KABANATA XXVIII

1.7K 97 16
                                    

WARNING!!! R18 Naglalaman ng mga eksenang hindi angkop sa mga bata.

"Diyos kong mahabagin! Mabuti na lang at maayos lang kayo ni Laura, si Miguel ligtas na rin ba siya?" ninenerbyos na tugon ni Myrna habang kausap nito ang alaga sa telepono.

"Opo nay, huminahon na po kayo at ligtas kaming lahat."

"Hindi ko lang maiwasan senorito, hindi simpleng bagay lang ang nangyari sa inyo, bueno hintayin mo kami ni Vilma d'yan at pahahatid kami kay Chris." sagot ng matandang kasambahay.

"Sige po nay."

"Saan kayo pupunta?" nakataas-kilay na tanong ni Violet, na malapit lang kay Myrna at narinig ang pakikipag-usap ng matanda sa telepono.

"Ma'am nasa ospital kasi si senorito kasama si Laura at Miguel, pinagbabaril kasi ang sasakyang nila nang pauwi na sila dito sa mansyon." kuwentong sagot ni Myrna sa babaeng amo.

"What?! Kamusta si Miguel?! Ayos lang ba siya?!" sunod-sunod na alalang tanong ni Violet, na tanging inaalala ang lagay ng hardinero.

Gustong-gusto ng barahin ng matanda ang babaeng amo, dahil 'di man lang ito nagpakita ng interes kung maayos lang ang lagay ng alagang heredero. Ngunit pinili nitong magtimpi, dahil amo parin niya ito.

"May natamong tama ng baril si Miguel sa kanyang balikat ma'am, pero maayos na daw ang lagay niya sabi ni senorito."

"My God kawawa naman ang Miguel ko, ano pang hinihintay mo? Tawagin mo na si Chris at pupunta na tayo ngayon din sa ospital." taboy at utos ni Violet sa matandang kasambahay.

"Masusunod ma'am." Kahit papaano ay nagpapasalamat parin si Myrna sa babaeng amo, hindi na kasi ito nahirapang makiusap rito para makapunta sila ng ospital, kahit pa alam ng matanda na dahil lang iyon sa pagkahumaling ni Violet sa hardinerong si Miguel.

...

"Walanghiya ka Domingo! Pagbabayarin mo ang pagtatangka mo sa heredero ko!" sumpang paghihiganti ni Sergio, matapos malaman ang nangyaring pananambang sa kaisa-isang anak.

...

"Anong nararamdaman mo kuya? Ayos ka lang ba?" hawak ni Timothy ang isang kamay ni Miguel, na katatapos lang magamot ang sugat sa tinamong tama ng baril sa balikat.

"Ayos na ako senorito, kayo ni Laura hindi ba kayo natrauma sa nangyari?" pisil ni Enrique sa kamay ng heredero.

"Ayos lang ako kuya, si Laura hindi pa masyado, pero nagpapahinga na siya sa isang kuwarto." tumingin si Timothy sa mukha ng kanyang driver, at sa nakita nitong nakangiti ang lalaki, kahit papaano'y nabawasan ang pag-aalala nito.

"Miguel oh my God! Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?!" rinig ng dalawang nasa kuwarto at bumungad nga sa kanila ang papalapit na anyo ni Violet.

"Okay lang ako ma'am." hindi alam ni Enrique kung anong gagawin sa mga sandaling iyon, dahil parehong kasama niya sa kuwarto sina Timothy at si Violet.

"Sigurado ka? Baka maimpeksyon ang sugat mo." lalo pang lumapit si Violet,  habang ang kamay nito ay abala sa paghaplos at pag-inspeksyon sa iba't-ibang bahagi ng katawan ng nakabendang si Miguel.

Binatawan na ni Timothy ang hawak nitong isang kamay ni Miguel, pinili nitong iwanan na ang dalawa at hindi nito matiis ang ginagawang kalandian ng madrasta, na sa tingin rin nito'y nagugustuhan ng nakahigang lalaki.

Nabahala man si Enrique sa nakitang pagtayo ni Timothy, wala naman itong magagawa dahil kailangan pa niya ang atensyong binibigay sa kanya ni Violet, sa ngalan ng kanyang misyon.

Halata man ni Myrna ang pagiging malapit ng alaga kay Miguel, pati na ang sa tingin nito'y nararamdamang selos ngayon ni Timothy, pinili ng matanda ang manahimik na muna.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon