KABANATA XXX

1.7K 99 18
                                    

"Napipi ka na yata Enrique? Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, alam ko ang lahat ng tungkol sa'yo, gaya ng alam kong may ideya ka na rin kung sino talaga ako." muling narinig ni Enrique sa kilala nitong boses ni Sergio.

"Anong gusto mong mangyari Sergio?" tanong ni Enrique sa kausap ng makabawi ito.

"Ipagpatuloy mo ang pagtatrabaho sa akin, pero hindi bilang hardinero, mula ngayon bukod sa pagiging personal driver mo sa anak ko, magiging pangunahing bodyguard ka na rin niya."

"Hindi ako magtatrabaho para sa'yo Sergio at hindi mo na kailangan pang kuhanin ako bilang bodyguard, dahil handa kong gawin ang lahat para maging ligtas si Timothy at una kong gagawin ang ilayo siya sa'yo." galit na saad ng binatang pulis sa kausap.

"Kung ako sa'yo Kapitan ay 'di ko gagawin iyon, at para maliwanagan ka sa ibig kong sabihin, tignan mo ang video file sa gallery ng hawak mo ngayong cellphone, ibaba ko na muna ito at tawagan mo ako kapag tapos munang pinanood ang video."

Sa narinig ay 'di alam ni Enrique kung bakit bigla itong kinabahan, ganunman ay pinili nitong sundin ang sinabi ng kausap. Pagkakita nito sa videong tinutukoy ni Sergio, pinindot ng binatang pulis ang play button, kaya naman bumungad sa kanya ang gabing may mangyari sa kanila ng heredero.

Ilang minuto ang nakalipas matapos na mapanood ni Enrique ang video. Muling tinawagan ng binatang pulis ang kausap kanina.

"Ano Kapitan nagustuhan mo ba ang napanood mo? Tarantado ka! Hindi ba ang tunay na pakay mo sa mansyon ay tungkol lang sa akin? Pero imbes na misyon mo ang atupagin mo, pinili mong trabahuhin ang katawan ng pinaka-iingatan kong kaisa-isang heredero! Alam ko na ang lahat ng mga nangyari habang wala ako sa mansyon, bukod sa mga cctv na akala ninyo ng kasamahan mo, may mga kamerang nauna ng nailagay noon sa bawat sulok ng mansyon, nung unang pagpasok mo palang bilang hardinero, alam ko na ang tungkol sa misyon mo, hinayaan kita dahil interesado lang ako kung hanggang saan ang malalaman mo, pero hindi ko akalain na magkakainteres ka sa anak ko. Galit man ako sa nagawa mong pagsasamantala sa anak ko, alam kong hindi ko na maibabalik ang nangyari sa kanya. Pasalamat ka na lang at nagalingan ako sa napanood kong ginawa mo kay Andres kaya nananatili ka pang buhay ngayon, at hindi naman ako nagsisisi sa desisyon kong iyon, nang dahil sa'yo naging ligtas ang anak ko sa nangyaring pananambang sa kanya kahapon. Kaya mamili ka Enrique, magiging bodyguard ka ng anak ko, o kamumuhian ka niya kapag napanood niya ang videong napanood mo, bukod pa sa kasong rape na isasampa ko sa'yo kapag tinanggihan mo ang alok ko." bungad muli sa kanya ni Sergio.

Dala nga ng takot nito noon na malaman ni Timothy ang tungkol sa bagay na iyon, mabilis na pinabura ng Kapitan ang video ng gabing may mangyari sa kanila ng heredero, pati ang video recorder na pag-aari ni Andres ay binura rin niya ang na-record na video.

Sa puntong iyon, hindi alam ni Enrique kung paano pa niya malulusutan ang sitwasyon kinalalagyan. Alam nito na tama si Sergio na kamumuhian siya ng pinakamamahal nitong heredero kapag napanood nito ang edited na video.

Ang napanood na video ng Kapitan ang tila ba plano nila ni Andres para gahasain ang heredero. At kapag hindi siya pumayag, batid rin ng binatang pulis na hindi sapat ang kanyang salita, para pasinungalingan ang laman ng video na siguradong mapapanood ng pinakamamahal nitong heredero, bukod pa dun alam rin ni Enrique na malaki ang tiyansang makukulong siya.

"Sige pumapayag na ako Sergio, pero kapalit ay buburahin mo ang lahat ng videong minanipula mo." pagpayag na sagot at hinging kapalit ni Enrique.

"Hindi ganun kadali 'yon Kapitan, leverage ko iyon laban sa'yo kapag sinuway mo ako, pero lalaki akong kausap Enrique at 'wag kang mag-alala, batid ko namang masaya ang anak ko sa anumang relasyong meron kayo, kaya hindi ako tutol sa inyong dalawa, isa pa pala bago ito ibaba, 'wag mo munang ipaalam kay Timothy ang tungkol sa mga gawain ko."

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon