KABANATA XLIII

1.2K 78 32
                                    

Pagkadating sa pagkikitaang lugar, kaagad ng lumapit si Police Captain Valiente sa lamesang kinaroroonan ni Police General Feliciano.

"Maupo ka Captain Valiente." pahintulot ng Heneral, matapos nitong sumaludo pabalik sa Kapitan.

Pagkaupong-pagkaupo, hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang Kapitan at kaagad na ipinaalam sa superior ang kinalabasan ng kanyang misyon.

"Bigo po ako sir, wala akong nahanap na ebidensya para magamit kay Sergio."

Sandaling pinagmasdan ni General Feliciano ang kaharap, at sa nakikita nitong paraan ng pakikipag-usap ngayon sa kanya ni Captain Valiente, batid ng Heneral na may inililihim sa kanya ang Kapitan.

"Dahil ito sa kanyang heredero, tama ba ako?" tumbok ng Heneral sa tanging dahilang naiisip nito, sa ibang ikinikilos ngayon ng pinakamagaling nitong Police Undercover.

"Si-sir!" gulat na reaksyon ni Captain Valiente na napatingin na rin sa mukha ng Heneral.

"Base sa reaksyon mo, mukhang tama nga ako." simula ng Heneral na napabuntong hininga rin pagkatapos.
"Alam mong ikaw ang pinakagaling sa lahat ng mga kasama mo, Valiente, kaya nga ikaw ang inilagay ko sa pinakamapanganib na misyon, at hindi ba ang payo ko sa'yo kapag nasa misyon, kailangang doon lang ang pokus mo, at sa kinalabasan ngayon, hindi na ako nagtataka at nabigo ka tungkol sa bagay na iyon." dagdag pa ng Heneral na ipinababatid sa kaharap ang pagkadismaya nito.

"I'm sorry sir, tama po kayo at kasalanan ko ang lahat." amin ng Kapitan na napayuko na rin sa hiya.

"Wala na tayong magagawa pa Valiente, isa pa, batid kong tuso talaga si Sergio, bueno, bukas dumaan ka na lang sa opisina at doon na lang natin pag-usapan ang susunod mong magiging misyon." saad ng Heneral na tumayo na rin pagkatapos.

"Sandali lang sir, may kailangan rin po akong ipagpaalam sa inyo." pigil ng Kapitan sa paalis na sanang Heneral.

"Ano 'yon Valiente?"

"Magiging personal bodyguard po ako ng heredero ni Sergio." maagap na sagot ng Kapitan.

"Tama ba ang narinig ko Valiente?! Huwag mong sabihing hawak ka na rin sa leeg ni Sergio?!" gulat na reaksyon ng Heneral sa 'di nito inaasahang maririnig sa Kapitan.

"Tama po kayo sir." amin ng napayuko muling Kapitan.

"Nakakadismaya Valiente, batid kong magaling at matalino kang pulis hijo, kaya  hindi ko naisip na mangyayari ito sa'yo." napailing na lamang ang Heneral sa pagkumpirma sa kanya ng itinuring na rin nitong anak.

"Sorry po sir, alam kong nabigo ko po kayo."

"Tama ka Valiente, sobrang nadismaya mo nga ako, pero may pagkakataon ka pa para bumawi." sang-ayon ng Heneral at bigay nito ng isa pang pagkakataon sa Kapitan.

"Anong pong ibig ninyong sabihin sir?"

"Pakasalan mo ang heredero ni Sergio, nang sa ganun ay makapasok ka sa Mafiang pinamumunuan niya." sagot ng Heneral na gumulat sa buong pagkatao ng Kapitan.

"Si-sir!"

"Hindi kita minamadali Valiente, pero alam nating pareho na iyon lang ang paraan para  mapabagsak ng tuluyan si Sergio." huling saad ng Heneral, bago nito iwanan ang Kapitan na nanghihinang napaupo na lamang.

...

Pagkagising ni Timothy ay kaagad nitong napagtanto na nasa sarili na siyang silid, kasunod nun ay naalala nito ang panonood nila ng nobyong pulis sa sala kanina. At sa isipin ngang ang nobyo marahil ang nagbuhat sa kanya dito sa kuwarto, isang ngiti ang sumilay sa mga labi ng heredero.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon