KABANATA VII

2.1K 134 5
                                    

Matapos kumain ng tanghalian, bumalik sa kanyang kuwarto si Miguel. Habang isang oras siyang nagpapahinga bago bumalik sa pagiging hardinero, sinamantala nito ang pagkakataon para muling pag-aralan ang blueprint ng kabuuan ng mansyon ng mga Valdez.

Aminado si Miguel habang kasalukuyang tinitignan at pinag-aaraalan niya ang blueprint ng nasabing mansyon, sa lawak nito ay wala pa sa limang porsyento ang naikot at napuntahan na niya. Bukod dun, malaking hadlang sa plano niya ang nakakalat na mga cctv sa buong mansyon.

'Kailangan ko na ang tulong ni Brix para sa unang hakbang ng plano.' saad sa isip ni Miguel.

At gaya nga ng naisip nito, tinawagan na niya ang kasamahan na eksperto pagdating sa mga electronics at mga computers.

"Brix, oras na para mapakinabangan ang utak mo." bungad ni Miguel sa kausap.

"Grabe ka naman sir, parang sinabi mo naman na pagdating lang sa bagay na iyan umaandar ang utak ko."

"Bakit hindi nga ba? 'Wag ka ng maraming satsat, ngayon na mismo ay pumunta ka na dito sa mansyon ng mga Valdez."

"Understood sir."

Matapos matawagan si Brix, iniligpit na ni Miguel ang blueprint na hawak, para muling bumalik na ito sa pagiging hardinero.

...

Gaya ng utos nito sa kasamahan, alas-tres ng hapon habang abala si Miguel sa pagtatabas parin ng mga damo sa malawak na hardin, nang makita niya ang pumaradang sasakyan sa labas, sa tapat ng mansyon ng mga Valdez.

Lihim ang ginawang pagtingin ni Miguel sa nakaparadang sasakyan, na kaagad namang pinagbuksan ng guwardya sa labas. At habang ipinagpapatuloy nito ang trabaho, nakumpirma ni Miguel na ang kasamahang si Brix na nga ang lulan ng dumating na sasakyan at ngayon ay papasok na sa loob ng mansyon ng mga Valdez.

'Galingan mo Brix.' saad sa isip ni Miguel na patuloy parin sa ginagawang pagtatabas ng mga damo.

...

Gaya ng inaasahan ay naging matagumpay nga ang pagpasok ni Brix sa mansyon ng mga Valdez, bago pa kasi ang pagpapanggap ni Miguel, ang una na ang palaging nag-iinspeksyon pagdating sa mga computers at cctv's ng mga Valdez. Kaya 'di na nakapagtataka na kaagad ng pinapasok ng guwardya ang kanyang kasamahan.

Kaya naman alam na ni Miguel simula mamayang gabi, malaya na siyang makakapag-ikot sa buong mansyon ng mga Valdez.

...

Ilang oras sa pag-alis ni Brix, napansin ni Miguel na dumating na rin ang sasakyan na naghahatid-sundo sa herederong amo. At pagbaba ni Timothy sa sasakyan, sinundan niya ito ng tingin, at napangiti na lamang si Miguel sa nakitang tunay ngang tila prinsipe ang buhay na meron ang anak ni Sergio.

'Ang suwerteng heredero, pero sa gagawin ko, mukhang mamalasin siya 'pag nagkataon.' saad ni Miguel sa sarili na 'di inalis ang tingin kay Timothy hanggang sa makapasok sa loob ng mansyon ang huli.

...

Matapos makapagbihis ng pambahay ng mga damit at makapagsuot ng contact lens, lumabas na ng kuwarto si Timothy para puntahan ang sariling hardin. Paglabas na sana siya ng mansyon ng marinig nito ang pagtawag ni yaya Myrna.

"Senorito, dalhin mo na itong meryenda bago ka pumunta sa hardin mo."

"Salamat po nay Myrna, sige po baka magtampo na ang mga tanim ko."

"Sige senorito." ngiting saad ni Myrna at masayang pinagmasdan ang mabait niyang alaga na palabas na ng mansyon.

...

"Pasensya na kayo at ngayon ko lang kayo nadiligan, iyong bago namin kasing hardinero gusto yata ay lunurin kayo kahapon." kausap ni Timothy sa mga tanim na mga halaman at bulaklak.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon