KABANATA XLIV

1.1K 74 10
                                    

Matapos iwanan ang nobyong pulis kasama ng iba pa, sa opisina ng ama sunod na nagpunta ang heredero.

Nang makaupo na sila pareho sa pagitan ng mesa sa opisinang iyon ng ama, hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang heredero.

"Anong pag-uusapan natin dad?"

"Alam ko na ang tungkol sa inyo ni Enrique, at hindi ako tutol sa relasyong mayroon kayo, pero may hihingin akong isang bagay sa'yo son." sagot ni Sergio na matamang tumitig sa mukha ng anak.

"Salamat dad at tanggap po ninyo kami, ano pong gusto ninyong hingin sa akin?"

"Gusto kong ikaw ang mamahala sa negosyo natin, pagkatapos mong makapagtapos ng pag-aaral."

"D-Dad!" gulat na bulalas ni Timothy pagkarinig nito sa hinihingi ng ama.

"Son, alam mong sa'yo rin mapupunta iyon kapag nawala na ako, kaya gusto kong habang maaga pa ay mapag-aralan mo na kaagad kung papaano ang magpatakbo ng isang kumpanya."

"Pe-pero dad, hindi ba napag-usapan na natin noon iyan, at pumayag kang hindi ko muna pakikialaman ang pamamalakad sa kumpanya, ang bata-bata ko pa para dun, isa pa, gusto kong magsimula sa sarili kong mga paa, dahil ayaw kong marinig sa iba na anak mo ako kaya ako naluklok sa mataas na posisyon." protesta ng heredero at labas ng saloobin nito.

"Alam ko iyon son, pero iba na ang sitwasyon ngayon, hindi ba nga pinagtangkaan na ang buhay mo ng mga taong may galit sa akin? Sa ayaw at gusto mo'y, kadikit na ng pangalan mo ang panganib, kaya ngayon pa lang gusto kong maging handa para dun at mas makakasiguro akong makakalaban ka ng patas kapag ikaw na mismo ang nagpapatakbo ng kumpanya." katwiran ni Sergio.

"Pero dad."

"Sige, bibigyan kita ng ilang buwan para pag-isipan mo ang magiging sagot mo, iyon lang ang gusto kong pag-usapan natin, sige na makakalabas ka na."

"Okay dad." sagot ni Timothy na mabilis na ring tumayo at lumabas na sa opisina ng ama.

...

"Oh bakit ganyan ang mukha mo baby." alalang tanong ng lumapit na ring si Enrique sa kinatatayuan ng nobyo.

"Tungkol lang sa pinag-usapan namin ni dad, pero ayoko munang pag-usapan natin iyon." sagot ng heredero, kasunod nun ay yumakap ito sa nobyo.

"Naiintindihan ko, basta kapag handa ka na baby, nandito lang ako at makikinig sa'yo anumang oras." sagot ng binatang pulis na sinuklian rin ang pagyakap ng nobyo.
"Maiba ako baby, salamat pala sa masarap na ulam kanina." dagdag pa ni Enrique, na dahilan na rin nito para maalis ang gumugulo ngayon sa isipan ng heredero.

"Walang anuman Ric." ngiting sagot ng heredero, na natuwang nagustuhan ng pulis na nobyo ang ulam na niluto nito kanina.

...

Iniwanan ni Andres ang ama sa dati nilang bahay, ngayon ay nasa bahay siya ng kanyang ninang Divina, bilang pagpapaunlak nito sa imbitasyon sa kanya ng ginang na masamahan siya sa hapunan.

"Malihim talagang tao ang nanay mo hijo, sa tagal naming magkakilala, ngayon ko lang nalaman na buhay pa pala ang tatay mo." saad ni Divina, habang patuloy ito sa paghahanda ng mga pagkain sa hapag.

"Oo nga nang, ako man ngayon ko lang nalaman ang tungkol dun." sang-ayon ni Andres, na muli'y naitanong nito sa sarili, kung bakit hindi man lang nabanggit sa kanya ng ina ang mahalagang bahaging iyon ng kanyang pagkatao.

"Ang nanay mo talaga, tapos buong akala ko rin ay nag-iisang anak ka lang niya, iyon pala ay may kakambal ka." naiiling na saad ng ginang, na umupo na rin para sabayan kumain ang inaanak.

Nang marinig ni Andres ang tungkol sa kanila ng kakambal, sinimulan na rin nito ang pagkuha ng impormasyon sa natatandaan nitong tanging kaibigan noon ng kanyang ina.

"Tungkol po sa pagkakaroon ko ng kakambal, wala po ba talaga kayong natatandaan na baka may nabanggit po sa inyo noon si nanay?"

"Wala hijo, kasi noong panahong dumating  dito ang nanay mo, kayong dalawa lang ang alam kong tumira diyan sa bahay ninyo." sagot ng ginang na panandalian ring nag-isip sa tanong ng inaanak.

Sa naging sagot na iyon sa kanya ng kaharap, alam ni Andres na wala na itong mapapala sa pagbabakasakaling makakuha ng impormasyon na magagamit sana niya, para maumpisahan ang paghahanap sa kakambal.

"O siya tama na muna ang kuwentuhan at mabuti pa'y kumain na tayo." ngiting saad ni Divina na masayang makita muli ang inaanak.

...

Matapos ang hapunan kasama ng kanyang ninang, bumalik na si Andres sa dati nilang bahay. Patungo na sana siya sa sariling silid, nang makatawag pansin sa kanya ang sunod nitong narinig.

"Wala akong ideya Sergio, kung anumang away ang mayroon kayo ni Domingo, walang kinalaman dun ang anak ko, kaya 'wag mo siyang gagalawin." matapang na saad ni Fernando sa kausap sa kabilang linya.

"Sino ka ba talaga?" matapos ang mga narinig, pagkabunot nito sa baril na lagi nitong dala, itinutok ni Andres sa direksyon ng ama ang nasabing armas.

"A-Anak!" gulat na reaksyon ni Fernando, pagkarinig at pagkakita nito sa anak.

Author's Note:

I know maikli siya, ito na ang pinaka-maikling chapter nitong story. Sabaw ang utak ni otor nung ginawa niya ito.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon