KABANATA XLII

1.2K 76 19
                                    

Matapos ang masayang tanghalian kasama ng nobyo at ng mga tauhan sa mansyon, sandaling nagpaalam si Enrique sa lahat at nagtungo ito sa kuwarto, para gawin ang isang bagay na magbibigay sa kanya ng kasagutan matapos ang kanyang nakita kanina.

Pagkapasok sa kanyang kuwarto at mailock ang pinto, gamit ang bagong sim card, tinawagan na ng binatang pulis ang pinsan.

"Kamusta Brix, ano ng balita sa pinapahanap ko sa'yo?" bungad ni Enrique pagkasagot sa kanya ng pinsan sa kabilang linya.

"Wala talaga kuya, bukod sa limang may pangalang Alicia na nakatira sa Quezon Province na tapos munang napuntahan, bukod sa isang hindi mo nakausap, wala na akong mahanap na malapit sa edad ng pinapahanap mong may pangalan na Alicia Salvacion dito sa Maynila."

"Inaasahan ko ng sasabihin mo 'yan Brix, pero mukhang sa susunod na ipapahanap ko, malakas ang kutob kong matatagpuan ko na si nanay." pagpapatuloy ng pakikipag-usap ni Enrique sa pinsan, at muling bumalik sa isipan ng binatang pulis ang nakita nitong lalaki kanina nang mapatingin ito sa bintana ng kanyang sasakyan.

"Anong ibig mong sabihin kuya?"

"Palitan mo ang apelyidong Salvacion, gusto kong alamin mo ang lahat ng mga impormasyong mahahanap mo sa may mga pangalang Alicia Perez."

"Masusunod kuya."

"Sige Brix, ibaba ko na 'to para maumpisahan mo na kaagad ang paghahanap." tapos ni Enrique sa usapan nila ng pinsan.

...

Matapos na makausap niya si Violet, muling pinagtuunan ng pansin ni Andres ang mga larawan nila ng kakambal, mula noong sanggol pa lamang sila, hanggang sa huling larawan na kuha na magkasama sila na araw rin ng unang taon ng kaaarawan nila.

"Tama na muna 'yan anak, mabuti pa'y kumain na tayo ng tanghalian dahil alam kong gutom ka na rin." saad ni Fernando pagkalapit nito sa anak.

"Mauna ka na tanda, busog pa ako, isa pa tigilan mo ang kakatawag sa akin ng anak." sagot ni Andres na 'di man lang tinignan ang matanda.

Gaya ng kanyang inaasahan, batid ni Fernando na 'di magiging madaling makuha ang loob ng kanyang anak, at sa naging sagot sa kanya ni Andres, napabuntong hininga na lamang ang matanda.

...

Matapos na maipaalam ng mga tauhan na nakabalik na sa mansyon ang kanyang heredero, mabilis na tinapos ni Sergio ang mga inasikaso nito, para makasama ang kaisa-isang anak na muntik ng mawala sa kanya.

...

Matapos ipaalam sa kanya ng asawa na pabalik na ito ng mansyon, tsaka pa lamang lumabas ng kuwarto si Violet.

Sa mga oras ring iyon, abala naman sa sala ang magkasintahan Timothy at Enrique na kasalukuyang nanonood ng TV.

Sa nakitang akbay-akbay ni Miguel ang kinaiinisan nitong stepson, pigil ni Violet ang galit at inggit sa heredero, ganunman 'di napigilan ng babae ang magpasaring sa ayos ng dalawa.

"Ang sweet n'yo naman, pero tingnan ko na lang kung magawa pa ninyo 'yan pag-uwi ng asawa ko."

Parehong napatingin ang magkasintahan, pagkarinig ng mga ito kay Violet.

"Tama ka Violet, pareho nating titignan pag-uwi ni dad." ngising sagot ng heredero sa stepmom.
"Ric pakimasahe nga ang balikat ko, nangawit yata kanina sa haba ng biyahe natin." baling naman nito sa pulis na nobyo, na paraan rin nito para mainggit si Violet.

Gaya ng narinig ng binatang pulis sa nobyo, malugod nitong minasahe ang balikat ng heredero.

At 'di nga nabigo si Timothy, na nakita ang inis sa mukha ni Violet pagkatapos.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon