KABANATA LI

1.2K 77 26
                                    

Ang mga pang-aasar at kapilyuhang ginagawa sa kanya ngayon ni Enrique, ang inaamin ng heredero sa isa sa mga namiss nito sa dating kasintahan. Ngunit kaagad ring iwinaksi ni Timothy ang mga naisip, sapagkat iba na ang sitwasyon nila ngayon, bukod pa sugat sa kanyang puso na hindi parin naghihilom na mismong ang dating nobyo pa ang nagbigay ilang buwan pa lang ang nakalilipas.

Tumigil na sa kakatawa si Enrique, matapos na tigilan na rin ng heredero ang paghampas nito sa kanya. At sa nakita nitong muling mas binigyan ng pansin ni Timothy ang pagtingin sa mga dinadaanan nila, batid ng binatang pulis na bumalik na naman ang malamig na pakikitungo sa kanya ng mahal.

Sa muling pagtingin nito sa dinadaanan nila, muli ring nagbalik sa ala-ala ni Timothy ang mga nangyari ilang buwan pa lang ang nakararaan, kasama na ang mga masasakit na katotohanang isinampal sa kanya ng tadhana.

...

Four Months Ago.

Halos dalawang buwan mula ng opisyal silang maging magkasintahan ng nobyong pulis, naging abala ang heredero sa paghahanda para sa taunang swimming competition na ilang araw mula ngayon ay nakatakda ng maganap. Syempre pa kasama niya parati na gumagabay sa kanya ang mismong nobyong pulis, na dalawang buwan ng nagpapanggap bilang bagong coach ng kanilang swimming team.

...

Dumating ang takdang araw ng kumpetisyon at taliwas sa inaasahan ng heredero na sabay sila ng nobyong pulis na aalis papunta ng sports stadium na pagdadausan ng patimpalak. Isang text ang natanggap niya kay Enrique bago pa ang oras ng kanilang pag-alis, nakasaad sa mensaheng iyon na hindi siya nito masasamahan dahil may importante itong kailangang asikasuhin. At ang hindi nila pagsabay ng nobyo ay kagagawan pala ng isang taong kasama nila sa mansyon, para maisakatuparan ang matagal ng masamang balak laban sa kanya, at sa tulong pa ng isang lalaking naging kakuntsaba nito, tuluyang naging posible ang bagay na iyon.

Sa pagkakaalam nga ng lahat ng mga tauhan sa mansyon na kasama niyang aalis ang nobyo, walang nagawa ang heredero kundi ang magmaneho mag-isa patungo sa venue ng kumpetisyon. Wala rin ni isa sa kambal niyang bodyguards ang nandoon ng tawagin niya ang mga ito, bukod pa sa wala rin ang dating driver na si Chris at palaging wala naman kasama ng kanyang daddy Sergio ang pinakamatanda sa kanilang mga driver.

Ilang minuto palang itong nakalalayo sa kanilang mansyon, isang kotse ang humarang sa kanyang minanehong sasakyan. Kaagad namayani sa sandaling iyon ang kaba at takot sa buong pagkatao ng heredero, na mabuti na lang ay maagap na naapakan ang preno bago pa mabangga ang kanyang minamanehong sasakyan. Ngunit nagsisimula pa lang ang bangungot na mangyayari sa heredero sa araw na iyon, bago pa muli kasi nito mapaandar ang minamanehong sasakyan, mabilis na lumabas ang isang lalaking nakamaskara mula sa kotseng humarang sa kanyang dadaanan. At sa sumunod na nangyari, tila humiwalay ang kaluluwa ni Timothy sa kanyang katawan, dahil sa narinig nitong magkasunud na putok ng baril na galing sa lalaking nakamaskara. Nanginginig man sa takot sa mga sandaling iyon, napagtanto ng heredero na ang mga gulong ng kanyang sasakyan ang pinaputukan ng lalaki dahil tila nalubog ang kanyang kinalalagyan. Hindi na malaman ng takot na takot na si Timothy ang kanyang gagawin para makaalis sa sitwasyong iyon, batid rin ng natitirang parte ng isip niya na gumagana pa, na imposibleng makawala pa siya sa lalaking nagtatangka ngayon sa buhay niya. Hanggang sa nakita na lamang niya ang papel na itinapat ng lalaking nakamaskara sa bintana ng kanyang sasakyan, nakasulat sa puting papel na iyon na bumaba ito ng sasakyan, kundi ang susunod na ipuputok ng baril ay sa kanya na mismo tatama.

Ayaw man sundin ng takot na takot na si Timothy ang utos sa kanya ng nakamaskarang lalaki, walang itong nagawa kundi ang gawin kung anong ipinapagawa sa kanya. Sa pagbaba ng heredero sa kanyang sasakyan, kaagad siyang inakbayan ng lalaki, tsaka bumulong ito na umayos siya kundi puputok ang baril na ngayo'y nakatutok na sa kanyang tagiliran. Hanggang sa pinapasok siya ng nakamaskarang lalaki sa pagmamay-aring kotse, at eksatong pag-upo pa lamang niya, ang pagtakip naman ng panyo sa kanyang mukha na may malakas na amoy ang huling natatandaan niya, bago ito tuluyang mawalan ng malay.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon