KABANATA LXIII

1K 75 55
                                    

Ilang minuto lang ang lumipas, matapos na iwanan siya ni Enrique na pumunta na sa opisina ng kanyang ama, nagulat na lamang si Timothy ng maramdaman ang biglang pagyakap sa kanya ng mahigpit ng isang tao.

"Nakakainis ka friend!" sumbat ng naiiyak na si Kurt, habang mahigpit parin nitong yakap ang kaibigan.

"Sorry na friend." pagpapakalma ni Timothy sa namiss nitong kaibigan at aminado ang heredero na malaki ang kanyang kasalanan, dulot ng bigla na lamang niyang pag-alis ng walang paalam ilang buwan na ang nakararaan.

"Hindi sapat ang sorry lang friend, dito ako matutulog sa mansyon at dapat magkatabi tayo mamaya." kondisyon ni Kurt na tumahan na at humiwalay na rin sa yakapan nila ng kaibigan.

"Iyon lang pala friend, sobrang namiss kita."

"Namiss rin kita friend, sobra, at marami kang kailangang ipaliwanag sa akin."

"Promise friend ikukuwento ko ang lahat, si Aries hindi mo ba kasama?"

"Kasama ko siya at pati na rin si Eduard, alam mo naman friend masyado akong maganda at takot iyon na may ibang dumikit na lalaki sa akin." sagot at pagyayabang pa ni Kurt.

"Hindi ka pa rin nagbabago friend, oo nga pala nandito sa mansyon si kuya, kaya umayos ka at baka magselos na naman ang seloso mong boyfriend."

"Talaga nandito si papa Oli?! Friend kalimutan mo nang boyfriend ko si Aries, single na pala ako ngayon, kaya available na ako para sa hot mong kuya." nangingiting reaksyon ni Kurt dahil sa kanyang nalaman.

"Sira ka talaga." napailing na lamang ang heredero sa kalokohan ng matalik nitong kaibigan.

...

"Tol mauna ka ng pumasok, sasagutin ko lang ito." saad ni Eduard.

"Sige tol, sunod ka kaagad." sagot ni Aries.

Nang makitang nakapasok na sa loob ng mansyon ang kaibigan, itinago na ni Eduard sa kanyang bulsa ang pag-aaring cellphone na naging alibi nito para sandaling iwanan siya ng kaibigan at para mapuntahan ang isa pa nitong pakay sa mansyon.

...

"Bakit ka nandito?!" gulat na reaksyon ni Chris, pagkakita nito sa taong kasama niya ngayon sa sariling kuwarto.

"Hindi mo ba ako namiss? Ako kasi hindi ka na naalis sa isip ko mula nung gabing may mangyari sa 'tin." imbes na sagutin ang tanong na iyon ng kaharap, pinili ni Eduard na ipagtapat ang gumugulo sa kanyang isipan sa nakalipas na mga buwan.

"Isang beses lang na nangyari iyon, kaya nga tinawag iyong One night stand, atsaka walang ibig sabihin ang nangyari sa gabing iyon, na pareho nating alam na dulot lang ng alak dahil pareho tayong lasing nun." 'di binigyang pansin ni Chris ang mga narinig, sa halip ay giit nitong walang kahulugan ang namagitan sa kanila noon ng kausap.

"Kung wala lang 'yon, siguro naman wala lang rin kung hahalikan kita ngayon." subok ni Eduard, na mabilis na naitulak sa pader ang katawan ni Chris, sabay lapit nito sa kanyang mukha sa mukha ng huli.

"A-anong gagawin mo?" nautal sa kabang tanong ni Chris.

"Hahalikan ka." ngising sagot ni Eduard sabay lapit pa lalo sa kanyang mukha.

Wala ng nagawa pa si Chris kung hindi ang ipikit ang kanyang mga mata para hintayin ang paglalapit ng mga labi nila ni Eduard, pero taliwas sa kanyang inaasahan, walang  mga labing lumapat sa kanyang mga labi.

Sa naging reaksyon ni Chris, sobrang natuwa si Eduard, dahil batid nitong gaya niya'y may tiyansang may nararamdaman rin para sa kanya ang una.

"Ayokong gawin natin iyon na hindi ka kumportable, pupunta ako sa Sabado sa bar kung saan nagsimula ang nangyari sa atin noon, hihintayin kita." hayag ni Eduard bago ito lumabas at iwanan si Chris.

Pagkaalis ni Eduard, napahawak na lamang sa kanyang mga labi si Chris at napangiti na lamang ito pagkatapos.

...

"Sino bang kausap mo tol at tagal mo naman." baling ni Aries pagkakita nito sa kaibigan.

"Secret tol." nangingiting sagot ni Eduard.
"Welcome back Tim, namiss ka namin." baling naman nito sa namiss nitong isa pang kaibigan.

"Salamat Ed, namiss ko rin kayo, mamaya may mga ipakikilala ako sa inyo." ngiting sagot ni Timothy.

...

"Inaasahan kong wala pang alam si Tim sa mga sikretong gawain ko?" simula ni Sergio sa usapan nila ni Enrique.

"Wala pa sir, at wala akong balak na sabihin ang tungkol dun." sagot ng Kapitan.

"Mabuti kung ganun, alam kong may iba ka pang gustong pag-usapan natin, sabihin mo na dahil may lakad pa ako maya-maya." bigay ni Sergio ng permiso sa kaharap.

"Pumayag na si Tim na pakasalan ako, gusto kong hingin ang permiso n'yo para masimulan na namin ang paghahanda para  sa araw na iyon." tumbok kaagad ni Enrique sa dahilan kung bakit nandito sila ngayon sa mansyon.

"Hahahaha! Bilib talaga ako sa'yo Enrique, hindi ka na nag-aksaya pa ng panahon at gusto mo na kaagad matali sa'yo ang heredero ko. Bueno, ibinibigay ko ang bendisyon ko para mapakasalan mo si Tim, may iba ka pa bang gustong sabihin?"

"Meron pa sir, gusto namin ni Tim na bumukod na kaagad at tumira sa probinsya."

"Sa bagay na 'yan ay tutol ako, hindi pa ako handang malayo ang anak ko sa akin, pero 'pag kasal na kayo, malaya na kayo kung saan man ninyo nais na bumuo ng pamilya." maagap na sagot ni Sergio.

"Naiintindihan ko, pero ang ibig sabihin din nun magiging madalas ang pagpunta namin ng anak ko dito sa mansyon, at batid kong ayaw ninyo sa bata dahil apo rin siya ng naging kaaway n'yong si Wilfredo."

"Nagkakamali ka Enrique, sa katunayan magaan ang loob ko sa bata at gusto kong naririto rin ang apo ko, mali yata ang pagkakaintidi mo sa sinabing kong hindi ko gustong umalis muna sa mansyon si Tim, ang ibig kong sabihin payag akong nandito rin kayong mga mahal niya at kasamang maninirahan sa mansyon." mahabang paliwanag ni Sergio.

Inaamin ni Enrique na sobrang nagulat ito at 'di makapaniwala sa mga narinig kay Sergio, at sobrang nagpapasalamat ang Kapitan na tanggap rin ng ama ng nobyo pati na ang kanilang anak.

"Salamat sir."

"Nakakapanibago ka Enrique, tama na ang pagtawag sa akin ng 'sir', mula ngayon sanayin mo ng tawagin akong dad, buti pa ang anak ninyo ni Tim granddad na ang tawag sa akin na lolo niya." tapik ni Sergio sa balikat ng magiging manugang.

"Okay dad." masayang sagot ni Enrique.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon