KABANATA XXXVIII

1.4K 83 15
                                    

Sa ikalawang araw ng paghahanap ni Andres sa maaaring kinaroroonan ni Timothy, bigo parin ito, sapagkat wala parin siyang ideya kung saang lupalop idinala ng pulis na si Enrique ang heredero.

Wala rin itong napala sa ilang oras na paghahanap niya sa internet ng mga impormasyon patungkol sa Kapitan, dahil parang multo ang katauhan ni Enrique na kahit isang detalye kung saan ito nakatira o ipinanganak ay wala ring nakalagay sa database ng kapulisan.

"Masyado kong minaliit ang kagaya mo Enrique, ngayong alam ko nang hindi ka rin basta-basta, asahan mong ganun rin ako sa susunod na magkrus ang mga landas natin." pangako ni Andres, habang seryoso itong nakatingin sa larawan ng pulis na nasa kanyang laptop.

Pagtingin sa oras sa suot nitong relo at nakitang magtatanghali na, minabuti na muna ni Andres na pansamantalang tigilan ang ginagawa, para kumain ng tanghalian.

...

Habang naghihintay para sa kanyang inorder na pagkain, nag-angat ng tingin si Andres pagkarinig nito sa isang boses.

"Ku-kuya... puwede po bang makishare ng mesa sa inyo?"

Sandali pang natigilan si Andres pagkakita nito sa itsura ng lalaking nasa harapan niya, na nakatayo parin at naghihintay sa magiging sagot niya.

"Okay lang, sige maupo ka na." ngiting sagot ni Andres, na ramdam ang pagsikip ng suot nitong pantalon, habang sinusundan nito ang pag-upo ng lalaking malaki ang pagkakahawig sa herederong kanyang kinababaliwan.

"Uhm kuya salamat at pumayag kang samahan kita." nakayukong saad ni Rain.

"Ayos lang, punuan talaga dito kapag oras na ng lunch, estudyante ka rin ba sa malapit na University dito?" sagot at tanong ni Andres sa kaharap, na napansin rin na katulad ang suot na uniporme ng lalaki, sa natatandaan nitong laging suot na uniporme ng heredero.

"Oo kuya, first time ko lang kasing kumain dito, wala kasi ang yaya ko na madalas na gawan ako ng baon." sagot ni Rain sa inaamin nitong bukod sa matipuno ay guwapo ring lalaki.

Nahalata ni Andres ang panakaw na pagtitig sa kanya ng kahawig ni Timothy, at isang ideya ang nabuo sa kanyang isip.

"Gusto mo ba ang nakikita mo? Mas may magugustuhan ka pang ipapakita ko, kung papayag ka." mahinang saad ni Andres na sapat na para marinig siya ng kaharap.

Pinamulahan kaagad ng mukha si Rain sa narinig nito sa lalaki, kaya naman napayuko na lamang ito.

"Huwag ka ng mahiya, interasado rin ako lalo na't tipo ko ang cute na kagaya mo." pilit pa ni Andres na lalo pang tinigasan, lalo pa't sa kanyang isipan ay si Timothy na ang kaharap niya ngayon.

"So-sorry kuya, pero hindi po ako interesado." sagot ni Rain na 'di magawang matingnan ang lalaking kaharap.

"Ikaw ang bahala, hindi kita pipilitin kung ayaw mo, pero kung magbago ang isip mo, puntahan mo ako sa itim na sasakyan na nasa harapan nitong resto." saad ni Andres, na napangisi na lamang, sa nakita nitong pagsunod ng kaharap sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan.

Naging tahimik ang sumunod na namagitan sa dalawa, na naging abala sa pagkain ng kani-kanilang lunch.

Nang matapos kumain, kaagad na tinawag ni Andres ang waiter para mabayaran ang kanyang bill.

"Isama mo na rin ang kinain ng kadate ko." kausap ni Andres sa waiter at abot nito sa kanyang card.

"Ku-kuya may pambayad po ako." protesta ni Rain sa ginawa ng lalaki.

"Ako ng bahala at treat ko na iyon sa'yo, isa pa wala ka na ring magagawa dahil tapos ko ng bayaran, pero kung mapilit ka, bilang kapalit, samahan mo ako sa sasakyan mamaya." ngiting sagot ni Andres na napangisi sa huli nitong sinabi at bago nito iwanan ang kasama sa mesa, pansin rin nito ang pamumula ng mukha ng lalaking kahawig ni Timothy.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon