KABANATA XXXV

1.6K 77 6
                                    

Maghahapon na ng magising si Timothy, at dahil nga sa nangyari sa pagitan nila ni Enrique, ramdam ng binata ang pagsakit ng kanyang buong katawan, pati na ang pang-upo nito na ilang beses ring inangkin ng barakong pulis.

"Ric!" tawag ni Timothy sa kasama.

Sa labas ng kubo, abala naman si Enrique sa pag-iihaw ng iba't-ibang isda at lamang-dagat, nang marinig nito ang pagtawag sa kanya ng heredero.

"Sam, ikaw na muna ang bahala sa mga ito, nagising na ang baby ko." baling ni Enrique sa bodyguard.

"Sige Ric." sang-ayon ni Samuel na napailing na lang.

...

"Gising na pala ang baby ko, nagugutom ka na ba?" ngiting bungad ni Enrique pagpasok nito sa kuwarto ng kubo.

"Ric, ang sakit ng katawan ko at oo gutom na rin ako." reklamo ni Timothy sa nararamdamang sakit ng katawan.

"Kawawa naman ang baby ko, napagod pala talaga kita ng husto, hayaan mo mamaya mamasahiin kita at malapit na ring maluto ang mga inihaw namin ni Sam." pagkalapit ni Enrique sa kama ay minasahe nito ang balikat ni Timothy.

"Ang sarap Ric, mamaya ituloy mo ang pagmamasahe, pero sa ngayon gusto ko na talagang kumain."

"O siya maiwan na muna kita, mabilis lang ako." mabilis ng tumayo si Enrique, para ikuha ng pagkain ang heredero.

...

"Tama na 'to para sa amin ni Tim, iuwi mo na lang sa kambal mo ang iba, pagkatapos isa sa inyo ang bumalik dito sa kubo, dito na kami magpapalipas ng gabi ni senorito." kausap ni Enrique kay Samuel.

"Sige Ric, ikaw na muna ang bahala kay senorito."

...

"Dahan-dahan lang baby, marami pa 'to." nangingiting saad ni Enrique, habang patuloy sila sa pagkain ng hapunan ni Timothy.

"Kasalanan mo to eh, ang dami kasi ng pinakain mo sa akin kaninang umaga, hinahanap yata ng bituka ko ang dami ng kinain kong almusal kanina."

"Sinisi pa ako, baka sadyang matakaw ka lang baby." asar pa ni Enrique.

"Hindi ako matakaw, sa sexy kong 'to, ganito ba ang matakaw?" depensa kaagad ni Timothy, sabay taas nito sa laylayan ng suot na damit para ipakita ang flat nitong tiyan.

"Oo na, ibaba mo na 'yan at baka ikaw ang gawin kong hapunan." talong sagot ni Enrique at babala nito sa ginawa ng heredero.

"Bastos! Umayos ka nga Ric, kumakain tayo eh." saway kaagad ni Timothy sa pilyong pulis.

"Sige na titigil na, pero maiba ako baby, masakit pa ba? Hindi ba puwede kahit isang round lang mamayang gabi?" ayaw paawat at muling asar ni Enrique sa heredero.

"Ano ba Ric!" hampas ni Timothy sa malaking braso ni Enrique.

"Ang sarap mo talagang asarin baby, sige na kumain na tayo."

...

Matapos kumain ang dalawa, nanatili lang ang mga ito sa kuwarto ng kubo. Wala mang kuryente ang lugar, maliwanag parin sa loob dahil sa mga emergency lights na binili ni Enrique.

"Hindi mo pa naikukuwento sa akin, Ric, bakit nagpanggap kang hardinero sa mansyon?" simula ni Timothy sa nais nitong itanong kay Enrique.

Sandaling bumuntong hininga si Enrique, alam kasi ng binatang pulis na kailangan muli nitong gumawa ng kasinungalingan, dahil mahigpit pang bilin ni Sergio sa kanya, na 'wag munang ipaalam kay Timothy ang katotohanan.

"May misyon kasi ako baby, may nagtip sa amin na may ginagawang ilegal si Violet, kaya pansin mo, sinasakyan ko ang mga kagustuhan ng madrasta mo sa akin, kapalit nun ay ang pag-iimbestiga ko sa kanya."

"Si Violet? Anong ilegal naman ang gagawin nun? Hindi sa pinagtatanggol ko siya, kilala kong malandi ang madrasta kong 'yon, pero ang gumawa ng ilegal? Sa palagay ko ay hindi niya iyon magagawa." komento ni Timothy sa nalaman nito kay Enrique.

"Hindi ko puwedeng ipaalam sa'yo ang tungkol sa bagay na 'yon baby, pero para mapalagay ka, sa ilang araw kong pananatili sa mansyon napatunayan kong walang ilegal na gawain si Violet."

"Mabuti naman, so paano niyan at tapos na ang misyon mo sa mansyon, ibig ba nung sabihin ay babalik ka na sa pagiging pulis at iiwan mo na ako?" medyo malungkot na saad ni Timothy na napayuko na lamang.

"Hindi pa baby, at kung aalis man ako ng mansyon, gagawin ko lang 'yon kung kasama kita." alo kaagad ni Enrique at hinawakan ang baba ng heredero, para magtagpo ang mga mata nila.

"Hindi ba unfair 'yon Ric? Alam kong magaling kang pulis at may mataas kang ranggo bilang alagad ng batas, hindi ba masasayang kung mananatili ka lang bilang driver ko, na dapat ay nasa isa kang misyon para manghuli ng masasamang tao?" rason ng heredero, na piniling unawain ang sitwasyon ng lalaking mahal.

"Hindi magiging unfair 'yon baby ko, hindi ba tungkulin ng mga pulis na iligtas ang mga nangangailangan? Hindi na lang bilang driver ang trabaho ko sa'yo, napag-usapan namin kanina ng daddy mo ang tungkol dun, kaya habang hindi pa nahuhuli ang taong nag-utos sa nangyari sa atin kahapon, bukod sa kambal, magiging bodyguard mo na rin ako mula ngayon." pagtatapat ni Enrique sa magiging bagong trabaho nito.

"Ikaw, magiging bodyguard ko rin?" 'di parin makapaniwala si Timothy sa narinig nito.

"Oo baby, kaya bantay sarado ka na sa akin." ngising saad ni Enrique.

"Ang saya ko Ric." labas ng saloobin ni Timothy, na mabilis na yumakap ng mahigpit kay Enrique.

"Mas masaya ako, baby ko." sagot ni Enrique, na kaagad siniil ng halik ang heredero pagkatapos.

...

"Paano iyan Andres, anong plano mo sa inuutos sa'yo ni boss?" tanong ni Dante sa kaibigan.

"Ano sa tingin mo Dante?" ngising sagot pabalik ni Andres.

"Nahihibang ka na talaga, sa tingin mo magugustuhan ka nung heredero? Eh sa kuwento mo sa akin, mukhang binakuran na nung pulis ang kinababaliwan mo." naiiling na saad ni Dante at bigay nito ng sariling opinyon.

"Wala akong pakialam kahit pa kasama ni Tim ang pulis patolang iyon, kapag nakakuha ako ng tiyempo, madali lang na madidispatya ko ang parak na iyon, at kapag nangyari iyon, mapupunta na sa akin sa wakas ang heredero ni Sergio." balewala ni Andres sa narinig nito sa kaibigan, habang abala na rin ito sa paglalagay ng mga armas sa isang bag.

"Kung ganun, goodluck sa paghahanap mo sa kanila, balitaan mo ako kapag natagpuan mo na sila, at 'wag kang magdadalawang-isip na tawagin ako kapag kinailangan mo ng tulong." tapik ni Dante sa balikat ng kaibigan.

"Salamat Dante." sagot ni Andres atsaka na ito sumakay ng sasakyan, para maumpisahan ang paghahanap sa kinaroroonan ng herederong si Timothy.

...

"Grandpa, totoo po ba ang sinabi mo na makikilala ko na si papa?" tanong ng batang si Ethan sa lolo nitong senador.

Sandaling pinagmasdan ni Wilfredo ang kaisa-isa nitong apo, na ni sa hinagap nito ay maaari niyang magamit para sa kinabibilangang Mafia.

"Oo apo, malapit ng mangyari iyon, kaya be a good boy okay? Sigurado akong magugulat ang papa mo, kapag nagkita kayo." nakangiting sagot ng matanda.

"Opo grandpa, excited na rin po akong makita si papa." magalang na sagot ni Ethan.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon