KABANATA LVII

1.2K 77 40
                                    

"Kinakabahan ako Ric, masyado pang mura ang edad ng anak mo para maintindihan niya ang tungkol sa atin." labas ng saloobin ni Timothy, matapos ipaalam sa kanya ng nobyong pulis ang pagkikita nila bukas ng anak nitong si Ethan.

"Wala kang dapat alalahanin baby, sa maikling panahon na nagkasama kami ng anak ko, sigurado akong matalino siyang bata at matatanggap niya ang relasyong meron tayo." pagtitiyak ni Enrique para maalis ang pag-aalala ng nobyo.

"Promise?" muling tumingala ang heredero, para magtama ang mga mata nila ng nobyo na yakap-yakap rin nito.

"Promise baby, paano gawa na tayo ng baby? Para masundan na natin kaagad si Ethan." pangako ni Enrique at biro pa nito ng sa ganun ay tuluyan ng mawala ang nararamdamang kaba ng heredero.

"Ang hilig mo talaga Ric, mabuti pa'y matulog na lang tayo, at kung hindi ka makatiis bahala kang magsalsal." simangot ni Timothy, na kaagad kumawala at tumalikod sa nobyo.

"Hindi ka naman mabiro baby, sige na behave na ako pati na rin si junior, pero bukas kailangang pagbigyan mo ako." mabilis na naibalik ni Enrique ang katawan ng heredero sa dati nitong puwesto kanina, na ang ulo'y nakahiga sa kanyang malapad na dibdib.

"Maniwala ako sa'yo, eh bakit matigas ang malaking nararamdaman ko dito sa binti ko?" asar ni Timothy.

"Hehe baka lang kasi makalusot baby, pero dahil sa ayaw mo ngayon, puwedeng bukas na lang ulit hindi ba?" amin ng barakong pulis.

"Ano pa nga ba, wala naman akong choice eh?" sungit na tugon ni Timothy.

"Hahaha tama baby, syempre kailangang bumawi tayo, maawa ka naman sa akin at ilang buwan rin akong puro salsal lang." sagot ng barakong pulis na sunod na pinapak ng mga halik ang buong mukha ng nobyo.

"Hahahaha, tama na Ric nakikiliti ako." natatawang pigil ni Timothy sa patuloy na paghalik ng nobyo.

...

Kinabukasan...

"Oh Ric anak, ako na d'yan." tangkang pigil ni Lupe sa anak na kasalukuyang abala sa pagluluto ng agahan.

"Kaya ko na 'to nay, samahan na lang po ninyo si tatay sa hapag." mabilis na sagot ni Enrique.

"Hayaan mo na ang anak mo, Lupe, ganyan talaga kaming mga barako kapag gustong maglambing sa mga asawa namin." sali ni Pepe sa usapan ng mag-ina niya.

"Mga asawa? May kabit ka bang hindi ko alam, Pepito Valiente?" baling ni Lupe sa asawa, na iba ang pagkakaintindi sa narinig nito sa kabiyak kanina.

"Tignan mo 'to, alam mo namang ikaw lang ang one and only ko, syempre kaya 'mga' ang nasabi ko'y dalawa kami ng anak mo ang tinutukoy ko." naiiling na depensa kaagad ng ginong.

"Ganyan, mabuti ng maliwanag, dahil puputulin ko ang kaligayahan mo kapag nalaman kong may iba ka." naliwanagang turan ng ginang.
"At ikaw Ric, 'wag na 'wag kang gagawa ng kalokohan." baling at pangaral naman nito sa anak.

"Hinding-hindi mangyayari 'yon nay, gaya ni tatay stick to one lang ang anak ninyo." maagap na sagot ni Enrique na napailing pa, habang nasasaksihan ang pagka-under de saya ng ama.

...

Bukod sa nakangiti at guwapong mukha ng nobyong pulis, kasama ang mabangong amoy ng almusal na dala rin ng mahal ang bumungad kay Timothy pagmulat ng kanyang mga mata.

"Morning baby ko, breakfast in bed?" ngiting bati ni Enrique.

"Morning Ric, thank you dito, sabay na tayo?" ngiting bati pabalik ni Timothy na sobrang kinilig sa ginawa ng nobyo.

"Walang anuman baby, pero para lang sa'yo ang mga ito, iba kasi ang gusto kong almusal ngayon." sagot ni Enrique na sunod na ininguso ang sariling mga labi.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon