KABANATA XXIV

1.7K 91 10
                                    

Paglabas ni Enrique sa opisina ni Sergio, matapos ang pag-uusap nila ng huli, hindi na naitago ng binatang pulis ang saya sa kanyang mukha, dulot ng mga nalamang pansamantalang magiging driver siya ni Timothy.

"Siguradong magugulat siya bukas." nangingiting kausap sa sarili ni Enrique.

...

"What?! Bakit si Timothy ang ipagmamaneho ni Miguel, tapos si Chris naman ang magiging driver ko?" gulat at 'di makapaniwalang bulalas ni Violet, matapos ipaalam ng asawa ang tungkol sa magiging driver nila ng stepson.

"Anong gusto mo? Ikaw ang ipagmaneho ng hardinerong si Miguel? Hindi ako tanga Violet, alam kong tipo mo ang mga kagaya niya." diretsahang sagot at tumbok ni Sergio sa dahilan ng pagrereklamo ng asawa.

"Honey naman hindi totoo ang sinasabi mo, ang sa akin lang naman ay dati ng driver ng anak mo si Chris, bakit kailangan pang ipalit sa kanya si Miguel." tanggi ni Violet sa paratang ng asawa.

"Matulog na tayo honey, tapos na ang usapan tungkol sa bagong driver ninyo ng anak ko." putol ni Sergio sa usapan nila ng asawa.

'Bwisit! Bakit kasi hindi na lang si Miguel ang driver ko.' inis na saad sa isip ni Violet, na lalo pang nabwisit dahil kasama niya ngayon ang asawa, at hindi natuloy ang dapat na mangyari sana sa pagitan nila ng matipuno at gwapong hardinero.

...

Kinaumagahan ng makakita ng pagkakataon si Enrique, na makausap si Chris ng silang dalawa lang.

"Chris, kung tungkol sa pagiging driver ko kay senorito kaya ka galit sa'kin, sorry hindi ko naman iyon kagustuhan." kausap ni Enrique sa binatang driver.

"Hindi iyon tungkol dun Miguel." maagap na sagot ni Chris.

"Kung ganun, sabihin mo sa akin ang problema, ayokong may hindi ako kasundo dito sa mansyon, dahil pamilya na ang turing ko sa inyong mga kapwa ko tauhan."

"Sige, sasabihin ko na ang dahilan, matagal na akong may gusto kay senorito, at pansin kong may gusto siya sa'yo, tanggap ko naman eh na hindi ako magugustuhan pabalik ni senorito, ang ayoko lang ay pinaglalaruan mo ang damdamin niya." paglalahad ni Chris sa saloobin nito.

"Mali ang iniisip mo Chris, totoo ang nararamdaman ko kay Tim." tanggi ni Enrique sa paratang ng kausap at giit nito sa tunay nitong nararamdaman sa heredero.

"Ah kaya pala gusto mo rin ang atensyong ibinibigay sa'yo ni Violet." sarkastikong sagot ni Chris.

Sa mga sandaling iyon, alam ni Enrique nagsisimula ng maging kumplikado ang kinalalagyan niya at siya mismo ang naglagay sa sarili sa sitwasyong iyon.

"Hindi ko man maipapaliwanag sayo ngayon, sana maniwala kang totoong mahal ko si senorito." sinserong saad ni Enrique sa kausap.

"Madali lang sabihin ang bagay na iyan, pero mas mainam kung patunayan mo kuya Miguel." payo ni Chris sa kausap, na nabawasan kahit papaano ang galit sa hardinero. Hindi man sigurado, para sa binata ay tila totoo ang huling narinig nito kay Miguel.

"Makakaasa ka tol." nabuhayang sagot ni Enrique, matapos ang pagtawag muli ng kuya sa kanya ng kausap.

...

"Kuya Chris, halika ka na at papasok na kami ni Lau." tawag ni Timothy sa kanyang personal driver.

"Senorito, si ma'am Violet na ang ipinagmamaneho ko mula ngayon, nasa labas na ang bago n'yong driver." sagot ni Chris at paalam nito sa heredero.

"May bago kang driver senorito?" baling ni Laura sa amo.

"Wala akong alam Lau, pero narinig mo ang sinabi ni kuya Chris, mabuti pa ay puntahan na lang natin siya sa labas." sagot ni Timothy.

"Aalis na ba tayo senorito?" nakangiting bungad ni Enrique pagkakita nito sa heredero.

"Ikaw ang bago kong driver kuya Miguel?!" gulat at 'di makapaniwalang tanong ni Timothy, sa inaamin niyang matipuno at  guwapong nakangiting lalaki.

"Oo senorito, pasok ka na ng makaalis na tayo." ngiting sagot ni Enrique, na mabilis na pinagbuksan ng pinto ang heredero.

Matapos makasakay ang heredero at ang kasama nito, isinara na ni Enrique ang pintuan ng sasakyan at mabilis na itong nagtungo sa driver seat.

"Paano ang trabaho mo bilang hardinero, kuya?" bungad na tanong ni Timothy, habang kasalukuyang binubuhay ng hardinero na ngayo'y driver na niya, ang makina ng sasakyan.

"Hindi na muna ako ang gagawa nun senorito, pinakiusapan kasi ako ni sir Sergio na pansamantalang maging driver mo, wala pa raw kasing maipapadalang driver ang agency, bilang kapalit ni Andres." sagot ni Enrique, na sinimulan ng ilabas sa garahe ang sasakyan.

"Ah, matanong pala kita kuya, dati mo rin bang trabaho ang pagiging driver?"

"Oo senorito, pero nitong nakaraang mga taon, pagiging hardinero ang naging trabaho ko." pagsisinungaling ni Enrique.

"O sige hindi na kita iistorbohin sa pagmamaneho, baka maaksidente pa tayo." pagtatapos ng heredero sa pagtatanong sa bago nitong driver.

Gaya ni Chris, pansin rin ni Laura ang pagiging malapit nila Miguel at Timothy, ganunman ay nanahimik na lamang ang dalaga.

...

Pagkarating ng minamanehong sasakyan sa Unibersidad na pinapasukan nina Timothy at Laura, muling pinagbuksan ng pinto ni Enrique ang dalawa.

"Salamat kuya." saad ni Timothy, pagkababa nila ni Laura.

"Walang anuman senorito, paano kita tayo mamayang pag-uwi ninyo ni Laura o kapag kailangan ninyo ako, isang itext o tawag lang ay mabilis ko kayong mapupuntahan." mahabang saad ni Enrique.

"Okay kuya." sagot ni Timothy at pumasok na sila ni Laura sa University.

Nanatili muna sa kinatatayuan si Enrique, na abala sa pagtanaw sa palayong anyo ng mahal nitong heredero. Kaya naman, maraming babae at binabae ang nabaling ang tingin, sa nakatayong matipuno at guwapong binatang pulis na ngayo'y nagpapanggap naman bilang driver.

"Sis, hindi ba 'yung lalaking iyon ang nasa party ng baklitang si Tim?" tanong ni Dianne sa matalik na kaibigan.

"Oo nga sis, ano kayang ginagawa niya dito? Mabuti pa ay lapitan natin." saad ni Audrey at mabilis na hinila ang kaibigan, papunta sa kinatatayuan ng matipuno at guwapong lalaki.

"Hi, bakit ka nandito kuya?" tanong ni Audrey sa lalaki.

"Hi miss, hinatid ko lang ang baby ko." sagot ni Enrique sa pamilyar na babae.

"Baby? Ibig sabihin girlfriend mo ang hinatid mo dito sa uni?!" medyo gulat na reaksyon at kumpirma ni Audrey sa narinig.

"Oo miss, sige aalis na ako." sagot ni Enrique, na minabuti ng iwanan ang dalawang babae.

"Sino kaya ang putang girlfriend ng guwapong iyon?" baling ni Dianne sa kaibigan.

"Iyan ang gusto ko ring malaman sis, at kapag nalaman ko kung sino siya, humanda sa akin ang babaeng 'yon." sagot ni Audrey, na sa sandaling iyon ay may masamang balak na kaagad itong naisip.

...

Gaya nga ng pangako ni Enrique kay Timothy, napili ng binatang pulis na sa malapit na lugar ito manatili, habang hinihintay ang pag-uwi ng among heredero. At para kahit papaano'y hindi ito mainip sa paghihintay, nagtungo na muna si Enrique sa isang coffee shop.

Ilang minuto lang ang lumipas, hawak ang nabili nitong kape ay umupo sa pinakasulok na bahagi ng shop si Enrique. Nang makasiguro ang binatang pulis na ligtas ang kanyang puwesto, binuksan nito ang dalang laptop, para muling pag-aralan ang mga kuha ng cctv sa mansyon.

Pagkabukas ni Enrique sa laptop na dala, nakatawag ng pansin sa kanya ang kuhang video sa opisina ni Sergio. Ito'y ang abalang si Sergio, habang may mga dokumento itong hawak. At sa tingin ng binatang pulis, ang mga papeles na iyon ay maaaring magamit niya, para tuluyang mapatunayan ang pagiging pinuno sa isang Mafia ng ama ng kanyang pinakamamahal na heredero.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon