KABANATA XIV

2.2K 124 6
                                    

Sa napansin ngang video recorder na nasa kuwarto ni Timothy, kinakabahan na si Enrique sa posibleng pagkabuko ng heredero sa mga nangyari sa kanila.

'Anong gagawin ko?' tanong sa sarili ng pulis.

...

Gusto man manatili ni Timothy sa kuwarto ay minabuti nitong lumabas na para dalhin ang mga pinagkainan sa kusina. Bukod dun pinili nitong mas maging matatag, dahil alam nitong hindi na niya maibabalik ang mga nangyari na. Kaya kahit pa masakit parin ang kanyang katawan, pati na ang kanyang damdamin sa nagawa sa kanya ng lalaki, na malakas ang kutob niyang si Andres iyon, handa na nitong harapin ang anumang susunod na mangyayari.

...

Sa nakitang paglabas ni Timothy sa sarili nitong kuwarto, nabuhayan si Enrique sa pagkakataong maaari nitong makuha ang video recorder sa silid na iyon.

Mabilis nga ang naging kilos ng pulis at kaagad itong nakapasok sa kuwarto, pagkahawak nito sa video camera ay napabuntong hininga na lamang ito at napigilan niya ang muntikan ng pagkabisto sa katotohanan ng heredero.

...

"Senorito bakit ikaw pa ang naglabas ng mga iyan, hinintay mo na lamang sana ako." medyo gulat na bulalas ni Myrna pagkakita nito sa alaga na dala ang mga pinagkainan.

"Ayos lang nay, medyo ayos naman na ang pakiramdam ko." sagot ni Timothy na abala rin sa pagtingin sa paligid, kung nasa malapit lang si Andres.

"Sinong hinahanap mo senorito?" tanong ni Myrna na nahalata ang paglinga-linga ng binata.

"Ah wa-wala nay, sige po, babalik na ako sa kuwarto ko."

"Sige senorito, mamaya ipagdadala na lang kita ng meryenda sa kuwarto."

"Ok po nay." pilit na ngiting sagot ni Timothy sa nanay-nanayan at pagkatapos ay bumalik na ito sa kanyang kuwarto.

...

Habang pabalik sa kuwarto si Timothy, paalis naman si Enrique sa kuwarto ng una, kaya naman nagkasalubong ang dalawa.

"Magandang Hapon sir, ayos lang ba kayo?" bati at alalang tanong ni Enrique sa herederong amo.

"Okay lang ako kuya Miguel, te-teka lang, anong ginagawa mo sa bahaging ito ng mansyon? Hindi ba sa bahaging iyon ang silid mo?" sagot ni Timothy at takang tanong rin nito sa hardinero.

"Ah may ibibigay lang sana ako sa inyo, narinig ko kasi sa pag-uusap nila nay Myrna at ate Vilma kanina sa kusina na may problema daw kayo, kaya naisip kong bigyan kita ng mga ito." sagot ni Enrique, sabay abot nito ng mga tsokolate sa heredero.

"Sa-salamat kuya Miguel." saad ni Timothy na tinanggap naman ang bigay na mga tsokolate ng hardinero.

"Walang anuman senorito, hindi ko man alam ang problema mo ngayon, hangad kong mawala na kaagad ang mga iyon, at sana gaya ko na sa tuwing malungkot ay nagiging masaya ulit sa pagkain ko ng tsokolate, mabawasan man lang ng mga tsokolateng bigay ko ang lungkot na nararamdaman mo ngayon." seryosong saad ni Enrique, na pigil ang sariling yakapin ang malungkot ngayong heredero.

"Sana nga kuya Miguel, sige babalik na ako sa kuwarto ko, salamat ulit sa mga ito." saad ni Timothy.

Pagpasok ng herederong amo sa sariling silid, bumalik na si Enrique sa kanyang kuwarto, para na rin maitago ang video recorder na nakuha nito sa silid ni Timothy.

Pagkatago nito sa video recorder, bumalik na sa pagtatrabaho bilang hardinero ang binata.

...

Gaya ng sinabi ng nay Myrna nito, ginataang bilo-bilo ang dala sa kanya ng matanda bilang meryenda ng pumasok ito sa kanyang kuwarto.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon