KABANATA XXXVII

1.4K 82 11
                                    

"Kamusta ka na babe?" kunwaring alalang tanong ni Andres, nang samahan siya sa mesa ni Laura.

"Medyo ayos na babe, pero sobrang natrauma ako sa nangyari sa amin nila senorito." mabilis na yumakap ng mahigpit si Laura sa kasintahan.

"Sorry babe kung ngayon lang tayo nagkita, hindi na rin kita nadalaw sa ospital at baka magtaka si nay Vilma 'pag nakita niya ako." muling uto ni Andres sa yakap parin nitong babae.

"Naiintindihan ko babe, kaya ayos lang, kung alam mo lang sobrang saya ko ng tawagan mo ako para magkita tayo ngayon." maagap na saad ni Laura na humiwalay na sa yakapan nila ng nobyo.

"Ako man babe, masaya rin akong nagkita tayo, si senorito pala kamusta siya?" saad ni Andres, na inumpisahan na rin ang tunay nitong pakay sa pagkikita nila ng dalaga.

"Kumpara sa akin, okay lang naman si senorito, siya nga ang nagpatahan sa akin nung nasa sasakyan pa kami." sagot ni Laura.

"Mabuti naman at parehong ayos na kayo, ibig bang sabihin ay pareho na kayong bumalik sa pagpasok niyan?" kuha muli ng impormasyon ni Andres sa babae.

"Ako babe, pumasok na ngayong araw, si senorito ay wala parin sa mansyon, kasama niya si kuya Miguel."

"Bakit kasama niya si Miguel? Hindi ba nag-aalala si Sir Sergio na wala sa mansyon si senorito?" muling tanong ni Andres, na 'di na naitago ang pagiging interesado nito sa heredero.

"Wala rin akong ideya kung bakit magkasama ngayon sila senorito at kuya Miguel, basta narinig ko lang na kausap ni nay Myrna si kuya Miguel, at base sa ikinuwento sa amin ni nay Myrna, magkasama ang dalawa sa probinsya." sagot ni Laura, na 'di pa nahahalata ang pagtatanong ni Andres patungkol kay Timothy.

"Nabanggit ba ni nay Myrna kung saang probinsya naroon sila senorito?"' di na nag-aksaya ng oras si Andres at muli nitong tanong sa babae.

"Ano ba naman iyan babe, ngayon na nga lang ulit tayo nagkita, bakit panay si senorito pa ang bukambibig mo?" nakahalata ng tanong ni Laura sa kaharap.

"Sorry babe, interesado lang talaga ako sa pinuntahan nila senorito, baka kasi maganda doon sa probinsyang pinuntahan nila, ayaw mo ba nun at puwede natin silang sundan nang makapagbakasyon rin tayo, para na rin tuluyan mo ng makalimutan ang nangyari sa inyong pananambang ilang araw palang ang lumipas." paumanhin ni Andres na kaagad ring nakaisip ng palusot, bago pa tuluyang magduda ang babae.

"Oo nga no babe, mabuti pa si senorito ay nagawa nitong magbakasyon, sigurado akong enjoy na enjoy iyon lalo na at magkasama sila ni kuya Miguel, bilib rin ako kay kuya Miguel at parang tinanan na kaagad si senorito, baka nga may nangyari na sa dalawang iyon, lalo pa't ngayon ay nasa sa pag-aaring bahay ni kuya Miguel sila naroon." mabilis na sang-ayon ni Laura, pagkarinig nito sa suhestiyong bakasyon ng nobyo, at 'di na rin nito napigil ang bibig at naibulalas ang mga naisip na posibleng ginagawa ng kaibigan kasama ng batid nitong malapit ritong lalaki.

Natuwa man si Andres na nakakuha ito ng impormasyon sa babae, hindi naman nito nagustuhan ang tungkol sa posibleng naunahan na siya ng pulis kay Timothy.

"Iyon naman pala babe, bakit 'di mo tawagan si senorito, at ngayon mismo ay susundan natin sila." ngiting saad ni Andres, na sinamantala na rin ang pagkakataon para malaman ang eksaktong kinaroroonan nila Timothy at Enrique.

"Gustuhin ko man babe hindi pupwede, naiwan kasi ni senorito ang cellphone niya, hindi ko rin naman alam ang numero ni kuya Miguel."

"Sayang naman babe, pero si nay Myrna siguradong alam ang numero ni Miguel, hindi ba ang kuwento mo sa akin kanina ay tumawag ito kay nay Myrna sa ospital?" sagot ni Andres na kaagad nakaisip ng paraan, para tuluyang masundan ang kinaroroonan ng heredero.

"Tama ka babe, sige tatawagin ko na si nay Myrna." sagot ni Laura na naexcite rin sa mga sandaling iyon.

...

Ikatlong araw nila ngayon ng heredero sa probinsya ng Quezon, at habang abala si Enrique sa pagluluto ng almusal, napansin nitong may kausap sa cellphone ang nobyo.

Sa nakita nga ay kaagad na iniwan ng binatang pulis ang niluluto, at lumapit ito sa kinaroroonan ni Timothy.

"Hindi ko pupuwedeng sabihin Lau, babalik rin naman kami sa mga susunod na araw diyan sa mansyon." kausap ni Timothy sa kaibigan na nasa kabilang linya.

Pagkarinig ni Enrique sa pangalan ng babaeng kaibigan ni Timothy, kaagad nitong kinuha ang pag-aaring cellphone na hawak ng heredero.

"Ibaba ko na 'to Laura, pag-uwi namin ni senorito, tsaka na lang kayo magkuwentuhan." tapos ni Enrique sa pagtawag ni Laura.

"Bakit mo naman inagaw? Alam ko namang hindi ko pag-aari ang cellphone mo, tapos pinutol mo kaagad ang tawag ng hindi man lang ako nakakapagpaalam kay Lau." may inis na saad ni Timothy.

Hindi sinagot ni Enrique ang reklamong iyon ng heredero, sa halip kaagad nitong tinanggal ang sim card ng nasabing cellphone na mabilis rin nitong sinira.

Sa nakitang ginawang iyon ng nobyo, iba ang pagkakaintindi ni Timothy sa mga sandaling iyon.

"Napaka-imposible mo, hindi mo ba masabi  sa akin ng harapan na ayaw mong ipagamit sa akin ang gamit mo? Mas gugustuhin mo pang sirain iyon, para lang hindi ko ito magamit?" naiiling at hindi makapaniwalang saad ni Timothy.

"Ang sungit talaga ng baby ko, ginawa ko iyon hindi dahil sa ipinagdadamot ko ang  gamit ko sa'yo, nag-iingat lang ako na hindi tayo masundan kung saan tayo ngayon, ano nagtatampo parin ba ang baby ko?" mahigpit na niyakap ng binatang pulis ang masungit nitong nobyo, kasabay ng pagpapaliwanag nito.

Sa mga narinig kay Enrique, kaagad nakaramdam na hiya sa sarili ang heredero.

"So-sorry Ric, akala ko kasi..." 'di na natuloy na saad ni Timothy, nang putulin ito ng mga labi ng nobyo na kaagad sumakop sa kanyang mga labi.

"Hindi mo kailangan mag-sorry baby, basta tandaan mo lagi, lahat ng akin ay sa'yo rin, kahit pa katiting lang iyon ng mayroon ka." paalala ni Enrique sa nobyo.

"Salamat Ric, pero ang katiting na sinasabi mo, sobra-sobra na basta't ikaw ang kasama ko." ngiting saad ni Timothy na ramdam ang pagmamahal ng nobyo.

"Naks marunong rin palang bumanat ang baby ko, o siya maupo ka na at babalikan ko na ang niluluto ko at baka kapag 'di ako nakapagpigil, ikaw ang gawin kong almusal." biro ni Enrique na mabilis na pinapak ang leeg ng heredero, bago ito tuluyang bumalik sa kusina.

Nangingiting pinagmasdan na lamang ni Timothy ang tumalikod na nobyo, na hindi nabibigong magpakilig sa kanya at lagi ring pinagsisilbihan siya.

...

Napahampas na lamang sa manibela ang inis-inis na si Andres na bigong malaman ang kinaroroonan ng heredero. Buong akala kasi nito kanina ng katawagan ni Laura si Timothy, malalaman na rin niya sa wakas kung saan idinala ng pulis ang heredero. Ngunit sa narinig nitong boses ni Enrique sa kabilang linya, na pumutol rin sa pagtawag ni Laura, tuluyan ng nabulilyaso ang kanyang plano na masundan ang dalawa.

'Tang-ina kang pulis ka! Magpakasawa ka na kay Timothy, dahil sa huli ako ang makikinabang sa heredero.' pangako ni Andres sa sarili.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon