KABANATA III

2.3K 138 6
                                    

Matapos ang nangyari kanina sa pagitan nila ng bago nilang hardinero. Hapon na ng maisipan ni Timothy ang bumalik sa sariling  hardin na inaalagaan niya. At sa nakita nito sa paraan ng pagdidilig ngayon ng hardinero sa sariling mga tanim, mabilis na lumapit na ito sa lalaki.

"Papatayin mo ba ang mga tanim ko! Patayin mo ang tubig!" inis na saway ni Timothy sa bastos nilang hardinero.

"Relaks sir, pinadidiligan lang ito sa akin ni ma'am." pagsisinungaling ni Miguel.

"Pwes! 'Wag mong sundin ang inuutos niya! Tignan mo nga! Bulag ka ba at hindi mo nakikita ang pagkalagas ng mga bulaklak ng mga tanim ko!" nangangalaiting bulyaw ni Timothy sa kasama.

"Pasensya na sir, sinunod ko lang naman ang inuutos sa akin ni ma'am eh." hinging paumanhin ni Miguel na napayuko pa sa sandaling iyon, bagamat lihim itong natutuwa sa galit ngayong lalaki sa kanya.

"Sige na, pero sa susunod nakikita mo iyan?" simula ni Timothy at itinuro nito ang nakabakod na bahagi ng garden na nasa tapat nga ng kanyang kuwarto.
"Off limits ang bahaging iyan ng garden, dahil ako lang ang puwedeng magdilig, magtanim at kung anuman ang gusto ko pang gawin, naiintindihan mo?" pagpapaalam pa ni Timothy sa bago nilang hardinero.

"Okay sir naiintindihan ko, eh paano naman kanina, kung off limits pala ang garden mo, malamang hanggang ngayon hinahanap mo parin ang salamin mo." sagot ni Miguel sa may pagkamasungit palang herederong kausap, at ganti rin nito sa pagbulyaw na ginawa ng kaharap kanina.

Sandali namang natahimik si Timothy sa narinig nito, at alam ng binata na may punto nga ang kausap. Pero ng makita nito ang ngisi sa mukha ngayon ng hardinero, imbes na sumang-ayon ito.

"Kanina, hindi mo pa alam na bawal kang umapak sa garden ko, ngayong alam mo na, puwede bang lumabas kana rin dito ngayon na mismo?" paliwanag ni Timothy ng makabawi ito, at taboy pa nito sa nakangisi paring lalaki.

"Ang sungit." bulong ni Miguel na minabuti ng sumunod sa utos ng amo.

"May sinasabi ka?" tanong ni Timothy sa hindi malinaw na narinig nitong bulong ng lalaki.

"Wala sir, pero ingat na lang kayo sa susunod at baka mahulog na naman ang salamin ninyo." ngiting sagot ni Miguel, at nakita nga nito ang pagsalubong ng kilay ng masungit na heredero.

Sa pag-alis ng lalaki, hindi malaman ni Timothy, kung bakit ganun na lamang ang naging reaksyon niya kanina ng dahil lang sa pakikialam ng bago nilang hardinero sa kanyang garden. Alam ng binata na nasobrahan ang ginawa nitong pagbulyaw sa lalaki, at hindi naman niya ugali ang pagsigawan ang sinuman, lalo pa at hindi pa alam ng bagong hardinero ang tungkol sa sarili niyang garden. Kaya naman, para maalis ang pagkakonsyensyang nararamdaman ng binata, minabuti nitong humingi rin ng pasensya mamaya sa lalaki.

...

Nagpatuloy si Miguel sa hindi natapos na pagtatabas ng mga damo, sa malawak na hardin na iyon ng mga Valdez. Ramdam man nito ang pagod sa hindi nakasanayan na trabaho, saglit na nakalimutan iyon ng binata ng sumagi sa isipan niya ang itsura ng masungit na herederong amo, kaya naman hindi nito namalayan ang ngiting mayroon ito ngayon, dulot lang ng nangyari kanina.

Tanaw naman ni Violet ang nakangiti at guwapong mukha ng hot niyang hardinero, talagang sa isip ng babae ay dapat lang na sa kanya lamang ang lalaking abala ngayon sa pagtatabas ng mga damo. At ilang minuto nga matapos umalis ang mayamang asawa, sinamantala ni Violet ang pagkakataon iyon para muling malapitan si Miguel, at gaya kanina may dala ito ngayong malamig na juice, para mainom ng alam niyang pagod at uhaw ng hardinero.

"Miguel, heto ang juice at magpahinga ka na muna." ngiting saad ni Violet na muli'y, hindi itinago ang lantarang pagtitig sa pawisan at magandang katawan ni Miguel.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon