KABANATA XV

1.9K 108 9
                                    

Hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Enrique, habang patuloy itong nanonood at nakikinig sa pag-uusap ng magkaibigan, at lubos na ipinagpapasalamat nito na naging posible iyon, dahil sa nailagay niyang listening device sa kuwarto ni Timothy kanina.

Naputol ang panonood ng binata ng marinig nitong tumunog ang kanyang cellphone, at pagkakita nito sa screen, bumungad ang pangalan ng tumatawag at ito'y ang kanyang superior.

"Captain Valiente, anong nabalitaan kong pinakulong mo raw ang isang driver ni Sergio?" bungad ni Police General Feliciano.

"Sir totoo ang nakarating sa inyo." sagot ni Police Captain Valiente.

"Kung ganun, bukod sa tangkang panggagahasa ng driver na iyon sa heredero ni Sergio, tapatin mo ako Captain Valiente, 'yun lang ba ang dahilan kaya mo ipinakulong ang lalaking iyon o may iba pa?"

"Sir, dahil lang sa tangkang panggagahasa ng lalaki sa heredero ni Sergio, kaya ko ipinakulong ang driver sir."

"Mabuti kung ganun Captain Valiente, dahil gaya ng mga nauna mong napagtagumpayan bilang police undercover, malaki ang tiwala ko sa'yo na mapagtatagumpayan mo rin ito."

"Maraming salamat sa pagtitiwala sir, gaya ng mga nauna kong misyon, ipinapangako ko na matatapos ko ito at makukulong si Sergio Valdez."

"'Yan ang gusto kong marinig Captain Veliente, bueno, aasahan ko ang report mo matapos ang ikapitong araw mong pagsasaliksik diyan sa mansyon." huling saad ng Heneral at ibinababa na nito ang tawag.

Matapos niyang makausap ang Heneral ay napabuntong hininga na lamang ang Kapitan.

'Tama ang Heneral, hindi ako narito para kay Timothy, kailangan ko ng umpisahan ang paghahanap ng mga ebidensya laban kay Sergio.' saad sa isip ni Enrique.

At inumpisahan na nga ng Kapitan, na pag-aralan ang lahat ng mga kuha ng walong cctv sa kabuuan ng mansyon. Bukod sa kuwarto ng heredero ni Sergio, ang mga kuwartong may mga cctv ay ang sa sala, sa opisina ni Sergio, sa library, sa bodega, sa garahe, at sa kuwarto ng mag-asawang Sergio at Violet.

Sa mga bahaging iyon ng bahay, napili ni Enrique na umpisahan sa sala ang kanyang paghahanap mamaya, dahil ito ang pinakamalawak at dalawang cctv pa ang nakalagay sa lugar.

...

"Tim nandyan na ang sundo namin ni Kurt, paano mauna na kami at bukas magkita-kita na tayo sa uni." saad ni Aries pagkapasok muli nito sa kuwarto ng kaibigan.

"Oo Ris, heto salamat ulit sa mga notes mo." sagot ni Timothy at abot nito sa mga notebook ng kaibigan.

"Ang bilis ng oras friend, kailangan na naming umalis ni beh, bukas pumasok ka na at hindi pa tayo tapos sa pag-uusap natin tungkol sa manliligaw mo." saad at muling biro ni Kurt sa kaibigan.

"Ewan ko sa'yo friend, sabi ng magkaibigan lang kami nung tao, at oo papasok na ako bukas." iling na sagot ni Timothy.

"Masanay ka na sa kaibigan mong 'yan Tim, may pagkatsismoso." saad ni Aries para asarin rin ang nobyo.

"Oo nga Ris, sige salamat sa pagpunta ninyo at pakisabi kay Manong Phil na dahan-dahan sa pagmamaneho." sang-ayon ni Timothy at bilin nito sa kaibigan.

"Oo naman Tim, walang mangyayaring masama sa beh ko basta kasama niya ako." maagap na sagot ni Aries.

"Ano ka ba naman beh, baka mainggit si friend sa pagiging sweet mo." nagpipigil sa kilig na saad ni Kurt na kaagad yumakap sa nobyo.

"Ako maiinggit? Nasanay na ako sa lambingan ninyong dalawa, at Ris ayaw lang ipahalata ni friend na kinikilig siya."

"Tama ka Tim, sige mauna na kami ni beh at matulog ka ng maaga mamaya, para maging okay na bukas." sang-ayon ni Aries at payo nito sa kaibigan.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon