." maagap na pahid ni Enrique sa luhang nangilid sa mga mata ni Timothy, kasabay rin ng mga salitang galing sa kaibuturan ng kanyang puso.

"Thank you at sobrang mahal kita Ric." usal ni Timothy sa laman ng kanyang puso't isipan.

"Mahal rin kita ng sobra baby ko at ako ang dapat na magpasalamat, dahil dumating ka sa buhay ko." ganti ni Enrique, at dahan-dahang pinaglapit nito ang mga mukha nila ni Timothy, kasunod nga noon ang paglapat muli ng mga labi nila ng pinakamamahal.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon